Chapter 7

155 8 3
                                    

Lumipas ang mga araw ng normal. School, trabaho lang ang ginagawa ko.

Hindi ko alam ang nangyari kay Joaquin at Nash, Di na sila nagparamdam pero maayos na din yun para maging tahimik ako.

Sabado ngayon, Wala si Alexa lumabas ata kasama si Jairus

Nanunuod akong tv na may nagdoorbell, gabi na kaya nagingat ako sa pagbukas baka magnanakaw o masamang elemento, nagulat ako sa bumungad sakin isang naka black na cap na si Nash Aguas na nakasuot na white shirt at jogging pants na grey with tsinelas

"Nash?? Nas--hh?" Utal kong sabi.

"Hi." Kaway niya. "Anong ginagawa mo dito? Baka makilala ka." Tinignan ko ang paligid pero wala naman, sa di kalayuan ay may bodyguards. Niyaya ko siyang pumasok

"Nandito lang ako para magsorry sayo, matagal kasi kaming naging busy. Yayayain sana kita sa mall" sagot niya. Napatingin naman ako, "Saan? Mall? Anong gagawin doon?" naguguluhan kong tanong dahil baka may makakita sa kanya

"Basta tara na." Pinatay niya ang tv at hinila ako, tinuloy tuloy niya akong hinila hanggang makasakay kami sa kotse niyang Jaguar.

"Teka, yung bahay namin!" Pag-alma ko sa higit niya.

"Huwag kang mag alala, may pinaiwan akong guards para magbantay" sagot niya.

"Paano pag dumating si Alexa? Wala ako sa bahay!" pagmamaktol ko. Tinignan ko siya para siyang nainis at sumenyas na shut up. So shut up na lang ako.

Pinagmasdan ko na lang ang paligid at natuon ang pansin ko sa katabi ko na busy tumingin sa labas ng bintana, napatingin ako sa suot kong shorts na grey na di naman kaiklian at black longsleeves croptop at tsinelas hindi naman kami nagkakalayo.

Huminto kami sa isang tahimik na mall, teka alam ko to ah. Sikat tong mall!

"Nash? anong ginagawa natin dito? pwede namang sa SM o ano pa man eh ang mahal dito!" Pagmamaktol ko ulit at for the second time, sumenyas ulit siya na shut up at may kinuhang white na cap na kagaya sa kanya at sinuot sakin.

Hila hila niya ako habang naglalakad kami sa loob ng mall, lahat ng tao na nandito ay puro mayayaman, may mga artista kaming nakasalubong pero hindi kami napansin dahil nakayuko si Nash, siguro nahihiya siya na makitang kasama ako.

Tumitingin sila sa akin, siguro dahil sa damit ko. "Nash" pigil ko sa paghila niya.

"Bakit?" baling niya sakin di niya padin binibitawaan ang kamay ko, kaya napatingin ako sa dito at napansin niya, kaya kaagad niyang binitawan ito

"Ano bang gagawin natin?Dalian na natin para makauwi na ako" Di ko na lang pinansin ang nangyari. Hindi niya ako sinagot, dinala niya ako sa Mac Center.

"Bibili tayo ng phone?" Tanong ko habang tumitingin siya ng mga nakahilerang phones, naalala ko yung cellphone ko, hindi pa pala ako nakakabili.

"Tulungan mo akong bumili ng regalo kay Joaquin, alam kong close kayo. Wala akong maisip eh." Sabi niya.

"Birthday niya? Kailan?" Tanong ko

"Sa thursday" Sagot niya. Saturday ngayon, 5 days na lang. Nagawi ang tingin ko sa isang iPhone, Color Pink siya. Kaya lang napabitaw ako ng tinignan ko ang presyo. Hindi afford ng pera ko, Ayaw ko namang humingi kay mommy.

"Ito ba? Ayos na?" nagulat ako ng sumulpot si Nash sa gilid ko at pinakita ang isang headphone. Tinignan ko ito, mukha namang maganda ito at mukha ding mamahalin kaya tumango na lang ako.

"Sige" Sabi niya at umalis siya para magbayad, At ako naman, Tinignan ulit ang phone.

Tinawag ako ni Nash na tapos na siyang magbayad may dala na siyang malaking paperbag na may tatak na MAC Center

Torn Apart (NashLene,JaiLene,SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon