13.~ILOCOS~

443 21 2
                                    

Ronnie's POV
Andito ako ngayon sa kwarto kasama si Sue hindi ko akalain na magkatabi pala kami sa iisang kama siguro dahil na rin sa pagod. Nagtext din kahapon ang manager ng Hashtags 3 months kaming bakasyon,ayos na din yun para lalo ko pa syang makasama. Sa ngayon hahanap muna ako ng lakas para sabihin ito kay Sue pati na din kay Loisa.

Ito ako ngayon tinititigan lang siya ang matangos nyang ilong ang mapupula nyang labi at ang mga pilik niyang pagkapila-pilantik. Iniisip ko din na hindi ko sya naipaglaban noon natatakot ako na baka layuan niya ako. Mas mabuti pa magreready na lang ako sakto kasi may dalawa akong ticket ng trip to Ilocos siya lang kasama ko at kami lang dalawa sa buong isang linggo.

Ronnie tawag niya sakin habang nagkukusot ng mga mata niya
Bakit? May problema ba? tanong ko sa kanya at biglang nagulat ito ng makitang nakahiga siya sa aking nga braso
Waaahhh! Manyakis! Manyakis! Bakit ako nandito ha?!! pagsigaw niya sakin at hinampas-hampas ang aking braso
Okay kalma! Wag ka nga diyan wala akong masamang ginawa noh at saka sa mukhang toh matino ako okay?! sabi ko sa kanya habang pinipigilan sya sa paghampas sa braso ko
Utut mo! Hindi mo ako maloloko! sabi nya sakin at patuloy pa din sa paghampas sa akin
Sige hampasin mo pa din ako! Hindi kita isasama sa Ilocos! sabi ko sa kanya at bigla itong napatigil
Ano? Pupunta tayong Ilocos,yehey! sabi nito at naglulundag sa kama
Kalma baka masira yung kama sabi ko sa kanya at napanguso naman ito dahil sa pagkahiya
Grabe ka naman sa sexy kong ito! Wag ako Ronnie sabi nya sakin at kitang kita pa din ang pagkasabik sa kanyang mga mata
Magready ka na para mamaya mamimili na lang tayo para bukas sa pag-alis natin mahinahon kong sagot sa kanya at nagready na kami parehas pupunta kami ngayon mall ang saya ko kasi kasama ko sya dalawang buwan nya ako pagsisilbihan kaya sinusulit ko na at sa dalawang buwan na yun hahanap na akong paraan para masabi sa kanya ang tunay

Sue's POV
Ito ako ngayon naghahanda at pupunta kami sa mall ni Ronnie,ilang linggo na din kaming magkasama malapit na akong matapos sa paninilbihan sa kanya. Naiimagine ko na din ang pagpunta namin sa Ilocos, paborito kong lugar doon kasi ako lumaki noon medyo hindi ko na din tanda ang mga nangyari noon hindi ko nga din alam kung may mga kakila pa ako sa Ilocos. Ang saya lang kasi makakabalik na ulit ako sa Ilocos,pero hindi lahat ng nangyari doon ay masaya dahil sa pagdedesisyon ni Papa na sa Parañaque na kami titira hindi ko din alam ang naging dahilan halos wala na akong matandaan sa mga nangyari sa akin noon.

Ang lalim ata ng iniisip mo sabi sakin ni Ronnie
Ah wala haha,masaya lang ako kasi makakabalik na din ako sa Ilocos sabi ko sa kanya
Ha? Anong meron ba sa Ilocos? tanong nya sa akin
Doon kasi ako lumaki tapos lumipat na kami sa Parañaque kwento ko sa kanya
Ah sige sandali lang ha liligo na ako maligo ka na rin para maaga agad tayo makauwi saad nya sa akin at agad naman akong kumilos para maligo na din

Ronnie's POV
Ito ako ngayon naliligo na hindi ko akalain na kahit kaunti ay may naaalala pa rin sya sa Ilocos, oo dun sya lumaki at dun din kami lumaki ni Loisa gustuhin ko man huwag na lang pumunta doon pero kinakailangan dahil gusto ko kusa nyang maalala lahat ayaw kong mabigla sya kung sabihin ko man maaring masaktan sya at layuan nya ako at maghihirap nanaman ako upang mahanap sya.

Habang nagbibihis biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko agad ito

Ronnie? isang boses sa kabilang linya
Sino ito? Do I know you? tanong ko agad sa isang pamilyar na boses ng isang babae
Si Tita Selena ito mama ni Sue bigla akong kinabahan sa narinig ko sya ang ina ng pinakamamahal kong babae
Tita? Bakit po kayo napatawag? Paano nyo po nalaman number ko? sunod sunod na tanong ko kay Tita
Kasama mo ba si Sue ngayon? tanong nya sa akin
Opo bakit po? sagot ko sa kanya
Take care of her have a safe trip in Ilocos! See you there sabi nya sa akin at lalos kong ikinagulat nung sinabi nya iyon
*end call*

"The Only One For Me" (SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon