Chapter 3

85 1 0
                                    

Chapter 3

Lumapit ako sa kanya at sinabing "Do you think playing with me is fun?"

"Bakit sino ba ang may sabi sayo na maniwala ka sakin. Pati kaibgan mo yung tao tapos hindi mo alam ang pangalan. Anong klaseng kaibgan ka?" he made a small chuckle. Ugh. This guy! But those eyes, their really something.

"Hindi mo naman ako kailangan ipahiya eh!" ugh. Kapal nya.

"Kasalan ko pa yun? Pasalamat ka nga nag bigay ako ng pangalan eh." bastos to a. I smacked him right in the head.

"What the? What was that for?"

"You consider that help? Eh sa ginawa mo napahiya nga ako."

"Its not my fault." he shrug.

"Not your fault? Dang. Ang galing mo rin no? Ass!" then umalis na ko.

Ano bang ginawa ko at pinahiya nya ko? Hindi ko nga sya kilala eh, tapos ganun sya? Lintek naman oh! Ayoko ng pinapahiya ako! Tssssss.

"Georgie, bakit ganyan ang muka mo? Badtrip?" si Carrie pala yun.

"Ah wala, ayoko kasi maging President, tapos baka hindi ko maabot yung expectation nyo." partly true pero naiinis ako sa lalaking yun.

"Ano ka ba, wala yun. Pati andyan pa naman yung ibang officer's para tulungan ka e." tumango na lang ako.

"Tama ka, sige una na ko ha?" mag papalamig lang ako ng ulo.

Hindi ko alam kung san ako pupunta umakyat na lang ako ng hagdanan hanggang makarating ako sa roof top ng school.

Buti pa dito tahimik walang asungot na lalaki na mangugulo at ipapahiya ka. Tumingin ako sa baba you can really see the school from up here, kita mo rin yung mga students na nakikipag usap, then I looked at the sky. Bakit ang peaceful ng langit? Sana ganun din ang buhay ko, kaso haaay, dagdag pa yung lalaking yun. Ang weird!

What's with him? Nung nasa court kami ang bait nya sakin, dahil ba nandun yung mga kaibgan nya? Alam kong mali yung binigay nya sakin na pangalan pero nung sinasabi nya un hindi naman masungit. Tapos pinahiya nya ko sa mga classmates namin? Ano bang problema nya?

Pero sa totoo lang may itsura sya, tapos yung mata nya ang ganda. Kaya pag kausap ko sya gustong gusto ko tumitig sa mata nya, there's something about his eyes ang gentle nyang tingnan kaya pag tumingin ka gustong gusto mong tumitig. Nako, bakit ko ba sya iniisip?

*THUMP

Anong eksena naman yan? At biglang tumalon ang puso ko, parang ewan lang eh. Makaalis na nga.

Wayde? I saw him sitting in the corner. Akala ko ba nasa baba sya? Baka naman pumasok sya habang nag mumuni muni ako. Ang sarap nyang titigan, yung mukah nya ang soft, he seem so peaceful. Right when I was about to leave nakita kong parang may tumulo sa muka nya? Luha ba yun? Pinahid nya. Umalis na ko dun.

Bakit naman sya iiyak? Baka naman pawis yun, mainit naman sa rooftop pero mahangin naman. Nako, pawis lang yun. Ang lalaking yun iiyak? Asa pa.

"Ano Georgie ayos ka na?" nagulat ako dun. Bigla bigla na lang sumusulpot tong si Katie.

"Ha? Bakit hindi naman ako magiging ayos?"

"Sabi kasi ni Carrie BV ka daw kanina." tss. Daldal ni Carrie a.

"Ah yun ba? Ayos naman ako. Tara na sa room mag titime na din eh." yaya ko sa kanya.

"Canceled na daw ang klase may meeting daw ang mga teachers, pero bawal pang umuwi."

Ano naman yun? Canceled tapos bawal umuwi? Arte naman ng school na to. Tsh.

"Ano naman yun? Bawal umuwi eh wala na naman tayong gagawin eh. Makakauwi pa tayo ng maaga."

"Makakauwi kami, pero ikaw hindi."

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"May meeting ka kasi. Kakasabi lang sakin nung president ng kabilang room lagi ka kasing nawawala." sabi nya habang nailing.

