CLASH 2
Beware of typos and grammatical errors or any errors hehe. ;-;
🖤 sheneverlands✨ 2013.x o x o
Ashley's POV
"O diba? Sabi ko sa inyo kahit 'di muna tayo pumasok ngayon e." Mayabang na sabi ni Kyla.
"Tinakot mo naman si Sir Figurio!" Ni Sophia.
"Uy hindi ah. Tinanong ko lang siya ng maayos!" Katwiran ni Kyla.
"Maayos ba yung, "Sir, mawalang galang na ayaw pa namin pumasok ngayon. Bukas na lang, Hirap mag adjust eh."" Ang sabi ko naman sa kanya. Inismidan naman niya ito.
Palakad na kami sa parking lot dahil sa walang hiyang paalam ni Kyla. Literal na pagkasabi niya noon ay nag pasalamat agad siya kaya napatango na lang si Sir Figurio sa kanya.
"Buti na lang pala MUX ang dala mo, Katie. Panigurado punong puno nanaman yan mamaya." Ang sabi ni Shayne.
"Hay nako andami nanaman kalat nitong sasakyan ko mamaya." Ang sabi naman ni Katie habang pasakay na ng driver seat. Sila pa lang nila Kyla at Shayne ang nag 18 sa amin. Si Sophia ay sa september at ako naman sa end of the year.
"Uy ako na lang sa passenger seat!" Sabi ni Sophia.
Dinilaan ko naman ito. "First come first serve! Sa pauwi na lang Sophia!" Tumango na lamang ito at umupo sa gitna nila Shayne at Kyla.
Papunta na nga kami sa malapit na mall nang may napansin akong itim na motor na nakabuntot sa amin.
"Bakit parang may nakasunod sa atin kanina pa?" Ang sabi ko sa kanila.
Napatingin naman si Katie sa rear mirror at ang tatlo sa likod.
"Napansin ko rin yan." Sabi ni Katie.
"Ito naman ang malaking daan papuntang SM e!" Sambit ni Shayne.
"Oo nga." Pagkasabi ni Katie ay nawala na siya sa paningin namin. Nagbalitbalikat na lamang ako.
"Si Kyla lang ba ang bibili?" Tanong ni Katie. Nakarating na nga kami sa mall ngayon at naglalakad patungo sa bookstore.
"Bibili ako ng mga damit. Kita na lang tayo mamaya sa kainan?" Ang sabi ko sa kanila.
"Bibili ako books! Samahan ko na lang si Kyla." Ang sabi naman ni Sophia.
"Ikaw ba Shayne?"
"Pwede bang sa kainan na 'ko agad?" Tanong nito na agad ding binawi. "Bibili ako ng bags e."
"Okay. Bibili naman ako ng sapatos. Kita na lang tayo mamaya sa Shakeys?" Sabi ni Katie.
Tumango na nga kami at sabay sabay ding naghiwalay. Pumunta ako ng 3rd floor kung saan madaming mga magagandang damit. Habang sila Sophia at Kyla ay nasa 1st floor. Sila Shayne at Katie naman ay sabay na tumungo ng 2nd floor.
Bawat boutique na dinadaanan ko ay tinitignan ko. Malapit na rin kasi ang birthday ng pinsan ko kaya balak ko na rin bumili ng regalo. Mga limang paper bag na ang dala dala ko nang may nakita akong jacket na black na may pagka gray pa. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko ng babagay sa pinsan ko. Dali dali akong pumasok sa boutique ay agarang hinawakan ito ngunit...
BAKIT KAMAY ANG NAHAHAWAKAN KO?!
"Mine first." Tinignan ko kung saan nangaling ang boses at wow. Bakit mas makinis yung mukha nya kaysa sakin..
"It's rude to stare with mouth open,Miss." Pilyo niyang sabi. Grabeng kayabangan di ko maabot.
"Excuse me, Mr. pero nauna ako dito! Wala ngang tao kanina dito sa shop na to?!" Pagkasabi ko ay bigla naman may saleslady na lumapit sa amin.
"Miss, wala na ba kayong ibang stock nito?" Tanong ko sa saleslady. Napatingin din naman ang lalaki sa saleslady.
"Ah Maam, ano po, wala na po. Limited edition po yan from paris at nag iisa na lang po siya. Sino po ba ang magpapaubaya sa inyo?" Ang tanong naman saamin.
"Miss, sa jacket ka ba interesado o sa kamay ko?" Ngisi niya.
Doon ko lang napansin na nakahawak pa rin ako sa kamay niya. "Sorry ha?! 'Di ko napansin edi sinabi mo sana agad! Siya ate ang magpapaubaya!"
"Bakit ako? Kita mo namang nauna yung kamay ko."
"Mas mahaba kasi braso mo! Nasa likod nga kita oh?!"
"Maam, Sir, sumasakit na po ang ulo ko sa inyo. Ano po ba talaga?" Takang tanong ng saleslady.
"Ako po, ate! Mas nauna talaga ako! Sige na, pang regalo ko lang po talaga malapit na po ang birthday niya ayoko siyang ma disappoint." Pakiusap ko sa saleslady.
"For your boyfriend?" Tanong ng lalaki.
"Wow. Sa jacket ka ba interesado o sa love life ko?!" Pagbalik ko sa kanya. Akala nya ha!
"Sir, pag bigyan niyo na po si Maam. Baka ito talaga gusto ng boyfriend niya." Ang sabi ng saleslady.
"Tss. It is unfair when i'm the first person who touched it."
"I'm the first person who saw and went in first!" Pagkasabi ko non ay bigla naman nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko muna siya ng masama bago sinagot ang tawag ni Katie.
"Huy Ashley! Asan ka na ba?"
"Andito sa isang boutique. Tapos ka na?"
"Oo andito na kami sa shakeys bilisan mo!"
"Okay."
Pagkababa ko ng tawag ay nakatingin pa rin ang lalaki sa akin. Wow, di talaga siya papatalo?
"Sige ate sa kanya na lang yan." Sabi ko sa saleslady. "Lamunin mo yang jacket!" Ang sabi ko naman sa lalaki at inirapan ito bago lumabas. Ha! Madami pa akong pwedeng bilhan ng mga regalo, tingin nila sakin?!
"Ba't antagal mo?" Tanong ni Shayne habang palapit na ako sa table namin.
"Alam mo na 'di maiiwasan ang mga asungot sa paligid." Ang sabi ko sa kanya habang tumatabi kay Kyla. "Ano inorder niyo? May lasagna?"
Tumango naman sila. "As usual."
Hindi rin nagtagal at dumating na ang mga order. Mabilis lang din namin ito naubos dahil syempre gutom kami. Nag order pa nga sila ng isang pasta at dalawang malaking pizza para sa dinner namin mamaya.
"Uy ang aga pa. Laro tayo?" Aya naman ni Sophia.
"Doon tayo sa hindi masyadong puno." Ang sabi naman ni Shayne.
"Teka. Ang hassle naman dala dala natin yung take out?" Ni Katie.
"Ipaiwan na lang natin. Pwede naman yan." Iniwan na nga lamang namin ang tinake out at sinabing babalikan after two hours.
Malapit ng mag hapon at madami na kaming nakikitang estudyante. Ang mga nauna naming pinuntahan ay puno kaya nag hanap pa kami. May nakita na kami na 'di gaano karami at doon na kami nag laro.
"Pustahan tayo ulit?" Ang sabi ni Shayne kay Kyla.
"Oh sige ba. Game!"
Silang dalawa kasi ang mahilig mag pustahan. Parang sa lahat na lang ng bagay ay nagpupustahan pa sila. Ultimo sa choco na gatas at gatas na choco.
"Basketball. Pinaka highest! Sagot ang shopping for one day!" Ang sabi ni Shayne.
"Okay. Deal!"
BẠN ĐANG ĐỌC
Extraordinary Teen Clash
FantasíaIt is an ordinary day, hating someone you hate, and then in just a glimpse of time you need to unite as one in order to save your clan. A mission that left unanswerable questions... will they be able to unite? Will they be able to change hate into...