Chapter 2: Trinity and Kurt

0 0 0
                                    

Pagpasok namin sa room, hindi na ako nagulat sa napaka gulong room at napaka ingay na room na ito. Hindi nila kami napansin. Sus. Invisible kame sa school na 'to eh. Nagdirediretso na lang kami papunta sa proper seat namin. Nagkatabi kami ng seat ni May. Talagang hindi kami naghihiwalay no? Haha.

Binuklat ko ulit yung book na dala ko at nagbasa ulit. Trying hard talaga akong maperfect yung exams eh.

Habang nagbabasa ako, bigla na lang sumagi sa isip ko yung lalake kanina sa library. Paano nya kaya nalaman ang pangalan ko?

Hala! Baka stalker yun!

Jusko, Lala. Sa napaka gwapo nyang muka na yun, magiging stalker ng isang gaya mo lang? Ni minsan hindi siya babagay sayo-- what the? Ano bang iniisip ko?! Hay nako! Concentrate, Lala! Concentrate!

Tinignan ko ang wrist watch ko. 15 mnts bago magstart ang exams. Napaka big deal sakin ng exam na 'to. Pero sa mga kaklase ko parang isang normal na araw lang ito. Grabe. Bakit ganyan sila?

Maya maya pa, pumasok ang tatlo kong kaklase na bitch-- err! Mga, uhm? Ewan! Basta mga bullies at mayayabang sila.

"Pauleen! Bago yang shoes mo?" Tanong ni Pia.

"Yes. Binili to ng mom ko sa England." Mayabang na sagot ni Pauleen.

"Really? How much? I badly need one, too!" Sabi ni Angel.

"Sorry, girls. 1.6 Million to. Alam nyo naman. Baka di nyo kayanin. *bitchy laugh*" Sagot ni Pauleen at naupo na sa harapan sa row nila.

Sus. Mga retokada! If I know, sinasadya nilang marinig yun ng mga kaklase namin para kaingitan sila. Eh wala namang kaingit ingit sa mga 'yan.

Ang tawag ng tatlo na yan sa grupo nila ay The Gorgeous Trio. Nakakatawa diba? Napaka clićhe. For me, mas bagay na itawag sa kanila ang THE MORRON TRIO. Kung ano kaseng ikinaganda ng muka at buhay nila, yun ang ikinapanget ng laman ng ulo nila. Lagi silang pasang awa. At ano pa bang ginagawa ng mga private school sa mga mayayaman pero walang laman ang utak gaya nila?

Hindi nila ibabagsak ang mga yan. Kapalit ng malaking investment na ibibigay nila sa school. Napaka unfair diba? Hay nako..

Nasan na ba yung teacher namin? 5 minutes late na siya ah? Hindi pwedeng hindi matuloy ang exams namin! Hindi ako halos natulog dahil dito!

10 minutes na ang lumipas pero wala pa talaga ang adviser namin. Pag nag 15 mnts na at wala pa siya, dismissal na. Jusko. Noooo. Hindi pwede! Huhu.

Isang minuto na lang at dismissal na. Karamihan sa mga kaklase ko masayang masaya! Mga walang amor kase sa pagaaral kaya ganyan.

Pero lahat kami, nagulantang sa pagbukas ng pintuan ng room. Pumasok ang adviser namin na si Mr. Aguillar na hahangos hangos. Mukang nagmamadali siyang pumasok dito. Naupo siya sa mesa niya.

"Sorry class. Medyo nalate ako." Wow. Medyo? Isang minuto na lang baka kami na lang ang dinatnan 'nya dito.

Nagbuntong hininga siya at inayos ang sarili niya. Gwapo naman si Mr. Aguillar eh. 22 palang siya pero propesyonado na siya. Napansin ko naman na yung the morron trio na kinikilig at nagpapa cute kay Sir. Pabebe girls?

"So class, Bago natin simulan ang exams, gusto kong malaman nyo na dito sa klase natin mapupunta ang mga transferee.." Nakangiti nyang sabi. Mas maayos na ang itsura nya kesa kanina. "Hindi muna sila pwedeng pumasok dito sa room since periodical exams ngayon. Kaya naman nagpati iwan na sila sa Principal's Office.. anak kase ng may ari nitong academy ang isa sa kanila. Makikilala niyo sila bukas."

Mga? Sila? Diba sabi nung mga babae sa hall way kanina, isang lalakeng transferee lang? So it means, hindi lang siya isa. At yung isa? Anak ng may ari ng Osford Academy? Pero ano bang pakialam ko dun? Ang mahalaga tuloy ang exams! Yeeey!
--

That Guy named ThriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon