7 Textmate?

24 1 0
                                    

"Bitterness is Love Ch 7"

"People will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel."

*Cloe's POV*

Three days na nakakalipas at hindi pa rin ako makakamove-on. Sa tindi ng pagka-shock ko parang ayaw ko nang magsoot ng Bikini sa susunod.
Kitang-kita sa mga mata ko kung paano niya ako tinitigan. I feel so embarrass and confused yet happy... Gusto kong matakpan nalang ng lupa.

*Flashback*

"Cloe? Bakit ka ata namumula hanggang tenga? Bakit maaga ka yatang umahon sa Pool? May nangyari?" Sunod-sunod na Tanong ni Edgardo sa akin. Nandito kami ngayon sa cottage kumakain.

Ang tanging na sa isipan ko lang ay yung nangyari sa akin kanina sa dressing room. Hindi ako makakain.

"A-ah? Wa-wala naman..." Hinawakan ko ang mga pisngi ko para hindi na ako tignan ni Edgardo.

Tumingin ako sa kabilang cottage pero wala si crush dun. Gusto ko sanang makausap siya. Kaya't hinahanap ko siya sa paligid. Patuloy pa rin ako sa paghahanap hanggang sa napadpad ako sa Snack Bar.

Andoon nakita ko si Crush naka cycling shorts at half naked...at... At... Walang abs.

How sad...

Nakita niya ako pero umiwas din siya ng tingin. Nanginginig ang buong katawan ko. Di ko alam kung bakit pero gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina. Pero naunahan ako ng hiya. Papalakad na sana ako nang may sumigaw.

"E-excuse me miss?" Napasinghap ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Tinignan ko siya agad at nagsimulang uminit ang pisngi ko.

Si Crush!!!

"Uhm... Tungkol kanina sa dressing room... Sorry." Yumuko lang ito at hindi maka tingin sa mga mata ko. Nahihiya pa yata sya.

"O-okay lang. Kasalanan ko rin naman, dahil hindi ako nag iingat." Pasimpleng nilalaro ko yung buhok ko para cute ako tignan.

"Ah ganun ba?..." Mahinang sagot niya. Pero OMG!!! Napaka Gwapo pa rin ng voice niya kahit ganoon lang. Manly at deep. Dem u Crush! Pa-hug nga! Kyaaa... Mapasigaw nalang ata ako sa kilig.

"Pero ang sexy m--"
"Babe! Nasaan na ba yung snacks natin?!" naputol ang conversation namin ni Crush dahil tumawag ang Kanyang Girlfriend. Agad din niyang binitawan ang mga Braso ko. Muling tinitigan niya ang mga mata ko at humingi na naman siya ng patawad. Tumakbo na ito papalayo habang ako Dumb Founded.

Ano nga ba yun? Sexy? Ako? MY GHAAD!! Lord pwede mo na akong kunin... Wala akong magawa kundi mapasigaw sa kilig at tumatalon sa tuwa. Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko dahil pinuri ako ni Crush!  May riteMed ba nito!?Hahahaha

*End of Flashback*

Nasa Probinsya ako kasama ang pamilya ko. Summer break na at ang init-init dito.

Dahil sa tindi ng init ay hindi ko na kinaya. Nakahiga ako sa sahig at pinapaypay ang sarili.

Kahit summer ay may trabaho pa rin sila mama at papa. Kaya't kami ni ate Clara ang naiwan sa bahay.

"Ateeeee~~~ may maiinom ba dyan para maibsan tong init ng araw?!" Reklamo ko kay ate na nagbabasa ng Magazine.

"Meron." Maikling sagot niya.

"Saan?"

"Sa kusina." Sabay turo sa Ref.

Pinakita ko sa kanya ang middle finger ko at pinag ikutan lang ako ng mata. Kahit kailan ang suplada nito.

Bitterness is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon