Prologue

1 0 0
                                    


"Hey! You bastard! Get off me! You're hurting me." Kahit yung matutulis at mahahabang kuko nila ang bumabaon na sa balat ko. Dumudugo na ang braso ko, sobrang sakit. Napakadilim pa nang paligid.

Naglalaway na ang mga nakahawak sa akin. Nakatingin sila sa dumudugong kong braso. Kala mo'y handang handa na silang sipsipin ang dugo ko. Mapula din ang mata nila at lumalabas ang mga malalaking pangil.

Para sa ordinaryong bampira malalaki ang pangil nila at mahahaba ang dila. Nakakadiri.

Maya-maya may dumating na lalaking naka black coak at mapupula ang mata. Di ko nakikita ang mukha niya dahil ang dilim.

Tanging nasa akin lamang nakatapat ang ilaw na galing sa sikat nang araw.

Nang natapat na ang mukha niya sa ilaw nakita ko na ang itsura niya....

Ang...gwapo....niya....

May ganto pa palang kagwapo na bampira. Pero kung titigan mo naman mukha siyang manyak na handa ka nang kainin nang buo.

"Woah! You're so adorable. Hindi ko inakalang ganyan pala ka ganda ang anak nang tagabantay." Pagkatapos ay inamoy niya ang leeg ko. Parang nagdala iyon nang kuryente sa aking buong katawan na siyang mas nagpakilabot sa akin.

Nang hahawakan niya na sana ang pisngi ko ay iniwas ko ang aking mukha

Natigil na ang kanyang paglapit sa akin at lumayo nang kaunti.

Nang akalamg kong nakalayo na pala talaga siya...Pero....

Pagkatapos sa isang iglap lang di ko naman lang napansin na nasa harap ko na ulit siya. Sobrang bilis niya. Inaamoy niya na ulit ang leeg ko at dinilaan.

"You smell so good. Hmmm.....You looks sweet. The pale skin. " Bulong niya sa akin.

Naiiyak na ko. Dahil sa takot at galit na nararamdaman ko. Gusto ko siyang itulak pero di ko maigalaw ang aking katawan.

Nilalayo ko na ang ulo ko kahit mahirap ngunit nahawakan niya ito at natulak papalapit sa kanya.

Nararamdaman ko na ang init nang kanyang hininga. Naiiyak na ko at kinakabahan.

"Argh..."

Pero nagtataka ako parang tagal naman ata. May narinig na lang akong parang tunog nang may tumama sa pader.

Nang dinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko na lang na may sumasakal na lalaki sa kanya at nahihirapan na siyang huminga.

Kahit papano nakikita ko ang itsura niya pero malabo. Nang hinigpitan na niya dun na nawala nang malay ang lalaking nakablack coak.

Maya-maya kinuha nang lalaking unknown yung lalaking naka black coak at kinagat sa leeg at sinipsip ang dugo mula sa leeg nito.

Nanginginig na ang kamay nang mga nakahawak sakin. Nang tinignan na kami nang lalaki. Binitiwan na nang mga mukhang aswang ang braso ko.

Tinignan ko ang braso kong puno na nang dugo. Napakahapdi!

Maya-maya nakarinig ako nang may mga tumilampon sa pader. Nang tiningala ko iyon nakita ko ang lalaki na nakatapat ang isang kamay na sigurado akong nagko control.

Nanginginig na ko sa takot dahil sa mga ginagawa nang lalaki dun sa mga halimaw. Sobrang lakas niya.

May isa na lang na natitirang halimaw. Tinaas nang lalaki ang kanyang kamay at may lumabas na kulay pula na dilaw na ilaw na sa tingin ko ay kapangyarihan niya. At binato niya yon sa natitira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Purpose ( On-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon