"Sana magkabalikan na kayo para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya."sabi ko sa sarili ko.
Umalis na ko sa dressing room at dumeretso sa school garden. Imememorize ko pa tong script. Tuwing scene na namin ni Josh nakakalimutan ko mga lines ko. At kung minsan nauutal pa ko.
After 5 minutes....
"Jenna! Sabi ko na nga ba dito kita makikita eh. Tara na magstart na yung shooting. Lagi ka na lang dito sa garden."sabi ni Josh pinuntahan nya ko. Pano nya ba nalaman na dito ang hideout ko eh mag isa ko lang naman pumunta dito , si Sophie nga di alam na pumupunta ako dito.
"Josh una ka na magmememorize pa ko eh."sabi ko.
"Huwag ka na magmemorize, ikaw naman nagsulat kaya alam ko nasa utak mo na kaagad yan!"Josh
"Eh nakakalimutan ko tuwing scene na natin eh sige na una ka na!"tanggi ko.
May tumawag sa kanyang phone at syempre si leader yun. Magstart na daw magshoot.
Jenna lika na. hinahanap na tayo ang layo pa man din netong garden sa shooting place natin, mahuli pa tayo magalit pa si direk.."sabi ni Josh at hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko. Tumakbo kaming magkahawak ang kamay.
BINABASA MO ANG
If This Movie was Real (short story)
فكاهةWhat if nainlove ka sa nakapartner mo sa isang movie project? And this guy is your one and only bestfriend's ex... Is it possible that scenes in movies do come true in real life?