~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~
May pag-aalinlangan ang ina ni Nene sa pagbabago nito, bagama't may tiwala ay may pangamba pa rin. Hindi na makikita sa mukha ni Nene ang kabataan, mapapansin na ang kariktan ng wagas na kagandahan. Hindi nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang sa kanya'y nahuhumaling at naaakit.
Sa sulok ng mga mata ni Nene ay nahahagip ang pagtititg ni Ben. Palagi tuloy namumula ang kanyang pisngi at ang kanyang nararamdaman pag naiisip si Ben ay hindi maipaliwanag, nakakabagabag ngunit may ibang sensasyon na nakakapagpasaya sa kanya. At noon lang, . . Noon lang nya ito naramdaman.
May pagbabago rin sa itsura ni Ben, mas matangkad na bata na siya ngayon at mayroong nakalagay sa mga mata nito, kumikinang kapag nasisikatan ng araw. Nakadagdag ang bagay na iyon sa kagwapuhan ng binata, lalo itong nagmumukhang puno ng dalisay at kaalaman.
May pitak sa puso ni Nene ang nagdaramdam sa tuwing nakikitang may kasamang iba ang binata. "ano kaya ito?" tanong ni Nene. Masakit, at nuon... nuon niya rin lang unang naramdaman. Hindi tuloy maiwasan ni Nene ang pagkayammotb sa lalaki ngunit namumuhi siya sa sarili dahil hindi man lang nya makausap ito, o kahit malapitan man lang.
Sa kabilang banda, dahil sa agam-agam ng Ina ni Nene sa kanyang kaligatasan ay humiling sya sa nakatatandang kapatid na lalaki ni Nene na sunduuin ang dalaga tuwing hapon. Si Nene ay walng dili-dili sa tinuran ng ina sapagkat alam nyang para ito sa ikabubuti nya. Paminsan-minsan din kasi ay nag-aalala siya para sa sarili tuwing uuwi galing sa paaralan.
Dahil hindi magkawangki ang magkapatid ay inakala ng nang marami na kasintahan niya ito. Wala namang nagtatanong kay Nene kaya hindi niya alam na pinag-uusapan na pala sila.
Isang araw, nagkaroon sila ng bagong kamag-aral, Ana ang pangalan. Mganda ito, mahaba, makintab at itim ang buhok, maputi, makinis at matangkad. Marami tuloy sa mga kamag-aral niyang lalaki ang nagsipaghiyawan. Ngunit ang ipinagtataka niya ay ang pag ngiti ni Ben sa dalaga. At ang binata pa mismo ang nag-alok ng katabing upuan sa dalaga. Pati ang ibang mag-aaral sa silid ay nagulat. Hindi kasi ganoon ang pagkakakilala nila kay Ben. Bagama't maginoo ay tahimik lamang. Nangingilid na ang mga luha ni Nene ngunit pinigil niya ito.
Lumipas ang mga araw ay napag-alaman nilang matalino rin si Ana. Nakikipagsabayan ito sa kanila ni Ben. Ngunit ang mas kapansin-pansin ay ang pagiging malapit ni Ana at Ben sa isa't isa. Magkasabay parati kung kumain at pati na rin kung umuwi.
Sunud-sunod ang paghikbi ng dalaga sa tabi ng sapa. Duon siya nagtutungo kung mabigat ang damdamin. Ngayon lamang niya napagtanto na gusto niya si Ben... mahal niya. Ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya nahuhuli ang lihim na pagsulyap ni Ben. Hindi na ito tumutingin sa kanya. Naisip niya tuloy na kaya lagi syang tinitingnan ni Ben ay sinusubaybayan nito ang mga gagawin nya sa loob ng klase,sa pag-aaral... yun lang at wala ng iba.
Binigyan lang niya ng mas malalim na kahukugan ang paagsulyap-sulyap nito. Ang munting iyak ay napalitan ng iyak... at ng hagulgol.
Habang nasa loob ng silid-aralan, wala sa loob na naisulat ni Nene sa isang puting papel ang...
