Babaylan: Mga Pangitain at Sangguni

1.9K 41 1
                                    


"Paalam na, hiling ay muli kang mamasdan

Pangakong iniwan, sa huli ay makakamtan

Pagdating ng hapon, hindi na muling masisilayan

Ang nais ko lamang ay iyong kaligtasan."

Kabanata 0/Panimula



"Sa aking pagkahimlay, darating ang babaylan;

Na magtataglay ng lubos na kapangyarihan;

Galing sa panahong hindi pa nakakamtan;

Siya ay magbabalik sa nakaraan;

At ang kanyang pagdating ang magiging daan,

Upang muling magsama ang araw, tala at buwan."

Kabanata 2



Liham ay magiging daan

upang ika'y masilayan;

Ang dugo ng hinaharap

magbabalik sa isang kisap.

Kabanata 3



Taglay ang dakilang liwanag,

muling magkakaroon ng sinag;

Gabay ang araw at buwan,

lumayag at lumaban.

Kabanata 5



"Sayi, sisidlan ng mga diyos at diyosa;

Bagim, ang magiting na mandirigma;

at Magat, ang pantas na nakauunawa;

Ay nangangako sa araw, buwan at mga tala,

Na magiging patnubay ng natatanging prinsesa."

Kabanata 8


Sa ngalan ni Bulan,

saksi ang marka ng buwan,

itinatatag kita bilang babaylan,

ng Kaharian ng Kaboloan.

Kabanata 10


"Kasabay ng pagsilip ng buwan,

Dinggin ang panata ni Bulan,

bilang iyong pintakasi, babaylan"

Kabanata 14



Sa pag-usbong ng kanyang araw,

kadiliman ay muling dadalaw;

Kapalit ng kanyang sinag,

haligi'y papawian ng liwanag.

Kabanata 15



Sa paglisan ng isang sisidlan,

magsisimula ang kadiliman;

Sa pag-usbong ng bagong binhi,

Paggalaw ng dakilang sanhi.

Kabanata 16



Tatlong sisidlan,

Isang dakilang digmaan;

Tatlong pintakasi,

Sino ang magwawagi?

At sa paglitaw ng pulang buwan,

Ang itinakda ay uupo sa luklukan.

Kabanata 21


O, Gutugutumak-kan,

diyos ng Agta,

dinggin ang kanyang ngalan;

O, Bathala,

diyos ng Kaluwalhatian,

dinggin ang kanyang ngalan;

Kayo, ang pinuno ng Agta,

isang tunay na mandirigma,

isang huwarang ama;

sa ngalan ni Pawi,

ang kanyang pintakasi,

at sa ngalan ni Bulan,

bilang kanyang sisidlan,

dinggin ang aking kahilingan:

nawa ang kaluluwa ng atubang,

ay inyong pagbuksan,

sa natatanging kinalulugdan,

ang Kaluwalhatian.

Kabanata 28 (awit ng dalangin ni Atubang Kayo)

Purpleyhan Stories' GuidebookWhere stories live. Discover now