Chapter 6: Milk and Coffee.

4 0 0
                                    

Tumakbo ako palabas ng cafeteria. Hindi ko na kase alam pa kung anong muka ang maihaharap ko sa buong campus. Napaka big deal sakin ng lahat hano? Ayoko kase ng magulong mundo. Masaya na akong magisa. Na isa lang ang kaibigan!

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway. Di katulad noon. Iniisnab nila ako. But ngayon, they are looking at me like I'm a walking trash.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakaramdam na ako ng hingal kaya napagdesisyunan kong huminto sa pinakamalapit sa akin na lugar dito sa campus, which is the garden.

Walang katao tao dito. Hindi na ako magtataka. Simula 1st year ako wala pa akong nadadatnan na mga tumatambay dito. Ewan ko ba. Maganda naman ang garden na ito at maaliwalas.

Naupo ako sa ilalim Sakura Tree na nakita ko. Sinandal ko ang sarili ko at pumikit. Dyahe ang nangyare sa cafeteria kanina.

"Milk?" Napadilat ako at napatingin sa canned milk na nasa harapan ko. Napatingala ako sa may hawak ng canned milk.

Nanlaki ang mata ko. Siya nanaman. Ang OO NA gwapo na na lalaki, maputi, mabango, matalino at mayaman. Perfect na perfect. Para siyang isang clićhe character sa isang book na may perpektong kalove team.

I saw him smile again. Yung pang asar niyang smile. -___-

"Kunin mo na.. walang lason yan." Sabi niya. I grab the canned milk. Malamig pa iyon at mukang kabibili lang niya.

Walang sabi sabi siyang naupo sa tabi ko. Bastos talaga ang baluga na 'to. Fc kung fc. Di man lang nagtanong kung pwede bang makiupo. Sabagay. He own this school nga pala.

"Para saan naman 'to?!" Iritable kong tanong. Umusog ako ng konti. Ayoko ngang madikit sa baluga na 'to.

He open his canned coffee. "Alam kong di ka masyadong nakakaen kanina.." Saka niya ininom yung kape niya.

Huh? Shoot! Oo nga no? Huhu. Sayang yung mga pagkaen ko! Utang ko pa naman kay May lahat yun. Ano ba yan! Magbabayad ako ng utang na di ko napakinabangan. Azaaar.

"And also a sorry gift.." dagdag niya sa sinabi niya kanina. Sorry gift? Siguro yung about sa nangyare kanina?

"Hmp! Hindi mo alam kung anong ginawa mong kabalbalan kanina baluga ka!" Tinalikuran ko siya na akala mo bata ako na nagtatampo dahil inagawan ng laruan.

I heard him laughing. Aba! May nakakatawa ba? Kasalanan naman talaga ng Montecillio na 'to. Kasalanan niya kaya magugulo na ang school life ko.

"I did that para masanay ka na.." Huh? Humarap ako sa kanya ng nagtataka. Nakaangat ang isang tuhod niya at nakapatong ang baraso nya dun na may hawak na canned coffee sa kamay. Nakatanaw lang siya sa malayo.

"What are you saying? Masanay saan?"

Humarap siya sa akin at nginitian ako. I felt my cheeks is burning.. and my heart.. it beats.. so fast? Bakit ako kinakabahan ng ganito? Ohgeez!

"Wha..what are yo..you smilling at.. huh?!" Tumalikod ako sa kanya at hinawakan ang dalawang pisnge ko gamit ang dalawang palad ko. Kainis. Bakit ba namumula ako?!

"Hahaha. You're blushing!" Napaharap ako sa kanya ng marinig ko ang tawa niya.

He is laughing. Nakapikit siya at tumatawa. He's letting me saw his complete set of teeth. His cheeks are blushing, his eyelashes is long and curly, his eyebrows is in line, and his lips is red as apple making him looking kissable. And his laugh... it makes my heart really beat so fast. And... making me smile like crazy.

"And now you're smilling? Haha. Crazy.." Tinap niya ang ulo ko at nakangiting ginulgol ng bahagya ang buhok ko.

Nagulat ako sa ginawa niya but I smile at him. Hindi naman pala siya palaging pang asar lang. "Baluga talaga.."

"Why are you calling me Baluga? Am I that dark for you?" Tanong niya na parang 5 years old ang tono.

Inabot ko sa kanya yung canned milk asking him to open it. Hindi ko kase kayang buksan. Bakit pa tinawag na easy open can yun eh hindi naman talaga?

"Trip ko lang. 'Di ko kase alam pangalan mo eh.." Inabot niya sa akin yung gatas. Ininom ko yun. Hmm. Ang saraaap. Fresh milk kung fresh milk ang peg. Mahal siguro 'to?

"I'm Thri." Sabi niya.

"Yeah, I know that's your name. I'm confused what is the spelling of you name. Is it Three? Or Tree?" Parang grade one kong tanong. Bakas naman sa muka niya ang gulat.

He burst out of laugh. Ayan nanaman siya. He's laughing again! Hindi niya ba alam na kinakabahan ako kapag tumatawa siya? Nakakabilis kase ng tibok ng puso eh!

"T-H-R-I. THRI.." He spell his name while smilling. Bakit ba ang bait ata nya at nakangiti siya palagi ngayon? Parang kanina lang binubwisit nya ako. Tapos ngayon feeling ko nageenjoy ako sa company nya.

Ah. So yun pala ang spelling ng pangalan niya? Thri. Parang kelan lang nababaliw ako kakaisip kung ano ang spelling nun. Yun lang pala. Kakaiba kase eh.

"Yun na ang real name mo?"

"Yeah." Ininom niya na ulit yung kape niya and I guess ubos na yun dahil ibinalibag niya na sa pinakamalapit na trashcan. Napa 'wow' pa nga ako nung na shoot nya yun eh.

"Unique." I'm reffering to his name. Inubos ko na din yung gatas ko. Tatayo na sana ako para itapon yun pero pinigilan niya ako at kinuha niya yung can saka ishinoot ulit yung can sa trashcan. And once again he shoot it again. Kumbaga sa basketball, ringless.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pangalan ko?"

Napaisip naman ako. Kahit na anong way back wednesday, throwback thursday at flash back friday ko sa utak ko, hindi ko parin maaalala kung may nabasa ba akong meaning ng word na 'Thri.' Pinagloko loko lang ata ako neto eh.

Umiling ako. He just smile. "Ano bang meaning?" Nakaka curious. Ngayon lang ako tinanong ng di ko nasagot ha. Million dollar question pala ang pangalan ng isang 'to. He just shake his head. Huh? Nababaliw na ata.












"It's for you to find out."
--

a/n: I know maikli lang. Hahaha. Momentum daw kase ni Lala at Thri yan. Kaya ayan. (Shhhh lang to ha? Request ni Thri yan!) WHAHAHAHAHA. Joking.

VOTE, COMMENT! :))

That Guy named ThriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon