Chapter Two

16 1 0
                                    

Sebastian Greyson is the kind of guy we girls all know. Masyado ng predictable ang tipo niya. Iyong mga may bad-boy na aura, the ones that dominates and rule. Yong nakukuha lahat nga gusto niya at napapasunod lahat, because everyone thinks he's the king.

Umirap ako habang nakahalumbaba. Rinig na rinig ko sa aking likod ang tawanan nina Sebastian sa aming panot na guro na palakad-lakad sa unahan at kinukwento ang nangyari noong panahon niya.

Matanda na ang history teacher na ito, but hanggang ngayon wala pa siyang asawa. Ang sabi nila bading daw siya at kahit ibagsak mo ang klase niya kung gwapo ka naman ay ipapasa ka niya. That's what I heard sa mga seniors.

Nilingon ko ang katabi kong si Natasha at panay din ang tawa niya. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang hininga ni Sebastian habang bumubulong sa akin.

"I bet lahat ng arm chairs sa unahan ay may patak ng laway niya maging iyong table niya... mapuputi at may bula-bula pang laway.." he chuckled and I turned to him with a disgusted face.

"You're so disgusting, Sebastian."

"Bakit ako? Ako ba ang dumura sa mga upuan?" natatawang tanong niya at saka ko siya inirapan.

If everyone thinks he is a king, then not to me... I see that man as an easy guy who have an active teenage hormones and bang everything that moves. A guy who hates challenges because he definitely knows his worth.

Bumaling akong muli sa guro and this time si Natasha naman ang bumubulong sa akin.

"Good thing no one seats in the front dahil kung meron siguradong nasalo niya ng lahat ang laway ni ser." sabi niya sa akin.

She's Natasha... she's not a friend just someone I socialized here in school. She likes hanging out with me so, I let her tag along since parehas kami madalas ng iniisip at gustong gawin. Kahit na madalas din ay wala akong pakialam sa kanya but still she manages to be a companion to me.

"Nuts?" biglang alok niya sa isang plastic ng adobong mani na binili niya kanina sa canteen.

Kukuha na sana ako ng biglaang hablutin iyon ni Sebastian mula sa likod ko. Matalim ko siyang tiningnan ngunit abala siya sa pamimigay sa kanyang mga kaibigan.

"That's not yours para ipamigay." sabi ko ngunit kinindatan niya lang ako.

"Dare, Circe? Throw these in front, I bet you a thousand, hindi mo kayang ipatama ito sa mismong gitna ng noo ni ser habang naglalakad siya. " hamon ni Kirby sa akin at ngumisi naman ako sa kanya.

I took the nuts from Sebastian. Saka bumaling muli sa unahan at sinipat ang noo ng aming guro.

"And if natamaan ko siya, Kirby? Will you cut your manhood?" tanong ko habang sinisipat pa rin ang guro na malikot na naglalakad sa unahan.

I hate it when someone dares me sa mga bagay na sa tingin nila'y imposible kong gawin. I'm Circe Andrada and nothing is impossible to me! At kaya kong ipatama ito sa noo ng guro kahit na ang kapalit nito ay detention with that freaking walking microphone na guidance councilor ng school!

"Sure... kung matata---" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ay lumipad na ang maning hawak ko at lumanding ito sa mismong gitna ng noo ng aming guro.

Natigilan ang lahat at pinanuod nila ang dahan-dahang pagpula ng mukha ng aming guro dahil sa galit. Lalong kumintab ang panot niyang ulo ng tumama ang sinag ng araw mula sa bintana ng aming silid-aralan. Natatawa ako ngunit gusto kong panatilihing walang expression ang mukha ko.

"Who. Did. That?" nanggagalaiting tanong niya at nilimot ang mani sa sahig.

"Who throws this on my forehead?!" tanong niyang muli habang pinapakita ang maning nilimot niya. "Ha?! Sino?! Sino sa inyo ang bumato nito?! Sabihin niyo?!!!" lumilitaw na ang mga ugat niya sa makintab niyang ulo dahil sa galit ngunit wala pa ring umiimik sa amin.

Circe, Hates You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon