Chapter 6 --- MDV.

69 3 2
                                    

*Aly's POV*

"So, yun. Kaya pala sya may kasamang babae nun kase... yun yung pinagawa ng mga parents nya sa kanya. Para daw di mapabagsak yung company nila. False alarm pala, girls." sabi ni Vivs.

"Ahhh. Kaya naman pala." --Chaii.

"Sabagay. May mabigat na reason din pala si Zeke." --Faye.

Magkakasama kaming mga girls ngayon sa Starbucks. May ibabalita kasi samin si Viven. Ayun nga. Kaso may absent samin ngayon, si Andrea. Asan na kaya yun??

Nung una si Zeke at si Toffee lang yung nawawala. Tapos ngayon, pati sya? Yung totoo?

Kaso, about sa kinwento samin ni Viven...

"Teka, wait!" Ako. Oo sinadya ko talagang englishin yung teka. =)))

"Ha? Bakit?" Viven.

"May mali parin eh. Think about it, oo nga, alam na natin yung dahilan ni Zeke. But the question is, what now? Problema parin yung pinapa-arranged marriage sya no." sabi ko sa kanila. At dahil naman sa sinabi ko ay napaisip sila.

"Oo nga no.." malungkot na sabi ni Viven.

"Shocks. Di man lang natin naisip yan." Sabi naman ni Faye.

"Hmmm. TEKA NGA! Sino ba kasi yang hinayupak na babae na ipapakasaal kay Zeke?!" pagwawala, este, pagsasaad naman ni Chaii.

Yung babae?

O_______O

Oo nga no? Buti pa si Charmaine naisip yun.

Lahat kami napatingin kay Viven. At kasalukuyang naghihintay kami ng sagot.

"Si... S-si.. Sino nga ba??" sabi naman nya.

FACEPALM. =_____= di nya rin alam.

*Zeke's POV*

"Baaaaaabe!! Ano ba? Sabi ni Tita samahan mo raw ako magshopping eh!" sabi nya.

Aish. Nakakarinde na! Kelan ba titigil sa kakatalak tong babaeng to?!

Kung iniisip nyong si Viven yan, NAGKAKAMALI KAYO. BIG TIME!

"Ano ba, Mitch! Sinabi ko na ngang ayaw ko diba? Eh ano naman kung sinabi ni Mama na samahan kita? Tsh. Si Viven lang ang sasamahan kong magshopping no! Kaya tumigil ka na. Tantanan mo na ko." sabi ko. Ang hard ba? Kasi eh, napipikon na talaga ko sa kakulitan nito. Tsk. Kung di lang to babae baka kanina pa ko nanapak dito eh.

"Hmph! Patay ka kila Mama!!" Mataray na sagot nya.

"Mas mabuti ng mamatay ako kesa mapakasal sayo." konti nalang, bibingo na tong babaeng to.

"BWISIT!!!!!!!!! IKAKASAL TAYO! WHETHER YOU LIKE IT OR NOT!"

"IN YOUR DREAMS!"

At nagwalk-out na sya.

HAYYYY NAKO! Lord, patawarin Niyo po sana ako pag nakasapak ako ng isang babae dito.

Yun si Mitch Dela Vega. Ang heiress ng Dela Vega Group of Companies. Since halata ng spoiled sya, opkors mayaman sila. Kaya nga sakanila kami nakipagnegotiate eh. Para mabangon yung company namin.

Patay na patay daw kasi sakin yun dati pa, sabi nila. Pero never ko syang napansin kasi syempre nakay Viven lang ang atensyon ko. Tas ngayon, daig nya pa linta kung makadikit sakin! Eh yung girlfriend ko lang naman yung mahal ko. Never kong mamahalin si Mitch.

Ayoko sa mga babaeng nagpapakatanga ng sobra para sa lalake. They could do better. And kung hinahayaan lang silang magmukhang tanga ng lalake, hindi nila deserve yung lalake. They deserve more. So clearly, hindi ako yung deserve ni Mitch.

Sa kakaisip ko, nabigla ako nung nagbeep yung fone ko.

May text message pala ako. Binuksan ko ito.

From: Bave. ♥

Love, punta ka naman sa Starbucks sa may **** please. Andito yung buong tropa. May paguusapan tayong lahat. Take care, bave. :* See you!

Sent 09/22/13 04:36:25

Alam na nila.

Sana talaga malagpasan din namin to.

Lalo na ngayong hindi parin kami ayos nila Toffee.

*Ram's POV*

"Oh yun naman pala, Garcia. Pero sana naman sinabi mo samin yang pinagdadaanan mo. Para naman agad ka na naming natulungan, diba? Tignan mo, ayan tuloy, kung anu-ano pa nangyari." sabi ko kay Zeke.

Siniko naman ako ni Aly.

Ay, oo nga pala, di ko na dapat pinaalala yun. Oh well papel.

"I know, I know. Nahiya kasi ako sa inyo guys.. Saka nakahanap na daw kasi ng solusyon sila Mama. Eh malay ko bang sangkot ako sa solusyon na yun." Sabi naman nya.

"May hiya ka pa pala sa lagay na yan? Yung totoo, Zeke?" Neil. =___= sabay akbay kay Chaii. Mga damoves naman ni Alexander eh.

Sa sobrang waley nilang dalawa, napatawa nalang rin kami. XD

"Hmmm. So pano yan, guys? Anong plano natin?" Chaii.

Tinignan ako ni Aly. Alam kasi nyang makakatulong ako. At DAPAT akong tumulong. Nakakakonsensya..

"Ako ng bahala, Zeke." sabi ko.

"Ha? Pano?"

"May company naman kami diba? We can buy your company for the meantime. Tubusin nyo nalang pag nakabangon na kayo uli. It's easier that way para di mawala ang lahat sa inyo."

"Talaga, pre? Kaya mo yan irequest kayla Tita?" nangniningning na yung mga mata ni Zeke. XD haha.

"Oo naman. Matagal ka naman ng kilala nila Mama't Papa. I'm sure they'll understand."

"WOOOOHHH!!!! SALAMAT TALAGA PRE!!! HAYLABYOOO!!!" Sabi nya sabay manly hug sakin.

"HOY ANG DAYA NYO PASALIIII!!!" sigaw rin ni Neil. Baliw kami kaya nagsisigawan kami sa loob ng starbucks. XD

Tignan mo tong Neil na to, nainggit pa. HAHAHA.

"HOY BROMANCE NA YAN!" Sigaw ni Viven. Aruuu. Nagselos na yata. Haha!

"Oo nga, awat na!" si Aly rin. =)))

Pero si Chaii naman....

*click*

"WAHAHAHAHAHAHAHAHA! HUMANDA KAYO! IPOPOST KO SA IG, TWITTER, AT FB TOOOOOO!!!! LOL" At tumakbo na sya.

"HOY CHARMAINEEE!!! BUMALIK KA DITOOOOOO!!!" Sigaw namin ni Zeke.

Humabol si Neil. Sabay sabi, "HOY WAG NYO SASAKTAN GIRLPREN KO MGA HAYOOOOOP!!!" XD

Hahaha. Ang saya lang namin. XD

Sayang nga lang, wala sila Toffee st Andrea.

Asan na ba yung dalawang yun? Hayy.

*His POV*

Sige, magsaya muna kayo ngayon...

Dahil balang araw, masasaktan din kayo.

*calling Andrea*

//Hello?

"Nasan ka?"

//Kasama ko si Toffee. Bakit?

"Yan.. Tama lang. >:) Basta wag muna kayong magpapakita ni Toffee kayla Viven until I say so."

//S-sige..

*toot toot toot*

At binaba ko na.

May itetext naman ako ngayon.

To: Azlyn Lyana

Pagsabihan mo yang boyfriend mo. Dahil sa oras na masira ang plano ko dahil sa inyo, hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko. Alam mo yan, Aly. >:)

And I pressed send.

Di bale, magagawan ko ng paraan to.

Humanda ka, Viven. Humanda ka. *evil smile*

-----

HAHAHAHAHAHA May nagbabasa pa ba? Sarreh. Super busy po ako dahil graduating ako. :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or Dare? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon