coffee house

6 0 0
                                    


Hanggang ngayun pinag iisipan ko pa rin kung ano ba ang kukunin kong course haay. Magluluto na nga lang ako ng pananghalian at dadalhan ko sila mama sa shop hehehe

Nag ready na ako ng mga gagamitin para sa adobo na gagawin ko.

Habang hinihintay kong maluto ang adobo at sinaing ko may kumakatok naman sa gate.
Pag open ko si ate nath pala.

"hi ate musta anong ginagawa mo dito wala ka bang pasok ngayun?" tanong ko habang binubuksan ang gate

"wala na akong pasok half day lang kami ngayun kaya maaga akong naka uwi, ah busy ka ba Zi?"

"hmm hindi naman nagluto lang ako ng ulam balak ko kasing pumunta ng shop para makatulong kina mama friday kasi ngayun kaya maraming students na pupunta dun ngayun, gusto mo bang sumama ate?" tanong ko habang nilalagay sa container ang ulam. Mukang pinag iisipan pa ni ate kung sasama sya. "sila mama lang kasi ang tao dun at yung dalawang taohan wala si kuya finals na kasi kya ako muna ang gagawa ng gawain ni kuya dun." hirit ko naman para sumama na sya ayaw nya kasing makita si kuya alam nyo naman yung kuya ko lakas ng topak ilang turnilyo na kaya ang natanggal sa utak nun buti hindi ako nahawa.

"hmm sige sama ako parang ang sarap mag take order at mag serve hehehe ma experience nga tara tapos kana ba jan tulongan na kita" hyper nyang sagot naka ko kung alam mo pupunta din si kuya after nun mag exam hahahaha

"ok na ate tara dun na din tayo kumain para masaya."

=shop=

"hi mama!/ hi tita" bati namin ni ate nath ng makapasok kami sa shop. Nga pala itong coffee house na to ang family business namin kaya nakakapag aral kami sa paaralan na medyo mahal. Share ko lang hehehe.

"oh anong ginagawa nyo dito?"

" mama gusto po namin ni te nath tumulong dito wala po kasi kaming gagawin kaya dito na lang kami saka mama nag dala po ako ng lunch.natin"

"ganun ba oh di sya sige kayo na bahala kung ano ang gusto nyong gawin pero bago yan kain na muna tayo ok dito tayo sa loob"

After namin mag lunch pinag lunch naman ni mama yung dalawang tauhan nya at kami ni ate nath ang pumalit si ate nath ang nasa cashier at ako naman ang gumagawa ng mga orders, enjoy na enjoy naman kami. Habang nag lalagay ako ng slide cake na order bigla namang pumasok sa kitchen si ate nath at naka simangot ano kayang nangyari dito?

"ate what happen? bakit ganyan ang muka mo may customer bang abnormal ha?"
tanong ko habang sinisilip yung mga tao sa labas.
"akala ko ba wala yung abnoy mong kuya ei bakit sya andito?" naka simangot nyang tanong sabay upo. Hahaha ito na yung hinihitay ko hehehe

"ahhmm baka ate maaga natapos ang exam nya hayaan muna sya naman yung waiter ei." sabay tulak ko sakanya pa balik sa cashier habang sya naka simangot hahaha peace tayo ate gusto ko lang makita ang cute nyong pag aaway ni kuya hahaha

Habang nag gagawa ako ng mga orders tawa naman ako ng tawa dahil yung dalawa parang aso't pusa ang cute nila.

Sample ng pag uusap nila.

"tarsing penge ngang tissue" - kuya sabay kindat.

"oh dodong" - si ate sabay hampas sa muka ni kuya ng tissue.

"petra pa add ng cake si mam yung mukang butanding." sbi ni kuya habang naka simangot na tawa naman si ate. Ang cute nila hahaha

"alfredo ito na yung order ni mam" kinurot naman ni ate nath si kuya s braso hahaha epic ng pag mumuka ni kuya hahaha.

"berting palinis yung isang table"

"oo puring saglit lang di pa ako tapos dito."

Ang saya ko ngayun hahaha ang gaganda ng mga pangalan nila hahaha tawa ako ng tawa dito sa kitchen bigla namang na tigil sa bangayan sila ate at kuya pag silip ko na kita ko naman si..... Nyx what the p anong ginagawa nya dito.

"oi batang maliit anong pagmumuka yan ha muka kang na tatae." kaasar talaga tong kuya ko sarap bigwasan sa ngala-ngala.

"hi fayel musta pwde ba kita tulongan jan ang dami na kasing customers sa labas dalawa na tayo ang mag prepare para mabilis." paliwanag ni nyx nako naman bakit ganun biglang uminit ng bongga. Ang hot kc ni papa nyx ei. Nako utak wag kang malandi ok. Asus eching ka pa jan ei.

" ah fayel ako na jan mukang pagud kana." sabay kuha nya sa baso at sa chocolate na dapat ilalagay bago ang coffee.
Wala na akong na gawa dahil sya na ang gumawa lahat ng orders, ako? Ito nganga sa harap nya taga abot ng mga gagamitin nya asar naman to bat ba hindi ako makagalaw.

Nang mahimasmasan ako sa presensya ni nyx pumunta ako sa labas para ligpitin ang ibang kalat busy ang damulag kong kuya ei.

Nang bandang 6pm kumain na kami ng dinner ang kulit pa rin nila kuya at mukang makikisali pa ata kami ni nyx dahil itong kaharap kong hot este lalaki ei pinag ttripan ako.

"liit kainin mo to para tumangkad ka naman ng konte." tapos nilagay nya yung gulay sa plato ko at yung manok sinamaan ko naman sya ng tingin makaliit naman tong palakang to hmm.

"pag hinalikan mo yung palaka nagiging napaka gwapong prince nun" hirit naman ni nyx then nag smirk. May pa smirk smirk ka pa kala mo kinagwapo mo yun.

"oo kinagwapo ko yun." ano ba nababasa nya ba yung nasa isip ko. Hanep ha mind reader pala to kaya siguro top to sa klase kasi na babasa nya yung utak ng teacher nako andaya naman.

" hindi ako mind reader no sadyang malakas lang talaga ang pag kakasabi mo." tapos naka smile pa sya anak ka ng tatay mo nyx.

" edi wow. DAMO kaw na" sabay subo ko ng pagkain ko.

"anong damo?" tanong nya habang na nguya.

Nagkatinginan naman kami ni ate nath at "DAMO...DAMOLAG" sigaw namin ni ate nath hahaha epic ng muka nila kuya at nyx.

Habang tawa kami ng tawa ni ate dumating naman si mama at sinabing kung pwde taposin na namin ang pag kain at tulogan yung dalawang tauhan sa labas.

*fastforward*

9:30pm na nang mag sara kami habang pinapatung nila kuya at nyx ang mga chairs sa taas ng tables nag labas naman si papa at mama ng java chip milk share, iced white chocolate mocha, at dalawang java chip frappe.

"oh ito pang pa relax salamat sa tulong nyo ha lalo na sainyo nath at nyx salamat kasi mas dumami yung customers kasi andito kayo"
"grabe ka ma parang sinabi mo naman na ang pangit ni Zia wag ganun ma baka lumiit lalo yang bunso nyo."

"letche plan ka kuya kala mo kasali ka sa binanggit ni mama nath at nyx lang narinig ko ei wala namang ZAC dun." hihirit nalang kasi to damolag kong kuya sablay pa sarap kurutin sa singit ei.

"nako tama na yan at umuwi na tayo at kuya wag kana mag tampo kasama ka sa group ng mga gwapo." nako si mama pinalaki nanaman ang ulo ng kuya ko haay sige na nga ako na ang maliit at least cute at maganda. Sumakay na kami sa kotse ni kuya si ate nath ang nasa front sit at kami ni nyx ang nasa back sit sila mama at papa naman may dadaan pa kaya piba una na kami.

Habang nasa byahe walang nag sasalita after 10 mins.

"nath may boyfreind kana ba?" tanong ni kuya.
Hindi naka sagot agad si ate mukang na nagulat sa tanong ni kuya.

"wala pa busy pa kasi sa studies ei"
"ganun ba sabagay, kaw nyx may girlfreind kana ba?" kuya naman ka inis ka..pero gusto ko rin malaman kung may gf na sya. Ok lang naman yun wala naman na akong gusto sakanya.

"ahh wala pa din may hinigintay ko pa kasi yung babaing gusto ko ei saka pag ako nag ka gf gusto sya na ang una't huli." sino kaya yung babaing hinihintay nya? Bakit ganto ang nararamdaman ko bakit ang bigat sa dibdib wla naman syang sinabing pangalan ei.

"ikaw fayel may bf kana ba?" tanong ni nyx habang naka tingin sakin bakit parang may iba sa mga mata nya parang may lungkot na hindi ko malaman haay bahala na nga.
"ah wala pa din ei saka na pag duting na yung tamang tao para sakin." tapos ngumiti ako sakanya at ganun din sya.







Haller guys sorry sa super duper at slow na slow na UD sana wag kayo magalit pls..

Ang dami kasing gawain sana supportahan nyo pa rin itong unang story ko at baka huli na din hihihi sorry na ng bonggang bongga ung ginawa ko kasi na wala ei ang hirap mag isip ng panibago. So sana po na intindihan nyo ko. Next year ulit ung next UD ko hihihi de joke try ko mga next month nlng ok po sana ok po ung ud ko ngaun .

Salamat

I'm Still In Love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon