9: Can you be my girlfriend?

87 6 0
                                    

Kenz's POV

"Isa kang malaking TANGA! Alam ko namang tanga ka, pero di ko akalain na ganyan ka katanga! Ang tanga lang kase, grabe!" Frustrated na sabi ni Calvin. Di man halata sa baboy na 'to pero sya ang best buddy ko sa lahat.


Sinabi ko kasi sa kanya yung buong pangyayari. Kaya pala napakamalang kami ni Lorry ay dahil marami pala ang nakakita samin dun sa garden, lalo na ang controversial na pagtawa nya. Akala nila mag-syota kami at naglalambingan. Seriously? Di ba nila na notice na badtrip ako a pinagtritripan ako ng babaeng yun?


"E, nakakalalaki naman kasi ung mga sinasabi ni Robin e. Kahit naman ganito lang ako, may pride naman ako kahit papano." Sinimangutan lang nya ako at nilantakan yung gawa ni mama na gelatin. Andito kasi kami sa bahay at gumagawa ng project. Nango-ngopya kasi sya, ang matinde nakikain pa. Grabe talaga.  ̄ε  ̄

"Pride-pride ka pang nalalaman, bakit kaya bang bayaran ng pride mo yung utang mo kay Robin?"

"Utang agad?"


"Oo! Di mo naman talaga girlfriend si Lorry di ba? So ibig sabihin talo ka sa pustahan at may utang ka kay Robin" sabi nya sabay subo ng gelatin.


"Pero, wala akong ganong kalaking pera. Pagsinabi ko naman kay dad, sigurado magagalit yun. Pagsinabi ko naman yung totoo, magiging sinungaling na ko, mukha pa akong kawawa." Nangalumbaba nalang ako dun sa lamesa. Ngayon lang nagsisink in sakin lahat ng mga ginawa ko.


Moral lesson : Wag padalus-dalos, magsisisi ka sa huli.

"Tanga ka kasi, yan tuloy." Inangilan ko naman sya. Kota na ko sa kakatanga nya e.

"Ano na gagawin ko?'' Sabi ko at napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang frustration "Magbigti na lang kaya ako?"


"Alam mo magandang idea yan," tinignan ko naman sya ng masama, pero ang loko tumawa lang. "Pero may naisip akong isa pang option."

Automatic namang nagning-ning ang mata ko, nakakita ako ng pag-asa. "Anong naisip mo?"


"Beg Lorry, to be your girlfriend."


"No freaking way! Magbibigti na lang ako kung ganun lang rin naman. NEVER!" At padabog na umalis sa harap ni Calvin at dumeretso sa kwarto ko.


★★★

Kinabukasan...

Nag-umpisa na ang klase kaya wala nang mga estudyante sa paligid. Nandito ako sa pool area at palakad-lakad. Sarap sapakin ng pader, kaso baka mabalian ako kaya wag na lang.

Dumating na sya at alam ko na nakita nya ako pero tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad at nilagpasan ako. Agad ko naman syang sinundan.

"Hi," sabi ko habang hinahabol ko sya sa paglalakad. "Good morning!" Mas pinasigla ko pa ang boses ko para pansinin nya ako.

"Nothing is good in my morning so back off." She said coldly without looking at me.

Actually, pikon akong tao. Pero sobrang hinahabaan ko ang pasensya ko kasi alam ko namang walang mangyayari kung papatulan ko sya. Maybe I need another tactic.

"Gusto mo, tulungan na kita dyan sa bag mo? Mukhang mabigat, e." I tried my very best to smile.

She stop and face me. Sinalubong naman akong malamig na tingin nya. "Honesty speaking, I doubt kung kaya mong magbuhat ng dalawang bags sa patpat mong yan."


Ang sarap batukan ng isang 'to kung di lang babae! Sya na nga tutulungan sya pa galit?! At nang-insulto pa. Ang sama talaga!

"I'm just trying to be nice here. You don't have to be rude."

"I don't need nice people around me. And I am born to be rude. Kaya kung ayaw mo ng nakikita mo, you have your choice and leave me ALONE!" Ipinagdiinan nito ang huling salita at tumalikod na sakin.

Sugarcoating things with her won't work. Sya yung tipo ng tao na hindi madaling magtiwala. I guess being honest to her is my only option. Isa pa, kailangan ko ng tulong nya. Napag-isipan ko kagabi yung sinabi ni Taba (Calvin).


If Lorry is my only savior in this sea of embarrassment, I have no choice but to grip on her.

"Lorraine Faith Estrada, Can you be my girlfriend?!"

My Girlfriend Is A She DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon