[Vince's POV]
"Stefh, Tumigil ka nga sa kakalakad dyan" Napa-angat ko ang tingin ko kay steff na para bang taranta syang paikot ikot sa harapan namin habang kapit na kapit sya sa cellphone niyang nasa tapat ng dibdib niya.
Nasa cafeteria kami ngayon mag kakaibigan kasama si steff.
Tumigil sya sa paglakakad at tumitig ng masama kay sam.
"You know what? Just shut up kuya wala kang natutulong eh" May kung ano nanaman syang pinindot pindot sa cellphone niya.
Nagulat kaming lahat nung bigla syang umupo sa harapan namin na tulala at maya maya pa'y bigla syang umiyak ng malakas.
Natatawa ako nung halos paulit ulit syang pilit patahanin ng kuya niya dahil pinagtitinginan na kami.
"Hayaan mo sya sam" sabi ni traise habang humihigop sa frappe niya.
"Hayaan? Nahihibang ka na ba? Sabihin ng mga tao pinaiyak pa natin tong babaeng toh"
"Kung pilit mo syang papatahanin lalong iisipin ng mga tao na ikaw nagpaiyak sakanya. Duh? Utak pwede?" Binatukan naman agad ni sam si traise dahil sa sinabi nito.
"Tama na nga yan mukha kayong mga abnormal" natatawa kong awat sakanila.
"S-si chloeeeeee" umiyak nanaman ng malakas si steff.
Nakaramdam ako ng malakas na kaba dahil sa sinabi ni steff.
"H-ha?! Anong nangyare?" Pinunasan niya muna ang luha niya bago tumingin saakin.
"Miss ko na syaaaaa! Waaaaaah!" Jusko ! Baliw na talaga sya. Pakabahin daw ba ako?
Pero oo nga, Miss ko nadin sya.
Dalawang linggo na syang wala.
Since nung nangyari yung unang encounter ni chloe at brix di na sya umattend sa mga natitirang subject niya nung araw na yun dumeretso na sya ng uwi at hindi na pumapasok.
Akala ko pa naman pag uwi ko dito sa pilipinas magiging masaya ako.
Malas yata talaga ako sa buhay ni chloe?
Siguro nga nag kanda letse letse buhay niya dahil talaga saakin.
Dahil naman talaga saakin kung bakit ganyan na ang trato ni brix kay chloe.
"Pwede ba? Wag mo nga akong gawing tanga! Ikaw ang di tumitingin sa daan tapos ako pa tong sisisihin mo kung bakit natapon ang frappe ko sa fake mong uniform?" Napukaw ang attensyon namin sa babaeng nag sskandalo ngayon sa loob ng cafeteria namin.
Naka side view sya mula dito aa pwesto namin.
Blonde ang buhok niya at nakaharang ang buong buhok niya sa gilid ng mukha niya kaya ni katiting na itsura niya di namin makita.
Pero feeling ko ang ganda niya.
Slim yung katawan niya , Actually di sya slim. Matangkad at payat pero ok na din mukha namang bagay sakanya eh.
"Aba?! Ikaw na nga tong dahilan kung bakit nadumihan tong blouse ko ikaw pa tong matapang?!" Nung tignan ko ang itsura nung babaeng nakauniform basang basa buong blouse niya at halatang chocolate ang tumapon sakanya.
"Duuh? Sinabi ko naman sayo diba? Di ko kasalanan na natapon frappe ko sa pipitsugi mong blouse , tatanga tatanga ka kasi! At bakit ko naman gugustuhing itapon ang inumin ko sayo aber? Maganda ka ba? Hindi naman ha. Kaya kung gusto mo pang ipagpatuloy ang pangarap mo sa buhay mo umalis ka ngayon din sa harapan ko" Malakas na ani nung blonde na babae.
Woah? I think may makakatapat na si steff hahaha!
Nakita kong akmang sasagot yung babaeng natapunan kaso naunahan sya nung blonde.
"Sasagot ka pa O susuntukin ko bunganga mo?" Tumakbong nag iiyak ang babaeng natapunan.
"Sino ba sya para mag angas dito ? Wag niya ako susubukan baka maisip niya bigla na mali ang landas na pinili niya tch." Bulong ni steff habang nakatingin dun sa babaeng blonde.
Humarap sya sa lahat ng studyante na nandito sa cafeteria lalong lalo na saamin.
"Hindi ko kayo binigyan ng permiso para titigan ako kuha nyo?!" Halos mapanganga ako sakanya.
Ibang iba sya sa chloe na nakilala ko noon.
Yung babaeng kapag dadaan laging nakayuko ngayon nakataas na ang kilay .
Blonde at straight na straight ang buhok niya tapos sobrang pula na ng labi niya pati pilik mata niya kumapal at humaba.
Yung blouse niya sobrang fit sakanya at yung palda niya sobrang ikli nadin.
At ang heels niya ay mataas .
Tumingin sya saamin at ngumiti sya ng nakakaloko bago lumabas ng cafeteria.
Hindi maipinta ang mukha ni steff nung humarap sya saakin.
Para bang gulong gulo sya sa nakita niya.
Kahit naman ako sobrang gulong gulo.
Chloe, Ano nangyari sayo?..
[A/N: Keep voting guys . Hwaiting!]
BINABASA MO ANG
My Gangster Kissing Monster(SLOW UPDATE)
FanfictionIm Yoona As Chloe Mae Aguilar Lee Chanhee As John Brix Ryuka Hwang Miyoung As Steffanie Sy Jeon Jungkook As Traise Manuel Kim Taehyung As Vince Bilon Xi Luhan As Sherwin Sonza Park Kyungri as Carmen Mallari