Sa Bahay nila Pinsan

638 5 0
                                    

Ito ang pinaka una kong experience.

Tuwing bakasyon dun ako sa bahay ng pinsan ko nagbabakasyon. Palipat lipat sila ng tirahan. First time ko pa lang nakapunta sa bago nilang nilipatan. Pagdating ko doon yung tatlong pinsan ko lang ang andun kasi may trabaho tito at tita ko. Maganda naman ang bahay at malinis dahil ang tita ko ay talagang malinis sa bahay. Up and down ito at may terrace sa taas. Nagkwentohan agad kami ng pinsan ko "ate kat alam mo ba si amy may kalaro daw siya" balewala lang sa akin tska normal naman yun na may imaginary friend ang mga bata pinakinggan ko lang siya " tapos nun one time paakyat si mama sa taas nakita niya daw si amy sa hagdan nakaupo sinabihan nya daw itong umakyat na at matulog pero di siya pinansin pag.akyat nya sa taas andun si amy sa taas naglalaro nagtaka si mama" "baka naman namalikmata lang siya" sagot ko.

Pagkagabi maaga kami natulog dahil napagod kami sa harutan namin. Bandang ala una o alas dos ng madaling araw naalimpungatan ako dahil mainit. May bintana sa loob ng kwarto sa may bandang terrace. Dumapo tingin ko dun kasi baka sarado kaya mainit. Pagtingin ko may nakatayo dun akala ko tita ko lang kinukuha mga sinampay pero hindi ito gumagalaw nakatayo lang ito at nakatalikod at ang puti ng damit niya mahaba ang buhok. Kumurap ako dahil baka namamalikmata lang ako pero kinilabutan ako, nanlamig buong katawan ko kahit pawis ako. Gusto kong gumalaw pero di ko magawa pati ang sumigaw. Para itong lumolutang sa ere ayoko gumalaw at baka biglang lumingon.babae talaga ito. Pinikit ko ang mata ko para makatulog.pagkabukas umuwi na agad ako sinabi ko sa kanila ang nakita ko. At sabi nila baka yung kaibigan daw ng pinsan kong si amy yun. Yun na ang huli kong punta saa kanila. Sa ngayon nakalipat na sila ulit.

Mga kwentong kilabot (true experiences)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon