Babaylan: Talasalitaan (Tauhan)

6.8K 105 4
                                    


Babaylan - isa sa mga namumuno sa isang nayon ngunit maliban sa datu at mahaharlika, na ang tungkulin ay manggamot, magbigay ng propesiya, tagapaghatid ng mensahe mula sa mga diyos at diyosa, at magbigay ng mungkahi na naaayon sa ikauunlad at maging ligtas ang nayon

Binukot - ang pinakamagandang babae sa tribo, kadalasan ay prinsesa, na hindi maaaring ipakita sa mga tao, lalo na sa mga lalaki

Datu - ang pinuno ng nayon o balangay na galing sa uring maharlika; tungkulin niyang pamunuan ang kanyang nasasakupan at siya rin ang tagapagpatupad ng mga batas

Umalohokan - tagapagbalita o tagapagpahayag sa utos ng datu at payo ng babaylan sa isang balangay

Panday - tagagawa ng armas na kailangan sa pakikidigma

Maharlika - pinakamataas na uri sa isang nayon kung saan nabibilang ang datu at mga pinakamayayaman na tao; hindi sila kabilang sa mga nagbabayad ng buwis at may kakayahan din silang magkaroon ng mga alipin

Timawa - gitnang uri; gaya ng mga mahaharlika ay malaya rin silang nabubuhay sa nayon; nabibilang din dito ang mga nakalayang alipin at ang mga anak sa ligaw ng mga datu o raja

Alipin - pinakamababang uri; uripon; tagapagsilbi ng mga timawa at mahaharlika; mayroong mga aliping nagmamay-ari ng kanilang sariling bahay at tinatawag silang aliping namamahay; aliping sagigilid naman ang tawag kung sila ay umaasa sa kanilang amo o pinagsisilbihan.

Kalakian - mga mandirigmang babae


***

Purpleyhan Stories' GuidebookWhere stories live. Discover now