Kristel's POV
1 2 3 Inhale,exhale hindi pa din ako makapaniwala,nasa Ilocos si Sue,lugar kung saan sya lumaki at lugar kung saan madaming nangyari sa buhay namin. Ilan taon na akong kaibigan ni Sue pero hindi ko pa din maalis sa isipan ko ang nangyari sa kanya noon marahil isa yung nightmare sa kanya pero dapat lang na kalimutan nya. Bata pa lang kami mahilig na syang magadventure kung saan-saan,masayahin bata si Sue noon pero madaming nagbago nung lumipat sila ng Parañaque,madami ng bawal, hindi na din sya nakakapagadventure,home school na sya at takot sa mga taong hindi niya kilala. Madaming ipinagdamot sina Tita Selena at Tito Nelson kay Sue lahat ng bagay na dapat nararanasan ng mga bata hindi niya naranasan lalo na't hanggang ngayon wala pa rin syang naaalala tanging isang batang lalaki lang ang naaalala niya lagi niyang napapanaginipan pero hindi niya alam kung ano ang pangalan nito lagi niyang sinasabi na kababata nya daw yun bagama't huli na din naman bago ko makilala si Sue,nagkakilala lamang kami dahil nakita ko sya noon sa palaruan mag-isa lang at umiiyak kaya nilapitan ko sya noon ganito ang nangyariFlashback
Bata bakit ka naiyak? tanong ko sa kanya
Wala na kasi akong kalaro eh huhuhu sabi nya habang umiiyak ito
Gusto mo laro na lang tayo sabi ko na ikinatuwa naman niya kaya naglaro na lang kami at dun nagsimula ang pagkakaibigan namin
End of FlashbackMinsan naaawa din ako sa kaibigan ko kahit mayaman sila kahit lahat ng luho nya nasusunod pero laging wala ang parents nya for her tuwing sasabitan ng medal lang sila nagkakaroon ng time for Sue pagkatapos wala na back to work na ulit pakiramdam nya hindi na nya kilala ang mga magulang niya. Kaya malayo ang loob niya sa mga lalaki ayaw nya na may manliligaw sa kanya kasi ayaw nya talaga pero laking gulat ko nung dumating sa puntong nagawa nya yun sa isang Ronnie Alonte na ipahiya sa harap ng madaming tao,pumayag na lang ako ng pahirapan nya ang kaibigan ko kasi gusto ko maramdaman ni Sue kung paano magmahal kung paano ang mainlove dahil sa talang buhay nya wala pa yang minahal ng sobra maliban na lang dun sa kababata niyang lagi niyang ikinukwento sa akin na hindi man lang daw niya maalala. Ikinatatakot ko na baka isang araw mahanap nya yung kababata nya pero may mahal na palang iba, iba kung masaktan ang isang Sue Ramirez sobra-sobra kung masaktan kaya sana habang nasa Ilocos sya wala muna syang maalala sa nakaraan.
A/N: Time check 11:50 yieee! May clue na ba kayo guys? Malapit-lapit na kasi matapos ang story huhu. Pero don't you worry madami pang chapters noh! Basta abang-abang muna ha! Iloveyou guys! Free to comment! Salamat sa inyo <3
-AgentViolet
BINABASA MO ANG
"The Only One For Me" (SueNie)
FanfictionNever give up on something you really want. lts difficult to wait, but worst to regret. Kaso sumuko ka at iniwan mo sya pero paano kung isang araw pagtagpuin ulit kayo ng tadhana paninindigan mo pa rin ba yung salitang " In the end, we only regret...