Nakakainis naman. Kala ko makakasama na sa mga kaibigan ko yun pala hindi.

"Anong oras ba daw ang meeting?"

"Alam ko 30 mins from now mag stastart eh."

"Nako. Tara na nga sa room. Aayusin ko na yung gamit ko para naman pupunta na lang ako sa meeting tapos uuwi."

"Sige."

Malapit nanaman kami sa room eh.

"Oi, Georgie, Katie! Mag lalaro kami ng volleyball gusto nyo sumama?" tanong ng isa naming classmate.

"Sige, sama kami." sabi naman ni Katie.

"Kayo na lang, may meeting pa kasi kami." sabi ko.

"Eto naman mamaya pa naman yun ah?"

"Ayoko malate no." sabi ko.

"Bahala ka nga. Dyan ka na."

"George, baba ka na lang sa court pag gusto mo lumaro ha? Sige." sabi nung isa ko pang classmate bago sila umalis.

Kinuha ko yung gamit ko sa shelves sa likod ng room. Inilagay ko yung iba sa bag ko tapos lumabas ng room para pumuntang locker area para ilagay dun yung books ko.

Ng malapit na ako sa locker area, naririnig ko yung mga babae na nag titilian at parang kinikilig lumapit ako kung san nag kakagulo pag tingin ko si Wayde at isang lalaking gwapo, sobrang gwapo niya.

"Grabe, ang hot talaga ni Wayde." sabi nung babae na nasaunahan ko na kilig na kilig.

"Nako, kung kami lang ang tao dito nayakap ko na sya. Ihhh." isang babaeng maarte ang nag salita.

"Mahihimatay na ata ako sa sobrang kahotan niya."

"Ako nga din."

Blah blah. Muka lang ang nakikta ko kaya tumiad ako. Topless si Wayde? Hindi ba sya nandidiri at binabalandra nya yung katawan nya? Mukah pang tuwang tuwa. Kadiri naman oh. Hindi na nahiya. Umalis na ako at pumunta sa locker ko. Niligay ko na yung books ko at sinira yung pinto ng locker ko.

"Ahhhhhh!" freaky doodle dow! Ang gulat ko.

"Ganyan na ba ako kagwapo at ang lakas ng impact ko at napatili pa kita?" grabe ang hangin.

"I have no time for you." sagot ko at nag lakad na pabalik ng room.

Humarang sya sa harapan ko. "Bakit ba ang taray mo?"

"Hindi ako mataray, sakto lang na pag nakikita kita nainit ang ulo ko." sabay tulak sa kanya patagilid pahara hara.

"Saglit." hinawakan nya ko sa braso, binigyan ko sy ng pag-hindi-mo-ko-binitawan-patay-ka-sakin look, binitawan nya ko. "Malalate daw ng 20 mins ang start ng meeting." sabi nya sabay alis. Nakita ko syang naphawak sa batok nya, at may mga babaeng sumusunod sa kanya.

Umupo ko sa desk ko, nilabas ang phone ko.

To:DR

Hoi!:) I miss you so much. Text me, ok? ILY.:* Ingat ha?

*Message Sent

Ugh! I miss DR! Ang tagal na nyang hindi nag tetext, busy siguro? Nako.>.<

Mag statart na din ang meeting, buti na lang din at sinabi ni Wayde na malalate ang start kundi tutunganga lang ako dun. Bumaba na ko at punta sa auditorium. Pag sara ko ng pinto at pag lingon ko lahat ng tao nakatingin sakin? Bakit sila nakatingin. Napansin ko na may nag sasalita na sa may stage at binigyan nya ako ng isang napaka sweet na glare. May sweet ba na glare wala naman diba? Ugh! Pinag titinginan talaga nila ko, hanggang ngayon! Bakit ba Mississippi! Late na ba ko? Dali dali akong umupo pero nakatingin parin sila sakin.

"Kanina pa ba nag start ang meeting?" tanong ko sa katabi ko.

"Kanina pang 15 mins." sagot nya.

Huh? Pe-pero sabi ni Way- Freakin noodles! He did this on purpose.

___________________________________________________________________

VOTE, LIKE, COMMENT and BE FAN!:D

Me and You fighting for this DESTINY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon