Chapter 9: Dubdubdub?!

1 0 0
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa lintik na cellphone na binigay ni baluga. Nakakainis kase ang mahal mahal ang laki pa! Iphone 6s daw 'to sabi ng Kuya ko. Pilit ngang inaagaw sakin ni Kuya 'to eh. Pangarap nya raw kase magkaroon nito. Pero nung nalaman nya na kay Thri galing 'to, parang gusto na nyang isumpa e.

Bigla naman nagring ang phone na nasa harap ko. Binili na din kase ng sim card ni baluga ito. Number nya lang ang sinave nya. Sinave nya din number ko hinihingi ko nga number nila Trinity e. Ayaw naman ibigay. Sungit talaga.

Syempre sya lang naman nakakaalam ng number ko. So sino pa ba ang tagawag? Edi si Baluga! Wala naman akong magagawa kundi sagutin ang tawag nya.

I swipe the answer button. "O?"

"Hindi ba uso ang 'hello' sayo?"

Napairap ako. "Yan lang ba ang sasabihin mo?!" Nakakairita. Nangiistorbo yun lang pala ang itatawag nya.

"Of course not. Inaaya kase ako nila Trinity sa Boracay.."

"And then?" Ano naman kaya ngayon kung inaaya siya? Nasa akin ba ang mga damit nya? Nakakabit naman ang dalawa nyang paa sa katawan nya ba't di sya umalis?

"Sabi din nila na isasama ka nila. Eh wala silang connection sayo, di nya alam bahay mo, sabi ko ako na lang ang magsasabi sayo."

Bakit kase hindi nya na lang ibigay ang number nila Trinity eh. Napaka busabos ng baluga na 'to. Teka. Boracay? Kasama ako? Edi ba monday na sa isang araw? May pasok na nun eh.

"Ayoko. May pasok sa monday."

"Sino nagsabing papaabot tayo ng monday? Wag mo ngang bulukin yang utak mo sa ulo mo. Nasasayang.. Sunday evening uuwi din tayo!"

Peste talaga kausap ang isang 'to. Nanglaet pa ng utak ng may utak. Akala mo naman kung sinong katalinuhan.

"Ayoko paren!"

"Aba't! Porke't kamuka mo ang mga pabebe girls gumaganyan ka na?! Hindi mo ako pwedeng tangihan! I'll be there in a minute!"

Napakabwisit talaga. "Ayoko nga sabe--"

"Bye!! *tooot* *toooot* *toooot*"

Bastos talaga! Pinatayan ako ng phone? Mamamatay phone siya! But wait.. anong sabi niya?

I'll be there in a minute!

Ano ba yan. Sinasagot ako ng sarili kong diwa. Nababaliw na nga ako. Di na nga ako magdididikit kay balugss. Pero, in a minute daw? Wag mong sabihin na..

"*beeeeeeeeeeeeepp beeep beeeep*"

What the hell? Ngayon na aalis? 9:00 pm na for heaven's sake?! Nagtatakbo ako palabas ng bahay at hinarap ang kotse nya. Ano bang trip nilang magkakaibigan? Pag nagplano gusto gawin agad agad eh!

Kinatok ko ang salamin ng kotse niya. Bumaba yon and I saw his handsome face. Geez. Mandiri ka nga Lala! Naka shades pa 'tong baluga na 'to. Akala mo naman kagwapuhan. Kwago naman! Saka naka shades? Nasan ang araw? Nasaaaan?!

"Anong pakulo ito?! Disoras ng gabe, aalis papuntang boracay?!"

Bumaba siya ng kotse nya at bigla biglang namisil ng ilong. Aba! Ang sakit kayaa! Pinaglihi ata sa talangka ang isang 'to eh.

"Asan ang mga damit mo? Let's go! Naghihintay na sila sa airport.."

Duh?! Kabababa nya lng kaya ng phone kanina! Anong akala nya sakin? Si Flash? Si Hit Girl? Adik ata 'to eh.

"Kabababa mo lang ng phone gusto mo nakapagimpake na agad ako? Eh tanungin mo nga muna saken kung pumayag na ako!"

Hindi nya ako sinagot at nagdirediretso ng pumasok sa loob ng bahay namin. Aba. Walang manners. Hindi nagpapaalam! Fc na fc siya samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Guy named ThriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon