-
Chapter 4- Realization
Matapos ang 1st day of school eto ako ngayon sa kwarto ko at nagsusulat sa aking diary,
Sinasabi ng iba na masyado namang weird yun. Hindi na yun uso, pero para sa akin mahalaga yun dahil sa pamamagitan nun nailalabas ko ang aking nararamdaman.
Sa pamamagitan ng diary, masusulat ko yung mga bagay na nangyayari sa akin. Kagaya na lang nang nangyari sa akin kanina. Atleast hindi na ako mahihirapang magkuwento tungkol sa buhay ko.
Sa pamamagitan nito, malalaman ng magiging anak ko at asawa.
Naiisip ko pa lang yung idea na yun, natatawa na ko sa magiging reaction nila.
Back to the reality.
Yung nangyare kanina sa school at yung pasakay na ko sa jeep ang weird.
Inaamin ko masyado akong naging mataray doon sa lalaki.
Eh hindi ko maiwasan na hindi magisip ng masama tungkol sa kanya kasi naman nakakapanibago na may ganoon pa palang mga lalaki.
Bakit ko nga ba kasi pinagiisipan ng masama ang mga lalaki.
Di naman sila pare-pareho, Masyado lang akong nagpapakabitter.
Sana magkita ulit kami ni kuyang mabait.
Para makapagsorry naman ako sa kanya.
Ito ang napapala ng hindi muna nagiisip bago kumilos eh. >.<
---------------------------------------
Dear Notebook,
First Day in college, naging mataray ako ngayon. Marunong naman akong makisama ng maayos eh. Di ko lang alam bakit ganoon ang mga inasal ko. Friendly naman ako.=)
Nakilala ko si kuyang mabait, Sana makita ko ulit siya para makapagsorry ako sa kanya.
Ano kayang pangalan niya?
-Goodnight-
=========================================
Ooops.. ipipikit ko na ang aking mga mata ng may maalala ako...
Di pa ko nagpipray.
Almighty God, Maraming salamat po sa isa na namang araw na pinagkaloob mo.
Sa buhay, na puno ng pagpapala, Lord patawarin mo po ako sa mga kasalanang aking nagagawa, Pakalinisinmo po ako ng mga salita mong dapat maging daan ko dito sa mundong ito, nang saganoon ay maging karapat dapat ako sa paningin mo.
Lord patuloy niyo nga po akong gabayan sa aking buhay, Salamat po sa kalakasan na patuloy niyo po sa aking pinakakaloob , Nawa po magamit ko po ito sa kaluwalhatian mo.
In Jesus name.
Amen.
-
-
-
-
----
-Corinthians 13: 6-7
Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
BINABASA MO ANG
Missing Part of me
SpiritualWhat you see is only half of what I am. I have a hundred different faces, a million different personalities. Only a part of me is what I show you. I display a fraction of my true self. Everything is just a façade. Its not the truth of me. You don't...