Ben,
Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa tuwing kasama mo siya --- si Ana. Akala ko pa naman ay gusto mo rin ako, mali pala. Pero Ben, kahit anong mangyari mahal pa rin kita. Ikaw ang akig unag pag-ib...
Hindi pa man natatapos ni Nene ang sulat ay nilipad na ito ng hangin. Balak sana niya itong punitin pagkatapos subalit nawawala na. sinubukan niya itong hanapin dahil ayaw nyang may makabasa nito. Ngunit ang sulat ay nakita ng buong klase, alam nila na kanya iyon dahil sa paraan niya ng pagsulat. Natahimik ang buong silid. Sa kanya halos nakatingin pati sina Ana at Ben.
Gusto niyang mabuwal sa kinatatayuan ngunit nanguna ang kahihiyan. Lakad-takbo niyang tinungo ang sapa at doon niya malayang pinadaloy ang mga luha na kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata. Matagal-tagal na siya sa ganoong ayos ng marinig niya ang pamilyar na boses, ang boses na pinapangarap niyang banggitin ang pangalan niya. Nandun si Ben, malapit sa kanya.
"Si Ana, hindi ko siya kasintahan... pinsan ko siya..."
Hindi siya makapaniwal sa narinig. Humarap ito kay Ben, nakapameywang ito na lalong nakapagpatikas sa tindig.
Itinuloy ni Ben ang kanyang sinasabi ngunit humakbang muna palapit kay Nene at umupo sa tabi nito. Hinawakan ng binata ang pisngi ni Nene na ikina-kiliti ng dalaga...
"Nene, ikaw ang unang babaeng napansin ko, Bagama't may pagkabata ay may maamong mukha... Pinilit kong makipagsabayan sayo kaya nagsumikap akong mag-aral. Sa tingin ko ay tagumpay ako sapagkat nakuha ko ang atensyon mo... Di mo lang nakikita ang pag-ngiti ko tuwing nakikita kita... Kung alam mo lang ang pagnanais ko na mahawakan ang buhok mo..." - Ben
"Ngunit Ben, nahuhuli kitang nakatingin sa akin, nuon, nuong hindi pa dumadating si Ana..." - Nene
"Pinsan ko lang talaga si Ana, mabuti at dumating siya ay kahit papaano'y may magpapasaya sa akin..." - Ben
"Nene, napansin kong nawawala ka sa konsentrasyon, naisip kong naiilang ka sa mga tingin ko kaya't pinilit kong wag tumingin sa iyo. Alam mo bang masamang-masama ang aking loob na hindi ko na maaaring tingnan ang mukha ng babaeng mahal ko..."
"Mahal mo ako??" - Nene
"Oo, alam mo bang tuwang-tuwa ako ng mabasa ang sinulat mo? Ako ang nakapulot niyon... Nakita ko ng liparin iyon ng hangin dahil nakatitig ako sa iyo. Buong pagmamalaki kong ipinakita ang sulat mo sa kanila... Patawarin mo ako kung napaluha kita... Pero Nene, mahal na mahal kita kaso mayroon ka nang kasintahan... alam mo bang sinusundan kita tuwing hapon upang siguraduhing ligtas kang makakauwi?"
"Ang sinasabi mong kasintahan ko, siya ay kuya ko," - Nene
Wala nang itinugon si Ben sa sinabing iyon ni Nene. At sa halip nagulat na lang si Nene ng ilapat ni Ben ang mga labi nito sa kanya. Patuloy pa ring lumalandas ang kanyang luha pero hindi na dahil sa kalungkutan kundi dahil sa kaligayahan.
~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~ * ~ ~
THE END ^____^v
Hope you liked it just the way I did (:
Vote and comment please. Thanks
BINABASA MO ANG
Ang Dalagita
Short StoryThe story entitled "Ang Dalagita" was written by Josefina R. Serion. Nabasa ko yun noong first year high-school ako(2009), for the preparation for a Filipino contest at every year (1st year, 2nd year, 3rd year, at 4th year) may tig-dalawang represen...