Sa Boarding House

619 4 0
                                    

Nung College ako sa province ako nag-aaral, malayo ang bahay ng lola ko kaya nagboarding house na lang ako. Dun ako nag-board sa pinagboboardingan ng classmate ko. Okay siya hindi mukhang boarding house bahay lang talaga siya at maraming kwarto. Napili kong kwarto sa baba at ako lang mag-isa dun dahil ayoko ng may kasama. Dalawa lang kwarto sa baba sa taas ay 7 kasama yung library room ng may-ari. Sa kabilang kwartong katabi ko minsan lang taohan dahil laging umuuwi yung bordmate ko.

Unang gabi ko dun okay naman maayos naman tulog ko. Malapit na pasukan nun, maaga kasi ako sa boarding house kaya ako una boarder dun, nadagdagan na mga boarders. Naging close ko din naman lahat ng mga boardmate ko. Pagkagabi lage kami nagtititpon sa may terrace sa taas. Malapit sa terrace ay malaking puno ng macopa na lageng namumunga. Nagkwento ang isang boardmate ko na nakaraang gabi daw pag cr nya (nasa baba kasi cr malapit sa lababo) npansin niya daw yung isa kong boardmate sa may lababo. Tinanong niya daw to kung bat gsing pa at nakatayo lang sa lababo. Medyo antok pa daw siya kaya di na niya pinansin kong sasagot ba o hindi nag-cr na siya. Nagulat naman ang boardmate ko kasi di naman daw siya bumaba kagabi. Kinilabutan kaming lahat kasi nga lage daw nila naririnig ang study table sa baba which is harap lang ng kwrto ko na lage daw tumutunog na parang may naghihhila.

Hanggang sa oras na ng tulog namin hindi ako mapakali siguro natatak na sa isipan ko yung mga kwentohan nila. Nakatulog na din ako mga madaling-araw nagising ako sa tunog ng upuan my humihila. Natakot ako kaya ginawa ko nagpa music ako gamit cp ko hanggang sa nakatulog ako. Gabi-gabi parang kalbaryo sa akin dahil natatkot talaga ako lalo na pag walang tao sa kabilang kwarto.

Katgalan nasanay na din ako kaya okay na sa akin. Isang araw habang nasa kusina ako kasi tinitingnan ko yung may-ari gumagawa ng yema at nag-uusap din kami bigla na lang sumigaw mga boardmate ko. Kaya naman dali-dali akonng umakyat para maki-uchoso. Nakita kong iyak ng iyak isa kong boardmate at nanginginig siya sa takot. Nang kumalma siya kweninto niya na papunta sana siya ng terrace para dun magreview ng nahinto daw siya bigla dahil nakita niyang may babae sa terrace naglalakad papunta ng puno ng macopa . Naka-itim daw to lahat at may belo bigla daw itong tumingin sa kanya at pulang pula daw ang mata. Nag-kwento din ang isa kong boardmate na lage daw siya nananaginip na may babaeng naka-itim sumusunod sa kanya sa eskwelahan. kinalabutan na naman ako kaya naman nakitulog nalang ako sa kwarto ng  boardmate ko.

Pagkabukas gusto ng kuya ng boardmate ko na ipaputol ang puno baka dito galing ang babae. Nalaman din ito ng kapitbahay namin na matagl ng nakatira doon. kwento niya na ang may-ari daw ng bahay na yon dati ay isa sa mayaman sa lugar na yon mahilig daw itong mag=piano. Nagulat na lang daw sila nang lage nilang naririnig ang sigawan ng mag-ina ang anak pala nito ay nalulong na sa masamang bisyo. hindi daw nakayanan ng may-ari nagbigti ito. benenta ng anak ang bahay at yun na nga nakabili ay ang landlady namin ngayon. Minsan pag mag-isa ako sa terrace talagang malakas pakiramdam ko na may ibang tao dun. 

Mga kwentong kilabot (true experiences)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon