Chapter 2 -- They Ran Away.

167 4 2
                                    

Dedicated to Christa Mae Tapang. XD Sya kasi yung unang nagsabi na ituloy ko to eh. HAHAHA. Hi TaMae! :D

- - - -

Chapter 2 – They Ran Away.

*3rd Person POV*

Pero biglang humiwalay si Viven sa pagkahalik nya kay Toffee. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang pagkagulat.

Mismong pagkahiwalay nya rito ay tumakbo na sya papalayo....

Papunta sa kung saan man sya madala ng kanyang mga paa.

“She ran away..” yan nalang ang unang tumakbo sa isipan ni Toffee nang kumalas at umalis ang kanyang bestfriend.

Nang makalayo na si Viven ay agad napaupo si Toffee. Hindi lang sya ang nagulat sa mga pangyayari kungi pati na rin ang mga kasama nila. Lahat sila ay nakatulala na lamang.

Pero mas nagulat si Toffee dahil sa naparamdam sa kanya ng pinakamamahal nyang bestfriend. Naramdaman nyang mutual na ang feelings nila ni Viven. Ngunit sobrang taka sya kung bakit umalis ito at tumakbo papalayo. Naisip ni Toffee, bakit parang pilit nyang tinatakasan ang katotohonan? Dulot ba ito ng sobrang pagkakapilit sa kanya o dahil ito nga ang totoo pero di nya mapanindigan? Pero kahit ano pa man ang sagot sa mga tanong ni Toffee, he still chose to run away. Ang takasan ang sarili nyang konsensya.

Sabi nga nila, ang buhay daw ay isang malaking laro. Siguro nga ay Truth or Dare  talaga ang buhay. Mas lalo na ang buhay ni Viven.

“Huy tol. Bakit....” – Neil

“Toffee? Bakit mo pa hinalikan uli si Viven? Smack lang yung dare namin sa kanya.” – Rea

“May gusto ka parin sa kanya hanggang ngayon? Ba’t di mo sinabi?” – Chaii

“Toffee. May boyfriend si Vivs. Alam mo naman yun di ba?” – Faye

“Eh anong magagawa ko?! Mahal ko ang bestfriend ko! NAIINTINDIHAN NYO BA YUN?! MAHAL KO SYA! Hindi ko lang kinayang pigilan pa yung nararamdaman ko! Palibhasa kasi lagi nalang yung boyfriend nya yung iniitnindi nyo! Pano naman ako guys? Akala ko ba magkakaibigan tayo?!” Napasigaw na si Toffee. Masyado syang nao-overwhelm sa mga nangyayari.

Hindi makasagot sa kanya ang tropa. Nagulat nanaman silang lahat. Maski si Toffee ay nagulat rin sa lumabas sa kanyang mga labi. Lahat sila ay hindi inasahan yon.

Silence..

Hindi nila alam kung paano ba dapat magreact pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Hanggang sa nagsalita na si Faye. Pero hindi si Toffee ang kinausap nya.

“Neil, dalhin mo nalang sya sa kwarto. Baka masyado lang syang natamaan ng alak.” Sabi naman ni Faye kay Neil. “At ikaw naman Toffee, magpahinga ka muna. Ipagpabukas mo nalang yung pag-iisip sa mga pangyayari ngayon.”

“Tara na Pare. Narinig mo naman ang utos ng Reyna. HAHAHA.” Pangaasar pa ni Neil.

“Anong sabi mo? Konyatan kaya kita dyan?! -______-” inis na sagot naman ni Faye.

“Wow ah. Sya pala reyna mo. :p” Singit naman ni Chaii na para bang nagseselos na.

“Oo, nanay natin yan diba Babe? HAHA! Maka sermon kasi yan, wagas eh. Daig pa mga nanay natin. XD Saka syempre, prinsesa ka eh. Prinsesa ko. :D” Neil.

Truth or Dare? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon