Kiss 10:

268 16 0
                                    

[Chloe's POV]

Umaga na pero wala parin akong tulog. Aish! Bwiset talaga na vince yan sya may kasalanan nito eh!

Sya ang dahilan kung bakit gumugulo ang isip ko ngayon!
Oo sya nga! Sya dapat sisihin eh!


         "Huy?" Napaupo ako sa kama ko nung marinig ko ang boses ni steff.

         "Anong nangyare sayo? Jusko! Mukha kang sabog!" Tinitigan ko lang sya ng masama at nagtakip ulit ng unan.

          "Ah. Wala toh" naramdaman kong umupo sya sa likod ko.

          "Nakakapagtaka kung bakit biglang lumipat si brix sa states" napaupo ako sa narinig ko kay steff.

          "Seryoso ka?!" Nagnod sya habang naka pout.


Sinubukan ko syang kontakin pero unattended eh.




Napatingin ako kay steff na naka taas ang isang kilay.


         "Problema mo?" Tanong ko sakanya pero imbis na sagutin niya ang tanong ko dinampi niya lang palad niya sa noo ko.



         "Girl, ireremind ko sayo ha. Baka kasi mali pagkakadinig mo. Si BRIX ang umalis ok?" Sinigaw niya pa talaga ng malakas ang pangalan ni brix.

          "Oo nga." Balik ko sakanya.

       "Eh bakit tarantang taranta ka?" Napatakip sya ng bibig pagtapos niya ibato saakin nung tanong niya.


Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sakanya ang lahat at inamin ko na din na mahal ko si brix kahit na meron paring puwang si vince sa puso ko.






Sa totoo lang ang hirap pumili ng taong gusto kong makasama panghabangbuhay.






Wala pa akong experience sa relationship pero ang sinisigaw ng puso ko ngayon ay piliin at mahalin si brix, itong utak ko  naman  ay sinasabing Ipaliwanag ko ang lahat kay brix at magmakaawang wag niya ako iwan.









Wala eh, tinamaan ako.

---

Ngayon naka subsob ang mukha ko sa library ng school namin dahil gusto kong magdrama. Gusto kong umiyak dahil sa sinabi ni brix nung nakontact sya ng kuya ni steff kagabi.

FLASHBACK

      [Oh sam, napatawag ka? Miss mo na ako agad noh?] Pagkakasabi ni brix nung nasagot niya tawag ni sam.

            "Gago! May gustong kumausap sayo" Agad ko na inagaw ang cellphone kay sam.

         "Brix.."

Naghintay ako ng sagot sa kabilang linya pero wala.


Nakita ko nadin na lumabas muna si sam at steff para bigyan kami ni brix ng privacy.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita ulit.



           "Brix hayaan mo kong magpaliwanag ng lahat. Di mo muna kasi inintindi lahat eh inuna mo ang pride at init ng ulo mo"

          [Kasalanan ko ba chloe na masaktan? Pinaasa mo kasi ako eh. Sana manlang sinabi mo agad na si vince ang gusto mo at hindi ako hindi yung pinaasa mo ako at nauwi din sa wala] pasigaw lahat ng sinabi niya kaya alam kong galit sya.

             "Brix, Bumalik ka na please. Patawarin mo ko" wala na akong nagawa kundi umiyak at humagulgol.

         "Brix, maha---" Napayuko nalang ako nang patayan ako ni brix ng telepono.




Agad naman pumasok si steff at sam sa loob.



Pinatahan ako ni steff habang si sam pilit akong pinapainom ng tubig.



          "Chloe, makakayanan mo din ang lahat" humiga muna ako sa kama ni steff at tumabi sya sa likod ko saka ako yinakap ng mahigpit.



Hindi niya manlang ako hinayaan mag sabi ng nararamdaman ko sakanya.




Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag.

Inuna niya pride niya.


[A/N: Ano na kaya mangyayari kay chloe huhuhuhu TT3TT ChRix pa naman ako T3T Choss! Basta gagawan ko padin ng konting kiligserye sina chloe at brix. STAY UPDATE READERS^^]

My Gangster Kissing Monster(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon