She Devil~
Written by ImLeisure
-Two-
Kennon’s Point Of View
Nasa harap ko ngayon si Ericka Matins, sya ang leader ng cheering squad ng SQU. Maganda sya, hindi sya matangkad pero masasabi ko na sexy sya. Morena ang makinis na balat at nakangiti sya sakin!
Huminga ako ng malalim. Matagal ko na talagang crush si Ericka simula nung grade school. Kaso wala akong lakas ng loob na aminin sa kanya, torpe kasi ako eh =_=
Hindi ako kasing gwapo ni Robin, tropa ko sya at varsity sya ng basketball team sa school. Sya rin ang may hawak ng title na Mr.Quirintian simula nung nag-aral kami sa St. Quirinity University. Kaya naman lahat ng babae sa school ay may gusto sa kanya pati si Ericka ay may gusto sa kanya. Maliban sa pinaka-magandang babae sa buong campus. At sobrang sama ng ugali... ang ‘She Devil’.
Hindi ako pogi pero ‘CUTE’ naman ako noh! May mga babae rin naman na naghahabol sakin... di ko nga lang type. Ewan ko ba, simula’t sapul si Ecka na ang gusto ko. Ginayuma ata ako nun eh, palagay nyu? (-_-?)7
Lumapit si Ecka sakin at ipinulupot ang kamay nya sa leeg ko. Sobrang dikit ng katawan namin, grabe yung tibok ng puso ko! Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sakin at binulong na:
‘’Alam mo bang gustong gusto kita simula pa lang Kenz? Kaso nahihiya akong umamin sayo eh. Kaya- ‘’ dinikit nya yung muka nya sakin at hahalikan ako ng biglang...
‘’Hoy lalake! Bumangon ka na dyan! Tanghali na nakahilata ka paarin dyan?! Bangon !’’ at nalaglag ako sa kama ko dahil tinadyakan ako ng nanay kong magaling ! kahit kelan talaga may saltik tong nanay ko (=_=!)
Napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama ko ‘’Ma ! Kelan pa naging tanghali ang ala-sais ng umaga aber ? yung totoo ? ano time zone sa planeta nyo ma? Sigurado ka bang taga-earth ka?’’ at isang makatangal ulong batok ang natangap ko sa mabaet kong nanay. Hayy buhay!
‘’KENNON JONES GUZMAN!!!!’’ bigla naman akong kumaripas ng takbo dahil hinawakan na ni mama yung vase sa gilid ng kama ko. Mamaya tamaan ako nun eh, kaya agad akong nagkulong sa banyo. No choice kailangan ko ng maligo.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganun kami ka-close ng nanay ko... wala lang. feeling bagets kasi si mama kaya naman kung minsan nakakalimutan ko ng nanany ko pala sya. Hahahah! Naalala ko minsan ng pumunta sya sa school akala ng mga barkada ko eh syota ko sya. Grabe tumindig talaga ang balahibo ko nun, kaya sabi ko:
‘’Yuck, kadiri! Ewww! nanay ko yan no, inuugat na yan di lang halata!’’ kaya naman hinabol nya ako ng payong at hinampas ako hangang sa magkapasa ako. kaya normal lang namin ng nanay ko yan wag kayong mag-alalal. Hahahahah!
‘’Ma, Alis na po ako!’’ sabi ko kay mamam at humalik sa pisngi nya.
‘’Hoy bata ka, di ka kakain ng almusal ? di mo ba alam maraming batang nagugutom ngayon? maswerte ka at may kinakain ka!’’
‘’Korni mo ma! Luma na yan eh.’’ Natigilan si mama at mukang nag-iisip tapos...
‘’Alam mo bang maraming bata ang namamatay sa gutom ngayon?! gusto mo sumunod ha!’’ nakatitig lang ako kay mama
‘’Alam mo rin ba ma? Ang korni mo talaga! Alis na ko bye’’
‘’Korni ba yun? Aist! Mukang na lalaos na ako ah? Makapag Google nga mamaya! Bwisit na batang yun’’ narinig kong bulong ni mama habang paalis ako. kahit kelan talag tong nanay ko nakaka-ewan! (^,^)
![](https://img.wattpad.com/cover/8088692-288-k328586.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A She Devil
Teen FictionKennon Jones Guzman, an achiever. President ng Student Council. Mabait, matalino, at Torpe! Matagal na nyang gusto si Ericka Matins, cheerleader and an It girl. His dream girl. Bukod sa maganda ay sobrang bait pa! Pero ang babaeng pangarap nya ay na...