Nagising ako ng naramdaman kong huminto ang sasakyan namin, napansin kong madilim na rin
"Oh gising kana pala, Nasa tagaytay na tayo" Nanlaki ang mata ko. "Tagaytay?! Hala naman! Ang tagal na byahe nito pabalik! 7 na!" Maktol ko.
"Hep, huwag kang mag alala, ako bahala before 12 makakauwi kana" Pagtigil niya sa akin, sabay baba niya para pagbuksan ako ng pinto.
Natanaw ko ang isang clubhouse, mukhang doon kami pupunta.
Tama ang hinala ko, Pagkapasok namin ay tanaw na ang Taal dito. Maganda dito. Halos vintage ang mga gamit, pero ang cool lang tignan.
"Lugar namin ito ng H5, Gusto kong makilala mo ako bilang Joaquin na katulad mong simpleng tao, at hindi bilang Joaquin na miyembro ng H5" Biglang niyang sabi sa likod ko.
Tumingin ako sa kanya. "Tara nandoon sila" sinundan ko siya, di pa kami nakakalapit sa pupuntahan ay rinig na rinig ko na ang kulitan
"Oh Red nandito kana pala, Naunahan mopa si Na--" Natigil ang sinasabi ni Brace ng napansin ako.
"May kasama ka pala, Sino siya?" Tanong naman ni John
"Di niyo na siya naaalala?" Tanong pabalik ni Joaquin este ni Red
Tila nagisip ang tatlo at sabay sabay nagsalita
"Si Mallshow Girl!" Nagtaka akong tumingin kay Red. Lumapit naman agad si Red sa tatlo at isa isang pinagbabatukan
"Aray!"
"Ano ba Red!"
"Bwisit ito!"
Reklamo nilang tatlo.
"May pangalan siya, Hindi siya Mallshow Girl. Siya si Sharlene San Pedro" Pakilala sakin ni Red. Ngumiti ako. "Hi" Bati ko sa kanilang tatlo. "Pagpasensyahan niyo na si Red, Teka bakit Mallshow Girl?" Tanong ko sa tatlo.
"Ah kasi -" Pinigilan ni Joaquin sa pagsasalita si Grae. May binulong si Red sa tatlo at tumigil naman sila.
"Nasan nga pala si Nash?" tanong ni Red ng naging okay na ang tatlo, Naglalaro na sila ng PS4, NBA 2K15
"Ewan ko doon." sagot ni Brace
"Siya nga pala Sharlene, magiingat ka sa kaibigan namin, matinik yan" Biglang sabi ni John
"Ano ba John" suway ni red at binato ng unan si John
"Okay lang, mukhang safe naman ako" Sagot ko.
"Naks naman! Yan ang Fafa Red namin" Biglang sabi naman ni Grae
"Gago" Asar na sabi ni Red
"Shar, alam mo paano maglaro nito?" Tinanong ako ni Brace
Tumango ako. "Naglalaro ako niyan" Sagot ko.
Inabot niya sakin ang controller at inabot naman ni John kay Red ang controller"Laro nga kayo" Hamon sakin ni Brace
"Sige ba." Lakas loob kong sabi.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng biglang may dumating, di ko pinansin dahil busy kami ni Red na maglaro
Tumayo si Grae at naiwan kami
"Buti naman Nash, dumating ka rin" rinig kong sabi ni Grae. Bigla akong naexcite na ewan, dahil doon, nalamangan ako ni Red.
"Ay Shar, galingan mo naman" Sabi sakin ni John
"Kilala mo naman ako, Inaantok palagi" Rinig kong sabi ni Nash. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa, at lalo akong nataranta dahil dito, natalo ako.
BINABASA MO ANG
Torn Apart (NashLene,JaiLene,SharQuin)
FanficMeet H5 o Handsome 5, isa sa matagumpay na boy group sa bansa. Ito ay sina Nash, Joaquin, Grae, John at Brace. Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ni Sharlene na isang simpleng babae?