Chapter I: Somerville Academy
Copyright © 2013
Hindi rin naman pala masama maging masunurin sa mga magulang. Kung hindi ko sinunod ang kagustuhan nila na ipasok ako sa Somerville Academy, hindi ko makikilala si Christian Castro, o kilala sa tawag na Xian. Sayang, may girlfriend na siya nung lumipat ako bilang junior student sa SA. Di-hamak na mas maganda ako kesa sa girlfriend. Pinagmamalaki ko ang 5'5” na tangkad ko, ang aking mala-manikang balat at mahahabang pilik-mata. Do parents lie? Maganda raw ako according to them. Kung ako kaya ang unang nakilala ni Xian, mahuhulog kaya siya sa akin? Ano bang problema ko at parang tinatakbuhan ako ng mga lalaki?
Wala akong pakialam sa ibang lalaki. Basta't mapasaakin si Xian, greatest achievement ko na yun. Nakakapagod siyang habul-habulin pero alam kong magiging worth ito. Break a leg, Angie!
Speaking of pagod, here I am, pagod na pagod. Hinihingal. Kanina ko pa sinusundan si Xian. Kelangan ko siyang makunan ng litrato para sa blog ko. Private blog.
*Click*
Pagkatapos ko siyang kunan, nagtago ako sa likod ng isang shrub malapit sa kanya. Sa kanila pala. Nahirapan ako ng kunti dahil may kasama siyang babae. Ibang babae sa nakita ko kumakailan. Did I mention na dakilang campus jerk siya? Alam kong weird ako dahil nahulog ako sa isang walang-magawa-sa-buhay na lalaki, may bisyo at well, gangster. Siya ang pinakakakaibang gangster na nakilala ko. Guwapo at may laman ang utak.
Abot tenga ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang picture niya na nakunan ko sa phone ko nang bigla may tumulak sa akin.
"ANGIE!"
"Ay, kabayo!"
*Pak!*
"HAHAHAHAHA!" kita halos lahat ng ngipin ng best friend ko habang tumatawa.
Aba! May gana pang tumawa!
Binatukan ko siya, hard enough para mapatigil siya sa kakatawa.
"Aww! Angie! Ang sadista mo!" sabi niya habang hinihipo ang ulo. I swear, masakit talaga.
"MY GHAAAD.. ANG CELLPHONE KO.." pag-iyak ko.
"Ay, nasira ba? Patingin nga."
Pinulot ko ang cell phone ko. Pakiramdam ko dinaganan ako ng isang buong bahay dahil nabasag ang screen nito. Hindi ko na talaga ma-on.
"BUMALIK KA SA PLANETANG PINANGGALINGAN MO, BRUHO KA!" mangiyak-iyak kong sigaw sa kanya. Buti nalang nasa likod ng building ako. Doon kasi nagdi-date ang dalawa sa bandang kanan. "Xian ko.."
"Sus.. Kayang-kaya mo namang palitan 'to eh," simpleng sabi nito.
"Hindi mo kasi maintindihan. Alamo ba kung ilang milya ang nilakbay ko para lang makunan ko siya? Alamo ba kung gaano nakakapagod magtagu-tago sa likod ng halaman?" iyak ko hawak-hawak ang dibdib, pero wala namang lumalabas na luha.
Tinaasan lang ako ng kilay. Aba!
"OA. May memory card naman yan siguro noh?" sarcastic na tanong nito.
"Ha?" natahimik ako.
"Napaka-childish mo talaga kahit kailan,"
Pinagmasdan ko ang cell phone ko.
"Hahaha! Bakit di ko naisip yun?"
Halos lumundag ako sa tuwa. Hindi pa pala nawawala ang picture ni Xian!
Tinanggal ko ang memory card sa cell phone saka ko tinapon. Ayaw nang mag-on e. Napailing lang si Carl sa ginawa ko. Hindi kami kabilang sa elite pero may kaya parin kami. Businessmen ang parents ko.