KISS 3:

942 43 4
                                    

[VINCE'S POV]

Pinagmamasdan ko lang sya habang kumukuha ng order sa mga costumer . ang ganda ng mga ngiti niya kahit saan sya pumunta dala niya ang mga ngiting yun, ang ngiting nagpatibok saakin.

"Huy! oh eto! inumin mo muna yan!" natauhan ako nung umupo sya sa harapan ko sabay abot ng kape.

"Eh? di ko babayaran yan" tumingin ako sa bintana para maiwas yung tingin sakanya.

"Sige na hayaan mo na . bawas sa sahod ko yan" nagulat ako sa sinabi niya tinignan ko sya habang ngiting ngiti sya. bawas sa sahod? eh mahal kaya mga kape dito kina brix nababaliw na ba sya? kaya ko naman bayaran yan eh pero ayoko talaga mag kape.

"Sige na ! binawas na yan sa sahod ko inumin mo na! pag di mo ininom yan parang sinayang mo pera ko" pagkatapos niya sabihin yun nag pout naman sya .

"Aiisshhh... bakit mo pa binawas sa sahod mo? kaya ko naman yan bayaran." tumayo ako at hinila ko sya papuntang cashier . nakita namin si brix doon na nakaupo nagbabasa ng magazine.

"Huy Tol!" nagulat sya sa sinigaw ko kaya tinitigan niya akong masama.

"Huy ako na magbabayad sa kapeng kinuha ni chloe" kinindatan ko si chloe at nanlaki mata niya sa ginawa ko.

"No. hayaan mo sya. dapat lang sa nerd na yan" seryosong sabi ni brix habang nakatingin sa magazine.

"Sinabing di ako nerd eh!" nilapitan ni chloe si brix at sinigawan niya ito.

"Psh! who cares?" pag susungit niya kay chloe.

"Huy tol! hiramin ko muna toh si chloe ah ! bayaran nalang kita!" hinila ko si chloe paalis na sana kami.

"Huy teka ugok! ano akala mo dito? bar? di pwede!" hinila ni brix si chloe sa kamay ko.

"Sige na!" hinila ko ulit si chloe sakanya.

"Di pwede mawawalan kami ng trabahador dito" hinila ulit saakin ni brix si chloe. tinignan ko yung loob ng coffee shop eh andami namang waiter dito eh niloloko ba niya kami?

"Bbye~" hinila ko sakanya si chloe at tinakbo ko na sya palabas ng coffee shop rinig pa naming sumisigaw si brix sa loob ng shop. nice one! masosolo ko na si chloe my loveydoves!!!

Tumigil kami sa tapat ng kotse ko.

"Huy bakit mo ginawa yun?! alam mo namang menopause yang brix na yan eh!! patay ako niyaaaan!" pagdadabog saakin ni chloe.

"Hayaan mo na kaibigan ko naman yun eh.." pinasok ko na sya sa kotse ko at pumasok nadin ako at saka ko pinaharurut sasakyan ko hanggang sa makarating kami saamin.

[CHLOE'S POV]

Tumigil ang sasakyan ni vince sa harap ng malaking bahay in other words mansiooooooooon!!! bumaba ako ng sasakyan niya na manghang mangha sa laki at ganda nito my gooossshh!! siguro kung ako nakatira jaan para na akong prinsesa!

"Hahaha! sara mo yan mamaya pasukin yan ng langaw" natauhan ako ng magsalita si vince at hinila na niya ako papasok sa mansion niya magkaholding hands kami habang naglalakad papasok oh well! wala namang malisya saakin kasi mas nakilala ko si vince kanina dahil sa ginawa niya sa loob ng coffee shop.

umakyat kami sa hagdan pero di parin niya binibitawan kamay ko . bigla syang humarap saakin at ngumiti. ngayon ko lang nakita sakanya ang mga ngiting yun! ngayon lang as in! dati kasi lagi niya akong ngingitian pero yung ngiti niya nakakaloko =3= Pero ngayon parang isang ngiti ng anghel ang pinakita niya saakin.

DUBDUBDUBDUBDUB

Aww.... bakit ganto pakiramdam ko? parang lalabas yung puso ko sa kinalalagyan niya punyeta naman oh!

"Tara pasok na tayo!" natauhan ako ng hinila ako papasok ni vince sa isang kwarto . KYAAAAAAAHHH!! OHEMGEE!! ang lakiiiiiii!! mas malaki pa tong kwarto na toh kesa sa bahay namin .

"Kanino tong kwarto?" tanong ko sakanya.

"Saakin" tinignan ko sya na naka topless at boxer punyemas ang ineeeeett! iniwas ko agad tingin ko sakanya .

"Uhmm.. Vince.. ano.. mag , mag tshirt ka okaya sando pwede na kasi gagawa tayong project hindi magliliveshow" pagkatapos ko sabihin yun bigla akong hinila ni vince paharap sakanya . nagkatitigan kami, ang ganda ng mata niya nadadala ng mata niya ang makapal na eyelinear tapos ang mapupulang labi niya pati ang ilong niya .

DUBDUBDUBDUBDUB

This time hindi ako makahinga teka may sakit na yata ako sa puso! wag po sana! mahal pa ako ng nanay ko ajujujujuju!

"You're beautiful"

-------

TO UPDATE NEXT CHAPTER PLEASE VOTE AND COMMENT THANKS <3

My Gangster Kissing Monster(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon