‘ Shiit paano nakapasok yan sa school natin?’
‘Grabe, mas maganda pa jan yung shih tzu namin ah’
‘Gross.’
Kung ganito ang ibinubulong ng mga school mates mo sa unang araw ng class nyo. Alam ko ngayon pa lang, unti-unti mo nang pinaplano kung saan magandang lugar mag suicide o pede rin gusto mo tanungin ang nanay nyo kung saang prutas o hayop ka niya pinaglihi.
Pero kung sa inaakala nyo madedepress si Dani ng dahil jan…
Pwes mali kayo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
EXCERPT
Late na ko naka punta sa computer room kasi hinanap ko pa yung rubber shoes ko at nilinis ko pa ang locker ko. Pagdating ko tuloy, yung seats na lang sa likod yung vacant. Hindi ko tuloy masyado makita yung nasa projector. Gusto ko sana kumopya ng notes sa katabi ko kaso pagtingin ko sa kanya ayun…He is sleeping.
Ibang klase to ah. Ngayon ko lang nakita na may mag occupy ng seat na to tapos slacker pa. Siguro nga kaya dito siya umupo kasi balak talaga niyang matulog. Tss..
I went back listening to the teacher kaso I can’t help but to poke him.
He looks dead to me eh. Malay mo inaatake na pala.
Ayoko naman isipin na may katabi akong patay na >.<
“Hey wake up” I nudge at him gently
*murmur*
*murmur*
What’s the word again? mantika.. yeah right, tulog mantika siya. He’s not facing me kaya di ko makita kung sino siya. Maybe he’s really tired or sadyang tamad lang to.
“Miss Choi., can you please wake him up?” eto na nga sinasabi ko eh. Baka pagalitan ako nung instructor namin sabihin kinukunsinte ko to. I nodded my head and began shaking his shoulders.
“Hoy.” Sabi ko ng malumanay nakatingin sa kin yung mga kakalase ko. Natatawa yung iba na parang may inaabanagan sila.
*no response*
Grabe. nagtitinginan na yung mga classmates namin.
“HOY!” I said louder. Siguro naman magigising na siya. Hindi siguro maipinta (oh yeah. New word) yung mukha ko when he lifted his head and I caught a sight of him. I almost jumped back.
Lo and Behold the famous Mr sleepyhead was no other than the devil himself.
Si Cyrus. O_o
Sa lahat ng makakatabi ko... bakit siya pa?
He looked at me with an amused smirk like he’s sending me telepathic message.
‘You’re dead. You’re dead. You’re dead UGLY Dani. YOU’re DEAD’
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author’s Note
Sorry talaga. Hindi ako sanay magsulat kapag tagalog so feeling ko kulang kulang yung emotions at minsan panay ka-abnormalan ko lang yung naisusulat ko. I’m not expecting na maraming magbabasa nito. (feeling ko nga kinakausap ko lang sarili ko eh hahaha ^_^) pero kung sino man may trip basahin to. Thank you soo much for checking my fist tagalog fic ever.
Vote lang kayo kung gusto niyo i-continue ko pa yung story. Tapos leave rin some comments para malaman ko na hindi ako nagdedelusion. Haha!
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Dani says HELLO!
RomanceA story about a beautiful girl who wants to be ugly. Oo, gusto niya daw maging 'odd looking' (read: panget) Kaya naman nung nagtransfer siya sa ibang school parang nagliwanag ang buhay ni Dani dahil buong student body ay paniwalang panget siya. li...