Part 5 Broken Hearted

8 0 0
                                    

In the end, we only regret the chances we didn't take.

"Ayoko na! Sawang-sawa na ako sa pagiintindi sa kanya! Pare-pareho lang silang lahat!" Maaga pa sa umaga at Nakarinig ako ng iyak mula sa Room namin. Pamilyar yung boses eh. Kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papasok.

Nakabulagta sa akin ang umiiyak na mukha ni Lenny na kinu-comfort ng barkada at mga classmates ko. Tinapik-tapik pa ito ni Edgardo sa likod para uminahon sa pag-iyak. Lumapit ako sa kanila at nagtanong pero walang sumasagot subalit lahat sila ay na nagalala kay Lenny.

"Okay lang yan Lenny. Siguro hindi lang siya ang tao para sa iyo. Marami pa namang lalaki diyan." Sabi ni Edgardo habang pinupunas ang luha ni Lenny.

Tinapik ko ang braso ni Edgardo para magtanong muli.

"Uy, anyari? Pwede paki-explain kasi parang na-Out of place kasi ako dito eh?" Hinablot ko agad si Edgardo papalayo para may privacy kami.

Nagbugtong-hininga pa si Edgardo bago magsalita.

"Eh.. Kasi... Nakita ni Lenny yung BF niya na may hinahalikan na Babae kahapon. Ayon nag Break na sila kaya nag m-move na ngayon si lenny." Napanga-nga ako sa mga sinasabi ni Edgardo. Pag-ibig naman oh!

Hinarap ko si Lenny at niyakap.
"Ayan kasi. Huwag padalos-dalos ng desisyon. Hindi mo kasi alam kung mamahalin ka nang tao na yun." Hinimas-himas ko ang buhok ni Lenny. Umiiyak lang to sa braso ko. Hanngang sa napatigil na sya sa pag-iyak ay hinarap niya ako.

"Salamat Cloe ah?! Kahit alam kong Galit ka sa mga Tangang katulad ko. Sinusuportahan mo pa rin ako." Sabi niya habang pinapahid niya ang luha niya.

Ngumiti lang ako sakanya. "Anong sinusuportahan?! Hindi ko sinusuportahan yung Lovelife mo. Binabantayan lang kita kasi alam kong loko-loko yung EX mo! Ang tigas kasi ng ulo mo eh?!" Napatawa si Lenny. "Ang sama mo Cloe.... Aahahha"

"Ayan... Pinapatawa lang kita. Hindi kasi bagay sayo ang umiiyak, pumapanget ka riyan. That man is not worth of your Tears. So stop crying na ha?! Tutulungan kitang mag move-on." Napangiti lang si Lenny.

"Korek! Ang corny nang lines mo girl?!" Sabi ni Edgardo while he slapped my hair. Talaga tong bakla na ito, ang sarap kusutin.

I glared at him.
"Hoy Bakla! Baka nalilimutan mo ipinaglihi yung mukha mo sa bigas kaya marami rin yang Dinadala mo ngayon sa mukha!" Everyone laughed including Edgardo and Lenny.

"At para naman sayo Lenny. Kung iiyak ka man lang, gawin mo sa bahay huwag dito maraming tao ang nakatingin. Okay?" Tumango lang si Lenny.

Eksaktong nakarating yung adviser namin sa Room.

-------------------------------------
*After school*

Naglalakad kami ni Edgardo at Lenny sa Mini Garden ng school bago umuwi para naman magpahangin.

Ang ganda ng mga bulaklak. Bilib na ako sa Care taker ng mga ito. Mukhang inaalagaan talaga ng maayos.

Mabuti pa ang Bulaklak inaalagaan, samantalang ako, nauuhaw na sa pag-ibig ni Crush kaya namamatay na tong puso ko.

Hoy Cloe?! Tumigil ka nga!... Napapahugot lines ka na?!

Napabuntog-hininga nalang ako ng malalim. Tinapik ni Edgardo ang Braso ko, "Uyy! Anong iniisip mo diyan at mukhang malalim pa yan sa karagatan?!" Sabi ni Edgardo habang sabay inom ng Coke Mismo.

"Oo nga Cloe, share ka naman diyan." Sabay kain ng chi-chirya naman tong si Lenny.

Napakunot nalang ang noo ko. Mga asungot na to... Pero mahal ko sila hehehe.

"Ayyy wala, it just happen na may iniisip lang ako ng hindi dapat pinapahalagahan." Biglang tumahimik ang dalawa. "Oh? Bakit kayo tumahimik?" Nagtinginan ang dalawang asungot at parang nag-uusap yung mga mata nila.

"Ahahaha... Ayy wala naman." Sabi ni Edgardo habang may ngiting abot tenga.

"Oh! I almost forgot... Anong plano niyo sa Summer, guys?"

"Wala." Sabay sabi ni Edgardo at ni Lenny.

"Ako, may plano." Sabi ko habang inagaw ko ang chichirya ni Lenny.

"Uy! Kung may plano ka, huwag mo idamay yung Pagkain ko..." Sabi ni Lenny habang naka nguso.

"Tumahimik ka! Ikikiss kita diyan eh. Heheh" napatikom nalang sa bibig si Lenny.

"Oh? Anong plano mo?" Sabay Kipit-balikat si Edgardo.

"Mag S-swimming tayo guys?!"



--------------------------------------------------------------------------

Author's note: wooh!!! Another short Update na naman. Hehehehe... But the exciting part is yet to come!! And this time TRUE TO LIFE na sya!

Base on my Experience sa Swimming Pool... Hahahah ayaw ko mag spoil ng moment 😉

Kita-kits nalang sa Next Chapter!

Bitterness is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon