He meets She.. ----- chapter 4

7 0 1
                                    

Drake's POV

So here we are now.. Aalis na kami. Sana naman mag-enjoy din ako. Hindi lang yung puro si Yasha ang nageenjoy sa buhay..

"Hijo, yung gamit mo ba andito na?"

"Yes tita."

"Eh yung sa kapatid mo?"

"I don't know. Let me ask her. Wait tita, puntahan ko lang sa taas."

"Sige. Bilisan nyo na ha. Aalis na tayo after 10 minutes."

Dami dami kasing gamit ng kapatid ko. para namang lilipat kami ng bahay amff..

"Hoy. Bilisan mo raw."

"Eto na nga kuya ohh. Sumasakto ka talaga pag palabas na ako ng kwarto no?"

"Nagkataon lang. Eh ano gusto mo? Sumakto ako pag papasok ka?"

"Kuya!!!"

"Oh ano? Reklamo ka pa diyan. Dalian mo na."

"Oo na!"

"Nga pala, pinapatanong ni tita kung nasa kotse na ba daw LAHAT ng gamit mo."

"Emphasized talaga yung LAHAT no? Opo, kuya. Nanduon na po."

"Good. Lets go."

"Ohh wait. Before you leave this room, carry my bag. pretty please?" nagpuppy eyes pa.

"Di mo ba kaya?"

"Fine! Damot!"

ke liit liit na bag ipapadala pa. pouch lang naman yun.

As if namang MALETA no.

"Okay. Let's go guys. Sakay na kayo kung ayaw nyo maiwan."

"Wait tita! Isasama ko si Gaile ha?" hay nako. ang pasaway na aso, isinama ng amo. tss

"Sakay na hijo. Dun ka na sa back seat para tabi kayo ng kapatid mo."

"Tss. As always."

"Okay.. Gora na tita. Chuchuchu cutie cutie Gaile."

"Pwede ba piggy. ilayo layo mo ng konti yang pasaway na alaga mo sakin pwede?"

"Kuya!!!! Why you so ganyan to me? I did nothing naman sayo ah!"

"Nakaka nose bleed."

"Nakakaasar ka talaga."

tsk. magsasarili na lang ako..

oooops! baka iba ang iniisip nyo ah. what I mean is magmumusic na lang ako.

"Walang mang iistorbo sa kin ah. masasakal ko."

tinignan ako ng kapatid ko ng nakakamatay na tingin. hahahahahaha

I don't care. Mukha syang aso. XDD

Sakto naman tong music na nagplay.

Gentleman - Psy

HAHAHAHAHAHAH

mapapasayaw ako nito..

-----#####-----

Yasha's POV

"Tita, look what kuya's doing. parang timang."

"Let him do what he wants hija. Baka mag-away pa kayo niyan pag sinita mo pa."

"So pag ako sisitahin nya ganun ganun lang ba?"

"Understand your kuya. Di mo rin siya kaya pag sa banatan. trust me." nagwink pa sila. haha

"yun nga rin po ang problema. haha"

"magmusic ka na rin. para di mo siya mapansin."

galing talaga mag advice ng tita ko. haha

Siya nga pala, si tita Cris ang nagaalaga samin ngayon. Kapatid siya ng mommy ko. Wala pa naman syang asawa at anak kaya siya ang nagpresinta na magbantay muna saming magkapatid. Medyo bata pa naman ang tita namin. Kavibes lang naman namin siya kaya no problem. hahaha

Malaki rin ang bahay nya sa Cavite kaso wala siyang kasama dun kaya medyo boring. Sumasaya duon kapag andun kami ni kuya kasi daw aso't pusa kaming magkapatid kaya umiingay.

Okay lang naman sa mga tao dun kapag nagiingay kami ni kuya. Siguro nasanay na rin sila sa kulitan at kalokohan namin ng kuya ko. Natutuwa pa nga sila eh. Minsan, sinasakyan na rin nila yung trip namin ni kuya.

Nakakatuwa nga eh, at least alam ko na kahit ganun kami ng kuya ko mahal namin ang isa't isa. Kahit nagiging strikto siya pag dating sa lovelife ko, ok lang. I understand naman. Ayaw lang niya na pagdating ng araw masaktan at umiyak ako. Ganun naman kadalasan yung mga kuya diba? I mean mga lalaki? Mas may alam sila sa love kesa sa mga babae.

Sabi nga nya, "Madaling mafall ang mga babae. Konting lambing mo lang, bigyan mo lang ng flowers, sabihan mo lang ng sweet words, kakagat agad yan." which is true. kahit ako I feel it.

Galing ng kuya ko! Buti binigyan ako ng isang kuya na katulad nya. Kahit lagi nya akong inaaway, inaasar at pinipikon there is a time na nagiging seryoso siya at papayuhan ako. Si kuya ang Prinsipe ko habang si daddy naman ang hari ko. si mommy naman ang Reyna. Syempre ako ang Prinsesa. ^_______^

Errrr medyo malayo layo pa ang byahe.. nu bayan. dapat may teleportation na eh para mapadali ang byahe..

-----######------

Tita Cris' POV

(Wala lang epal lang. Eh sa gusto kong may POV tita nila heheheheh.)

Mga batang to talaga.. Di pa rin nagbabago. Manang mana talaga sila sa mga magulang nila.

Kung di lang talaga ako mabait hay nako. At kung hindi lang dahil sa ate ko di ko sila magiging alaga.

Advantage naman ng pagiging taga bantay ko ang happiness nilang dalawa. Alam ko miss na miss na nila ang mga magulang nila. Kaso they need to sacrifice for their good. Para din sa kanila yung ginagawa ng mga magulang nila eh.

Buti mababait ang mga pamangkin ko. Naiintindihan nila ang sitwasyon nila.

Ayan, napagod sa bangayan ang dalawa kanina. tulog na silang dalawa habang nakasuot pa yung earphones nila sa tenga. Nagpeplay pa.

Ma-off nga...

"hmmm. Tita, malapit na ba?" hala nagising ko si Yasha.

"malayo pa hija. matulog ka nalang ulit."

"okay.."

Ang cute nila tignan na dalawa. Nakapatong yung ulo ni yasha sa balikat ng kuya nya habang si Drake naman sa ulo ng lilsis nya. Himbing na himbing amff.

Sana lagi nalang silang tulog no?

Joke! hahahaha

--------♥♥♥♥---------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He meets SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon