Part 7

101 4 0
                                    

"Jenna, hindi mo na kailangang umiyak. Nandito na ko.", Josh

Dug tug! Dug tug! Dug tug!

"Ako na pala magsasalita!",sabi ko tapos akmang ibubuka ko na bibig ko nang....

"Gusto kita Jenna! Hindi, mahal na pala kita. Noon pa, matagal na. Nandito ko para patahanin ka at patawanin ka. Huwag ka na umiyak",Josh.

Natulala ako, wala yun sa script ah. "Ano nang sasabihin ko. Tong mokong na to gumagawa ng sariling script."

Nanlaki pa mga mata ko.

"CUT!" " Oh Jenna di ba dapat umiiyak ka na nun tapos may sasabihin ka di ba? Nakalimutan mo na ba? Pakita nga yung script.. Oh iiyak ka dapat ng bongga di ba? Ulitin natin!",direk

"Ha? Na naman? Naiilang na ko eh.. Kainis kasi to eh iba iba sinasabi."

"Jenna ulitin daw natin. Tulala ka na naman.", Josh.

Kinakabahan ako pero this time parang naging serious ang environment. Bigla ko naalala yung first love ko. Nasaktan ako ng sobra noon ayoko ulit umasa.

"Gusto kita, hindi mahal na pala kita. Noon pa, matagal na."

Habang sinasabi nya yun pulang pula ang mukha ko. At bigla na lang umagos ang luha sa mga pisngi ko.

Parang totoo talaga ang nangyayari...

If This Movie was Real (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon