*John Neil Alexander Fuentes’ POV*
Tila akala naming lahat ay parehas na susundan nila Toffee at Zeke si Viven.
Pero hindi. Si Zeke lang ang tumakbo.
Naiwan si Toffee kasama namin. Tulala.
Buti naisipan nyang hayaan muna yung dalawa na magusap?
Onga pala. Hi guys!! Ako nga pala si John Neil Alexander Fuentes. Pero kahit Neil Fuentes lang, okay na. Masyado kasing mahaba yung pangalan ko eh. Haha. Ako yung katropa nila Viven. Faithful boyfriend ni Charleen, at pinsan ni Aly.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito na rin kami.
Nagtext kasi sakin si Ram kanina. Sumunod nalang daw ako kung gusto ko para naman daw matulungan ko sya sa pakikipagusap kay Toffee.
Kaso.. May nangyari. Ganto kasi yun:
// Flashback.
Magpapaalam na ako kay Chaii na pupunta lang ako sa bar, para tulungan sila Tofee. Syempre magpapaalam ako no. Kahit naman loko-loko ako eh hindi ibig sabihin na loko-loko na rin akong boyfriend. Ayoko lang na nagaalala at magtampo sakin si Charleen. Syempre mahal na mahal ko yan no.
“Sweetie, pupunta lang ako sa bar ha?” Paalam ko. Eh dun naman talaga kasi ako pupunta eh.
Nagfrown sya. Mukhang alam ko na iniisip nito.
“Huyyy. Wag mo naman isipin na mangbababae at iinom ako agad. Pupunta lang ako dun kasi nagpapatulong si Ram.” Pageexplain ko.
“Ha? Bakit naman magpapatulong sayo si Ram, honey? Nagaway ba sila ni Aly?” Sabi nya.
“Hindi, sweetie. Andun kasi sila ni Toffee ngayon. Eh mukhang may balak daw maglasing yung si Tof. Kaya ayun, nagpapatulong sakin si Ra-----“
“ANOOOOO?!”
Hindi pa man din ako tapos mag-explain sa girlfriend ko nang biglang may sumigaw na babae.
Shit. Sana hindi si Viven yung nakarinig sa sinabi ko. Dadagdag lang to sa mga problema nya.
Unti-unti kaming lumingon ni Chaii sa direksyon kung saan namin narinig yung sigaw. Siguro naisip rin nito na baka si Viven yun at lagot kami. /laslas
Kaso paglingon namin, nakita namin si Aly..
At isang Viven na mugtng-mugto na ang mga mata.
“B-bakit daw? Bat u-umiinom si Toffee???” Pautal-utal na sabi ni Viven. Kasabay ng pagkasabi nya nun ay ang muling pagtulo ng kanyang mga luha. Syempre magiging concerned din to, bestfriend nya yun eh. At alam nyang hindi pala-inom si Christoffer.
“H-ha?? Wala yun, Sis. Nagbibiro lang si Neil. D-diba, honey??” Palusot naman ni Chaii. Hay nako, sana naman maniwala dyan si Aly diba?
“A-ahh. Oo, joke lang yun Vivs. Ano ka ba.”
Pero unti-unting lumapit sakin si Viven.
“I know you’re lying, Neil. Dalhin mo na kami dun. Please. I really need to clear things out with him.”
Tumingin ako kay Chaii.
She gave me a nod. Para bang senyales na yun na dapat pumayag na ko sa gusto ni Viven.
And with that, umalis na kami papuntang bar.
Kaso pag dating namin, naabutan nalang namin na nagsusuntukan ang dalawang pinaka-mahalagang lalake kay Viven.
// End of flashback.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare? ♥
Novela JuvenilI thought I was happy. I thought I was contented with the one I love. Akala ko wala na kong feelings para sa lalake kong bestfriend dahil may boyfriend na ako. Little did I know, that all of my feelings could and would change.. Just because of choos...