Chapter III: Unexpectedly
Copyright © 2013
Wala pang ilang minuto nang magpaalam si Carl para umuwi. Inutusan siya ni mama na samahan ang magdamag kaya babalik siya mamaya. Nagpasalamat ako sa kanya at hinayang umuwi.
Sinubukan kong umidlip nang mapag-isa na ako pero hindi ako makatulog. Bigla nalang bumukas ang pinto at dumungaw si Jenny.
"Oi! What's up?" tanong ko saka bumangon. "Akala ko bukas pa kayo babalik?"
"Something's up here. Someone wants to visit you," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.
Kumunot naman ang noo ko.
Binuksan niya ang pinto at sumulpot ang isang nilalang, si Xian. Halos mailuwa ko ang mga mata ko.
Nataranta ako. Ghad! Kumusta naman ang oily face ko pati buhaghag na hair ko? Shet.
"Nakasalubong ko siya sa mall kanina," mall na naman!
Pumasok sila pero parang ewan itong si Jenny at bigla ba namang lumabas. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Hindi ako mapakali pero di ko pinahalata. Sana lang hindi niya mahalata.
"M-maupo ka," nauutal na sabi ko habang nilalahad ang couch. Akala ko dun siya uupo pero nabigla ako nang umupo siya dun sa may dulo ng kama ko. God! Ano to?
"Kumusta?" seryosong tanong niya. Himala! Nawala ang pagka-jerk.
I know I'm not having a dream, right? Nag-uusap kami diba?
Pasimple kong kinurot ang pisngi ko para siguraduhing gising ako. Okay, Xian Castro is sitting in front me.
"Hindi ka naninigip,"
"Ha?"
"Gising na gising ka. Nasurpresa ka ba sa pagbisita ko?" sabi niya saka nag-smirk.
Golly! Nagtindigan ang balahibo ko. Minamanyak ba niya ako? Takte.
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Bakit kapag kaharap ko siya nagfa-function involuntarily ang lahat sa akin. Shet lang.
Narealize ko na kahit gaano ka kadaldal, kapag ang crush mo ang kaharap, nai-speechless. That's a fact. Lalo pa kaya kung isang Xian Castro ang kaharap mo, the biggest jerk ever!
Nagsisimula na siyang maghasik ng lagim. Humiga siya ng mala-Juan Tamad.
"N-napadaan ka pala?" lakas na loob kong tanong. Paano pa ako magiging comfortable nito kung kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya sa suot niya V-neck na shirt. Nakakatakam naman ng abs niya. Pweh! Hinahawaan ako ng lalaking to.
"Akala ko kasi natuluyan ka," he lazily said. Naku! Napakasama talaga niya!
"Hindi ka na sana dumaan kung yan lang ang sasabihin mo," sabi ko.
"Hihingi lang naman ako ng tawad dahil sa ginawa ng mga gunggong na yun," bumangon ito. "Ikaw ang napagtripan dahil sa ginawa namin sa kasamahan niya," sabi nito.
"Wee? Seryoso na yan?"
"Oo. Tsaka, sabihin mo lang kelan magsasampa ng kaso ang mama mo. Baka kasi di ko alam paglabas ko ng school o bahay bigla nalang may nakaabang na mga pulis sa akin. Mas mabuti na yung handa ka,"
Aww. Si Xian ba talaga to? Mas lalo siyang gumuguwapo kapag seryoso ang mukha. Lord, ibigay niyo na po siya sa akin.
Nag-snap siya sa harap ng mukha ko. Ngayon ko lang narealize na nakatungkod pala ang kamay ko sa baba ko.
"Ay sorry. Kung meron mang dapat kasuhan, yung mga unggoy na yun pero hindi na kailangan.
Ayos naman ako eh. Hindi naman raw dumugo yung ulo ko," nginitian ko siya.