Hospital Experience

329 2 0
                                    

Nung napilay ang pinsan ko kinailangan siya dalhin sa hospital at operahan dahil grabe ang bali ng buto niya. Kami lang ng tita ko ang magbabantay nun sa pinsan ko dahil yun kapatid niya may pasok at si tito may trabaho. Private ang kwartong kinuha ng tita ko para komportable kami at ayaw ng tito ko dun sa ibang ward na maramihan dahil iba iba ang amoy. Unang pasok ko pa lang may kakaiba na akong nararamdaman. Pero balewala lang kasi sa isip ko wala namang namamatay sa hospital na to at s akwartong to. Nung inoperahan na pinsan ko hindi pa siya binabalik sa kwarto at nasa recovery room pa siya kaya kami na lang ng tita ko sa kwarto. Tita ko naman inaasikaso mga papel sa hospital kaya ako nalang minsan natitira sa kwarto.

Habang nag-aantay ako sa tita ko nanood nalang ako ng tv at sa lamig nga ng kwarto dahil todo ang aircon inaantok ako. Kaya naman di ko na napigilan inantok ako pero di ako makatulog ng mabuti kasi naman yung pinto sa terrace parang may gustong pumasok tunog ng tunog ang seradura, kaya tiningna ko wala namang tao. So balik na ako sa kwarto para umidlip uli maya maya parang may naglalakad at nagbubukas ng pinto sa cr kaya di rin ako masyado nakatulog. 

Balewala lang sa akin nun nangyari ng araw na yun. Pagkabukas  ako uli naiwan sa kwarto kasi yung tita ko inaabangang lumabas pinsan ko sa recovery room. Nag-cr ako dahil nga sa tawag ng kalikasan pagpasok ko ng cr nagla=lock ako kasi nga mga janitor pumapasok sa kwarto at naglilinis. merong timbang malaki sa may bandang showeran punong puno ito ng tubig.Habang nakaupo ako at nagbabawas bigla nalang parang may humampas sa tubig ng timba at yung ibabaw ng tubig nito nabawasan kaya kinabahan ako. Kahit natatakot na ako nagbabawas parin ako at inisip ko na lang nagkataon lang. Pagkagabi habang kumakain si tita at nakaupo sa sofa hawak niya ang macaroni soup bigla nalang itong natapon at sinabi na bigla nalang daw parang humampas ng hawak niyang pagkain eh ang higpit daw ng hawak niya natapon ito. Medyo iba na talaga pakiramdam ko at minsan nagigising ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

The next day dumating dalwang pinsan ko kasi yung tita ko umuwi muna saglit so kaming tatlo ang naiwan. Tuwang tuwa naman kami kasi nga tawanan lang mangyayari sa amin nito. Kwentohan lang kami at tawanana kahit yung pinsan kong kakaopera lang nakikijoin sa kalokohan namin.nakikisayaw. mayamaya  sa pagod namin nakinig nalang kami ng radyo kasi alas 12 narin yun at medyo inaantok narin kami. Maya2 biglang tumunog ang seradura ng pinto sa terrace natakot kami kasi parang may gusto bumukas nito. Maya maya naman sumigaw pinsan ko dahil bigla namang tumunog pinto sa cr. At yung tabo parang hinahampas sa timba. Sa takot naming lahat nanalangin na lang kami. At hindi narin kami masyado makatulog dahil sa takot. Pagkabukas pinagsabihan kami ng tita namin na baka daw ang ingay namin kaya ganun.

Hindi namin alam kung anong background ng hospital na yun. At talaga namang nakakatakot ang gabing yun.

Mga kwentong kilabot (true experiences)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon