He was my first Boyfriend. My first date & first kiss. Our first 3 months were smooth, masaya ako kapag kasama ko sya kahit na madalas kaming mag-away. Marami siyang insecurities. Lalo na hindi kami legal sa family ko. Pero ako naipakilala na nya sa pamilya niya minsan yun ang pinagmumulan ng away. Estudyante pa sya noong naging kami habang ako nagtatrabaho na, isa pa yun sa mga insecurities nya natatakot sya na baka may makilala akong higit pa sakanya dahil sya estudyante pa lang at hindi pa nya kayang ibigay ang mga gusto ko. Naiinis ako sakanya kasi pera ba yung minahal ko sa kanya? Hindi naman diba. At wala naman akong ibang gusto, sapat na siya para sa akin. I remember it clearly my hands were trembling while reading Baka Sakali 3. Ayokong mabasa na may kasamang iba si Jacob habang si Rosie lubog na lubog pa. Suddenly reality hit me. Siguro minsan sa buhay ko naging si Rosie ako kaya masyado akong naging apektado. Kapag nga siguro nagmahal ka imposible na hindi ka masaktan. Na pressure sya sa pag-aaral. Binitawan nya ako. Wala pa kaming 1 taon pero pakiramdam ko hindi ko kaya na wala siya. I even beg him to stay. After 2 weeks binalikan nya ako. Tinanggap ko sya, open arms kahit na masakit parin sa akin. Simula ng magbalikan kami walang araw na hindi kami nag away. Hindi ko na sya kilala. Hindi na siya yung lalaking minahal ko. I let him go. Kahit na mahal ko siya. Kahit na sobrang sakit. After a year nagdecide ako na tumanggap na ng manliligaw dahil okay na naman ako. Kasabay nun, bumalik sya sa buhay ko. Dahil naturally tanga talaga ang mga nagmamahal, tinanggap ko ulit siya. Pero pakiramdam ko noon kulang parin. Pakiramdam ko masyadong matagal ang 1 taon, pakiramdam ko marami ng nagbago. Pakiramdam ko nasayangan lang ako sa relasyon kaya ko sya tinaggap.Nalaman ko noon nagkikita parin sila nung ex niya (yung naging GF nya pagka break namin) Hindi nya daw maiwasan dahil circle of friends daw sila. Oh edi magsama sila ng circle of friends niya! Ayoko ko siyang papiliin noon. No need for that because Im already done. Masyado na akong namanhid noon kaya hindi ko na nagawang iyakan pa ulit siya. Tanggap ko na may mga tao talagang dadaan lang sa buhay mo. Experience ko lang sya. Sa ngayon almost 4 years na akong happy at single. Tama si Erin, "How can I love myself deeply? When I couldn't even appreciate myself." Love yourself first because self love is our first and last love. Wala naman akong trust issues. May mga nagustuhan narin naman ako after him. Mas prefer ko lang talaga muna ang mag-isa. Tutal nandyan naman ang mga Jonaxx Boys para magpakilig sa akin. Haha. Thank you for reading. :)
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Dear Jonaxx
RandomFor those na mag a'attempt basahin ito (kung meron man.) Confession ko po ito sa "The Jonaxx Files. " Gusto ko lang ilagay dito as a remembrance. So kung hindi ka reader ni Queen Jonaxx baka hindi mo magets itong confession ko dahil inspired ito sa...