Part 16

96 3 0
                                    

Teka ano ba tong iniisip ko galit nga sya sakin dahil nalaman nyang may gusto ako kay Josh. .Ang engot ko talaga!

Tumungo na ko sa may computer unit sa tabi ni Sophie at gumawa na ng project. Kahit na lumulutang ang utak ko nagawa kong tapusin yung project.

Tinawag ako nung kasama ko para magpapirma sa extra curricular activities... Dagli akong umalis iniwan ko muna yung flash drive ko.. Member naman ako ng Book Lover's Club kaya ok lang na balikan ko na lang...

Nakapagpapirma na ko at handa nang bumalik sa library..

Pagbukas ko pa lang ng pintuan, tumambang ang masamang titig ni Sophie. Nakatayo naman si Josh na napalingon sa direksyon ko hawak hawak nya ang flashdrive ko...

"J-jenna? B-bakit mo ginawa 'to? Bakit ikaw pa ang gagawa nito?"basag ang boses ni Josh at bakas sa mukha nya ang pagkadismaya.

"Ha?A-nong ibig mong..."

"Jenna, pinaghirapan naming gawin yung project!",napasigaw na si Josh.

"T-teka Josh, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.." nauutal kong tanong.

If This Movie was Real (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon