Part 6.1 Road Trip sa Swimming Pool

12 1 0
                                    


Surprises are better than Promises




*Chloe's POV*

Nagiimpake nako sa mga gamit ko for next week's activity with the Tropa!
This is going to be a Blast!!! For the first time kami mag outing ng ganitong plano... Hahahaha.

Minsan kasi palpak ang outing ng barkada kapag planado. But this time, matutuloy na to!
I hope so...

Okay... Everything is all set, but first lemme check kung may kulang.

Kinuha ko lahat ng mga things ko papalabas sa bag. Ayoko kasing may kulang.

Inuna ko ang Bikini ko with shorts papalabas tapos T-shirt and my Pants, sunod naman yung mga Personal stuffs katulad ng Underwear and deodorant.

Hmmm... Something is missing... Pero ano? Pocket money? Shades? Slippers? Ano??

I sit for awhile from the corner of my bed... Nag iisip kung anong kulang. Its in the tip of my tongue Pero ayaw niyang lumabas.

After a minute of thinking halos maubos na ng dugo tong utak ko sa kakaisip.

Until something shook my head. I was surprised!
I patted it para ma-check kung anong nasa ulo ko.

Hmmm... It's small and it is somewhat oblong. Pinipisilpisil ko pa to kung ano talaga... Hanggang sa lumipad to papunta sa pader.

And there i lost my thought, grabbed my mightiest slipper and slapped it to the wall several times as strong as i could. Hindi ko pa to tinigilan. Ang likot kasi!

" P*t*ng Ina!!! IPIS!!!!" Sumigaw ako as loud as i can kasi lumilipad pa toh! Buhay pa patong leche! Buhay pa!!! Immortal yata to?!

Lumilipadlipad pa to na parang pangit na paru-paro. Grabe... Parang baliw na ako dito. Wala na akong choice kundi lumabas sa Appartment ko. I can't stand cockroaches! They're disgusting!

After a few minutes sumilip na ko sa kwarto ko. Syempre handa na ang mga slippers ko. Dinalawa ko pa para makasigurado.

Dumapo ito sa Door ng Closet ko. Thanks at na tapos na rin sya sa paglilipad-lipad sa paligid. I sighed deeply as i walk in very slowly until i can reach the closet.

I can feel my hands shaking at nanlamig ang mga balat ko. My sweats are non-stop na tumutulo.

"Okay Chloe, on the count of three kailangan wala na toh sa Planetang Earth. One... Two... Three!" Sa pagkasigaw ko ng tatlo sinabay ko na sa paghampas ang dalawang tsinelas na dala-dala ko. Syempre nilakasan ko na ang paghampas para patay talaga.

Sa pagkahampas ko sa closet ng malakas, may nahulog na bottle at eksaktong nahulog toh sa ulo ko. Napasigaw ako sa sakit.

Nabitiwan ko ang mga slippers at thank God patay na ang Ipis na yun.

I patted my head kung may dugo bang lumabas pero wala. Tinignan ko ang bottle na nahulog. Medyo malaki rin to.

I grabbed it at Binasa kung ano.
"Sunblock with Glutathion?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Yes! Ito na nga ang hinahanap ko! Salamat Ipis! Hahaha" napatawa nalang ako at napa-upo sa kaba. *Sigh*

********************************
*after a few moments*

Okay... Everythin looks good. Im ready for the swimming pool.

I checked the time kung anong oras na... Its already 7:00 Pm. I should cook my food, gutom na kasi ako eh.
Papunta na ako sa mini kitchen ko. Hanggang sa may na rinig akong katok mula sa Door ko.

"Chloe? Okay kalang ba?" Habang patuloy pa syang kumatok. Tumakbo ako kung sino to. "Parating na ho!.." Binuksan ko ang door and nakabulagta ang mukha ni Aling Poring nabakas sa kanya ang pagaalala sa akin.

"Oh? Aling Poring? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang nangyari dyan sa loob at ang ingay? May ginagawa ka ba?" Sagot nya.

"Ah... Uhm... Wala naman ho. May Ipis lang kaya maingay lang ako. Pero okay na kasi pinatay ko na." Napatawa nalang kaming dalawa.

"Oh sya pala Aling Poring?! Asan si Mark at si Jun-jun?" Tanong ko sa kanya.

*
Si Mark, 8 yrs old at si Jun-jun, 6 yrs old ay magkakapatid at Si aling Poring ang kanilang Lola. Patay na ang asawa ni aling Poring dahil sa Sunog. 3 years ago Nasunogan sila ng bahay kaya nakatira siya sa appartment. In fact, katabi ko lang siya ng kwarto kaya makakarinig talaga siya ng ingay.
May dalawang anak si Aling Poring, ang Panganay na Babae nasa Canada, at ang Pangalawa nandito sa Pinas na may dalawang anak.
*

"Ah si Mark at Jun-jun ba? Nasa Bahay ng Nanay nila.
Paminsan-minsan lang sila pumunta dito."

"Ganun ho ba?! Sayang, gusto ko pa naman silang Kulitin. Hahaha"

" oh sige hija, kinakamusta lang kita kasi baka may nangyari. balik na ko. Bye."

"Ingat po kayo." I waved Goodbye to her. Sabay noon ay sinirado ko na ang pinto. Palakad na ako sa mini kitchen, tinignan ang ref.
At nag start na magluto ng piniritong isda.

Kumain ng tahimik, gumagawa ng mga requirements sa school para makapasa sa Next school year at natulog.
********************************
*Sunday Morning*

Bumangon ako para matapos ko na ang mga requirements sa school.
Sakit sa ulo tong mga projects and ang mga Answer and Question Portion. Lalo na ang Math!!! Mahina talaga ako nito.

Tumingin ako sa window para makita ang sidlak ng araw. At dun na isip ko na may Dirty clothes pa pala ako. Tsk. Tsk. Buhay estudyante nga naman.

Pagkatapos ko sa mga Requirements, naglinis muna ako sa paligid. Katulad ng Pagwawalis sa sahig, pag kuha ng alikabok sa bed, pagtutupi ng damit, at naligo. Buhay single! Team bahay!
Hahaha... Pero responsible.

"Grabe ang sipag ko!"

--------------------------------------------------------------------------

A/N: hello! Another Short update na naman galing kay Manang Author! Gahahaha... Seryoso guys ayaw ko talaga sa mga Ipis na lumilipad nakakapatay! Lol.

So anyways, Ch. 6.1 pa'to may kasunod na Ch. 6.2 na ma-update ko pa next next time. Kung may time. Lol. And this time pupunta na talaga sila sa Swimming pool. Ano kaya andoon? Bigay kayo ng idea! Bilis.

Follow me on Insta!
@camillenadine_calderon

At sa Tweeter
@camille_nadine1

Salamat sa pagbasa guys... Mwah mwah! ❤️

Bitterness is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon