Chapter II: Fisticuff

10 0 0
                                    

Chapter II: Fisticuff

Copyright © 2013

Natapos ang araw ko na walang nangyaring exciting maliban sa pagkahuli ko sa mahal kong campus' jerk kasama ang isang rabbit. Rabbit para hindi masyadong harsh pakinggan.

Meron pa palang nangyari. Nakatanggap ako ng red mark sa A.P. sa quiz. Paano kasi, hindi nakapag-aral. Hindi naman talaga ako nag-aaral sa subject na yun. Hindi ako nangopya kina Jenny dahil tampu-tampuhan kunoh.

"O ano, Gie. Di ka na talaga mapipilit?" hindi ko mabilang pang-ilang tanong na sakin 'to ni Jenny habang papalabas kami ng campus. Pinipilit nila ako na gagala daw kami sa mall at magsha-shopping. Tumanggi ako dahil god, halos everyday kami bumibisita ng mall ni mommy. Hanggang ngayon, parang bata parin ako na pinapamper.

"Kayo nalang, okay? Tinatamad ako tsaka may test ulit sa AP bukas. Ayokong maging center of attraction ulit kaya mag-aaral ako," palusot ko. Never talaga akong naingganyong mag-aral.

"Asus, mag-aaral daw. Tara na nga Jen, ayaw eh. Di tayo nalang," sabi ni Lara sabay irap at kalabit sa braso ni Jenny.

"Osya, hindi ka na mapipilit. Sasakay na kami," nagpaalam na sila at pumara ng taxi. Pagkaalis nila, pumunta ako sa sakayan ng bus. Ilang beses na akong pinilit ni mama na kumuha ng personal driver pero ayoko. Gusto ko ng normal na buhay high school katulad ng ibang studyante.

Ang papunta sa lugar na yun, may madadaan kang basketball court. Mga tambay ang karamihan na naglalaro dun. Nang mapadaan ako dun may mga lalaking nagkukumpol-kumpol. Naka-uniform sila pero galing sa ibang school. Matagal na akong sumasakay ng bus pauwi pero ngayon ko lang sila dito nakita.

Bago ko pa sila malagasan, nagsilapitan sa akin ang iba at hinarang ako. Damn. Ano to?

Dahil unusual ito sa akin, nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Lalo na nang mahagilap ng mga mata ko ang asero ng lalaking naka-ballcap, red shirt at maluwang ang pantalon. Ang polo ay nakabitin lang sa balikat niya.

I concluded, na-trapped ako ng mga panget na gangsters. Pinilit kong inalala kung may nagawa ba akong atraso sa kanila pero wala naman. Ang ganda ko para maging myembro ng isang gang.

"Makikiraan," lakas na loob kong sabi. Imbes na tumabi sila, ngumisi nalang na parang asong ulol ang pinakagitna. I bet, siya ang leader ng grupo. Hahakbang na sana ako pero tinulak ako nito ng di-gaano malakas sa kanang balikat ko kaya napaurong ako. I'm so dead!

"Saglit lang. Kilala mo ba si Xian Castro?" nabigla ako sa tanong niya.

Kilalang kilala.

"Bakit? Inano niya kayo?" tatanga-tangang tanong ko. Feeling ko naman nanay niya ako ako.

Napahid nalang ng lalaki ang noo niya habang nakapikit na halatang nainis. Hey! Naninigarado lang naman unggoy!

"Ako ang unang nagtanong. Pwede bang sagutin mo muna?" sabi nito habang nakakuyom ang palad. Ganun ba kalala ang atraso sa kanila ni Xian?

"Eh kung sabihin kong kilala ko? Anong gagawin niyo?" umarte akong matapang para hindi nila mapansing natatakot ako. "Kaibigan, schoolmate, classmate at kapitbahay ko siya,"

Sa lahat ng nabanggit ko, 'schoolmate' lang ang tama.

"Cool. Eh di mas madali namin siyang mapapapunta dito?" sabi nito, smirking.

Napakurap nalang ako ng paulit-ulit. Shet. Nagsisi ako sa sinabi ko. Hindi na talaga mababago ang pagiging bobo ko.

"A-ano?"

A Painful Tale of an Ultimate ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon