Binhi pa lang kami crush nya na ko. Crush ko
din pero di ko sinasabi sa kanya. Naalala ko pa
yung sinabi nya sakin na ikinatuwa ko, "alam mo
gusto kita. Pero bata pa tayo. Binhi pa lang.
Tsaka na kita liligawan pag pwede na. Kaya wag
ka munang magpapaligaw ha? Ako lang
manliligaw sayo pag pwede na". Tapos pag
tutupad, magtetext yun. Tatanong kung okay na
daw ba yung toga ko, himnario, panyo atbp mga
gagamitin sa pagtupad. Lagi yun manalangin
daw muna ko bago umalis. Tapos sasagutin ko ng "alam ko! Tinuruan ako ng mga magulang ko!". Hindi na yun magrereply, nagtampo na ata.
Hehe. Pagpapasok na ko bago magpanata,
makikita ko sya nakaupo na, nananalangin.
Grabe tong lalaking to! Gwapo na, mananampalataya pa! Masasabi kong nasa kanya na ang lahat. ♡ Pagpauwi na ko, makikita ko sya katawanan ng papa ko. Close nya kasi family ko at alam din ng family ko na crush nya ko. Lagi nga syang sinasabihan ng papa ko na wag muna kong liligawan kundi iuulat sya. Pag may mga aktibidad, tetext ako nun. Pumunta daw ako tapos sasagutin ko na hindi ako pupunta kahit pupunta talaga ko. Mayamaya tinatawag na ko ng mama ko, nandun na sya kasama 2 kong bstfrnd, sinusundo ako. Sinasama nya yung 2 para daw hindi kami lang. Pangit daw kasi tingnan baka kung ano pang isipin ng iba lalo na't binhi pa lang kami. Tapos nung nag 18 sya sabi ko "kadiwa kana. Naiwan na ko sa pagiging binhi. Pwede kana manligaw uy! Pero wag sa sanlibutan ha? Kundi iuulat kita." *teary eyes* Ngumiti sya at pinisil yung pisngi ko habang sinasabi to "paano ko makakapanligaw kung yung
gusto ko binhi pa lang?" Tapos natatawa sya.
Napangiti na lang ako. -Fastforward- Nung nag
18 ako nagmessage sya sakin ng 12am. Tapos
sinundo nya ko ng umaga at ikinain sa labas.
Mayamaya nagyaya na syang umuwi. Edi umoo
ako kahit ayoko pa. Hinatid nya ko sa bahay
tapos nagpaalam sa parents ko. Inis na inis ako
nun kasi 3pm pa lang. Ang bilis naman! Parang
walang kwenta 18thbday ko. Deretso kwarto
tapos natulog na lang ako kesa mainis. Nagising
ako mga 6pm dahil nagring yung phone ko,
nagmissed call sya. Tinext ko di na nagrereply.
Tinawagan ko, di sumasagot. Edi nagsuklay ako
tapos nung palabas na ko ng kwarto... HAPPY
HAPPY 18th BIRTHDAY!!! Nagulat ako. Tapos may
pa-tarpaulin pa hahaha Nandun family ko
syempre, 2 kong bestfriend at sya kasama family
nya. Tapos lumapit sya sakin, "o ano? Bitin kaba
kanina? Halatang inis na inis ka e" *tumawa sila
lahat*. Nahiya ako tapos napatungo na lang ako
na nakangiti. Bigla syang lumuhod. Omgg!
Proposal? Sabi ko sa isip ko. Lol. "Will you be my
gf?". Tumili na silang lahat. Tapos tumingin ako
kina mama, papa at sa kuya ko. Halatang masaya
sila. Tapos sabi nung kuya ko, "sigi na. Para di
mo na ko kinukulit tuwing gabi habang
iniimagine mo kung paano pag naging kayo"
Nakita ko na gulat sya. "Totoo?" Tuwang tuwa
sya. Sabi ko oo. Edi yung ngiti nya sobra sobra
na. Kakainlab! "Edi tayo na?" "YES". Tumayo sya
at niyakap ako na tuwang tuwa. Tapos niyakap
nya family nya at family ko. Then kumain na
kami na sobrang saya. ~ Lagi kaming pumupunta sa kapilya, sabay nagpapanata. Pag may problema ko umiiyak ako sa kanya tapos dadalhi nya ko sa kapilya. Pagkatapos bibili sya ng ice cream. Hehehe. Tapos sa sobrang kulit nya bigla nalang akong mapapangiti at mapapatawa. Lahat talaga gusto ko sa kanya. Sa pagiging makulit nya, sweet, maalaga at higit sa lahat ang pagiging mananampalataya.
After namin mag 2 years, kinausap nya ako at
ang family ko. Nakikipaghiwalay sya kasi lulusong na sya sa banal na ministeryo. Habang
gumagawa ako ng salaysay, di ko mapigilang
hindi maluha. Iiwan na nya ko! Alaala na lang
ang maiiwan sakin. Tapos kiniss nya ko sa noo
"wag kang mag-alala. Di kita kalilimutan" then
umalis na sya. Sa tuwing makikita ko sya sa
kapilya, nakaputi na sya, hindi na yung toga.
Tapos babati na lang sakin ng "magandang
umaga/hapon/gabi po" pag magkakasalubong
kami. Tapos aalis na. Nag iba na sya. Mukhang
hindi na sya yung makulit na nakilala ko.
Hanggang sa umalis na sya sa lokal. Umiyak ako
ng umiyak. Sobrang sakit! Wala na ko kasama sa
mga aktibidad, wala ng nagtetext sakin para
magpaalala bago tumupad, at higit sa lahat wala
na kong kasama pag pumupunta sa kapilya para
magpanata. Umiiyak ako palagi pag nasa kapilya
tapos humihingi ako sa Ama ng lakas ng loob na
makayanan ko to. Pagkalabas ko okay na ko.
Malakas na ulit. Pero pag madadaanan ko yung
ice cream, naiiyak ako. Alam nyo yun? Yung lagi
ka nyang binibili nun pagkatapos nyo
magpanata. Pero ngayon wala na sya. Nung
family week nilang mga *e*, nakita ko sya sa
kapilya. Tapos ngumiti sya at umalis na. Tinawag
ko sya. Tumingin sya. "Bakit po?", "Hihintayin
kita" *teary eyes*. Kita ko sa mata nya yung
pagkagulat at lungkot. "Wag kang umasa.
Masasaktan ka lang. Wag muna yun yung isipin
mo" tapos tumalikod na sya. Para kong
binuhusan ng malamig na tubig nun. Hindi ko
naramdamang tumutulo na pala yung luha ko.
Pumasok ulit ako sa kapilya at doon ako umiyak
ng sobra habang nananalangin. Damang dama ko ang Ama. Pagkatapos nun
umuwi na ko. After ilang years, graduate na sya.
Araw araw akong nag-iintay dahil baka pumunta
sya sa bahay o sa kapilya. Na baka babalikan nya
na ko. 6 months na pero hindi ko pa sya nakikita
sa lokal. Nawalan na ko ng pag-asang babalikan
pa nya ko. May mga nanligaw sakin pero hindi
ko gusto. Sya lang kasi talaga yung gusto ko pero
mukhang wala na! Umiiyak ako ng umiiyak lalo
na sa mga pagpapanata ko. Yung puso ko durog
na durog na. Pag-uwi ko sa bahay na maga ang
mga mata. Nakita ko family ko at SIYA! Nakaupo,
mukhang ako na lang ang iniintay. Bigla akong
sumaya ng sobra at ang puso kong durog na
durog, biglang nabuo! Tumayo sya. Naiiyak na ko
sa tuwa. "Bakit maga mata mo? Tapos iiyak ka na
naman?" Kiniss nya ko sa noo at niyakap ng
mahigpit. Lalo akong naiyak at niyakap ko din
sya ng mahigpit. Sabi ko "Akala ko may iba ka
nang hiniling e! Alam mo bang iyak ako ng iyak!
Ang sakit sakit!". "Ssh. Pwede ba yun? E binhi
pa lang tayo ikaw na gusto ko." Sabi ko naman,
"e malay ko ba kung may nagustuhan ka dun na
MAS sakin". "Ikaw talaga. Dami mo pang iniisip
e nandito na nga ko. Tsaka alam mo, kahit may
mas pa sayo, ikaw lang ang gusto ko. Sayang
naman yung paghihirap ko noon para mapasagot ka kung hindi din kita babalikan diba? Mahal na mahal kaya kita." Grabe yung saya ko nun. Sinagot ng Ama yung mga pagpapanata ko. ~ Nagpaalam ulit sya sa family ko kung pwede na akong mahiling tapos pumayag naman sila. Pero nasa akin pa rin daw yung desisyon. Pero tatanggi pa ba ko e ilang taon ko syang hinintay so um-oo ako. At ayun, palagi kaming nagpapanata sa kapilya. At nung birthday ko, pumunta kami sa kapilya para magpasalamat, magpanata. Damang dama ko sa mga panalangin nya yung sobrang pagmamahal nya sakin.Napakaswerte ko sa kanya. Pagkatapos manalangin sabi nya "Salamat sa pag-iintay mo sakin kahit na nahirapan ka. Salamat dahil ako yung pinili mo. Pangako ko sayo, aalagaan kita at
mamahalin habang buhay. Ikaw ang makakasama ko sa loob ng ministeryo at sa pagpupuri sa Ama." Tapos kinuha nya sa bulsa nya yung kahon ng ring. "Mahal, sigurado na ko sayo. Ikaw ang nasa Kawikaan 19:14 ko. Will you marry me?". "YES" habang mangiyak ngiyak na ko sa sobrang saya. Tapos nagyakapan kami at kiniss nya ko. Ilang buwan na lang ang iniintay natin Mahal. Iloveyou. Worth it yung sakit at mga pagluha ko dahil ang kapalit nun, habang buhay kang makakasama.
--
Ps. Umasa ka at kinilig noh? Wala joke lang yan. Oo. Kathang isip ko lang yan. Masyadong malawak imagination ko e. hahaha. Umasa na naman kayo. sorna agad. hahaha.
Tokimiku
NotFromNEU
Share nyo mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Ni Dhine Franklin
HororAko si Dhine Franklin Arjona 14 years old pa ako pero ang aking mukha ay parang matanda na may 5 akong crush pero hindi nila ako gusto. Narito ang kwento ko basahin na natin.