14.~Sunset~

330 22 3
                                    

Ronnie's POV
Andito na kami sa Ilocos sa mga kalsadang dinadaanan namin naaalala ko ang noon hindi ko maiwasan na isipin bigla na lang kasing pumapasok sa isip ko masakit man pero gagawa ako ng paraan para hindi na lumayo sakin si Sue, siguro ito na ang tamang panahon para humugot ako ng lakas para sabihin sa kanya ang tunay.

Ronnie! Tingnan mo yun oh! Ang ganda! sabi ni Sue na parang sobrang tuwang-tuwa sa mga nakikita
Oo nga haha! simpleng sagot ko na lang sa kanya
By the way gutom na ako :) pagrereklamo nya sakin hayss lagi na lang tong gutom parang may buwaya lagi sa tiyan
Maghintay ka lang malapit na tayo sa hotel kung saan dun tayo magistay for 1 week madaming pagkain dun paliwanag ko sa kanya at nakinig naman sya haha! nakakamiss kapag nag-aaway kami noon para syang batang inagawan ng lollipop

Medyo matagal pa ang biyahe kaya napagdesisyunan kong kumuha ng picture sa mga nadadaanan namin magagandang tanawin.

At ito na nga nadaanan na namin ang mga naglalakihang WindMill dito sa Ilocos sayang tulog kasi si Miss Eksena kaya ayan hindi niya nakita.

Andito na kami sa Sitio Remedios dito kami magchecheck-in maganda dito may swimming pool at may dagat na din kung saan pwede kang manuod ng paglubog ng araw. Hindi ko muna ginising si Sue andito pa din kami sa Van. Sinusulit ko na yung pagkakataon na titigan sya ng matagal sobra nya talagang ganda I want to kiss her forehead but I can't kasi baka magising sya she look so beautiful with her plain white shirt and ripped jeans haha kaso nakadollshoes sya parang bata. I decide to wake her up para makapaglibot na agad kami para buong oras sya lang yung kasama ko.

Agad kaming dumeretso sa silid na pagtutuluyan namin maganda at malawak ito good for 2 persons talaga.

Ang ganda dito sabi nya sa akin
Oo sobra so tara na dun sa cafe ni Ate Andara diba gutom ka na sabi ko sa kanya at agad ko itong hinila
Grabe ka naman makapanghila parang mangangalas mga kamay ko natatawang sabi nya sa akin pero di ko na lang pinansin kasi alam kong gutom na gutom na sya

Habang naorder ako naisipan kong yayain sya mamaya magpunta sa beach.

Ang dami mong inorder ah sabi nya sa akin
Alam ko naman kasing gutom na gutom ka na sagot ko sa kanya at sinimulan na ang pagkain makailan minuto naubos na nya ang pagkain na inorder ko for her

Dahil tanghali na naisipan namin maglibot muna sa buong lugar madaming pwedeng gawin dito sa Sitio Remedios hanggang sa nagyaya si Sue na maligo daw kami sa dagat so pumayag na lang ako. She look so beautiful with her Black RashGuard and board shorts, I decided to wear my Black RashGuard and also a board shorts para hindi ako mangitim. Habang naliligo sya umupo muna ako sa white sand dito sa seashore pinapanuod ko lang sya habang nageenjoy sya magtampisaw sa dagat

Oy Asungot! Maligo ka kaya dali! Anlamig ng tubig sigaw nya sakin
Mamaya na haha! sigaw ko din sa kanya
Dali na kasi! sabi nya at lumapit ito sakin para hilahin ako papuntang dagat wala na akong nagawa kundi makiligo na din sa kanya kahit basang-basa na sya ng tubig ang ganda niya pa rin bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Kumain muna kami ng pizza na pinadeliver ko ang takaw nya talaga kahit kailan pero hindi naman tumataba daya din ng katawan netong babaeng toh. Patuloy pa din kaming naliligo hanggang sa naghapon na at pagod na din kami parehas kaya niyaya ko syang manuod ng paglubog ng araw. Andito kami nakaupo sa tabing-dagat at inaantay na lumubog ang araw

Mahilig ka din pala manuod ng paglubog ng araw noh sabi nya sa akin
Oo,bakit? tanong ko sa kanya
Wala lang,mahilig din kasi ako pero nung bata lang ako kasi simula nung sa Parañaque kami tumira hindi ko na ulit naranasan yun lagi lang akong kulong sa bahay kwento nya sa akin at bigla naman akong napabuntong hininga
Ah ganun ba so ito na mararanasan mo na ulit sya sabi ko sabay ngiti binalikan naman nya ako ng isang napakalawak na ngiti mula sa kanyang mga labi
Oo nga salamat Ronnie ha sabi nya sa akin at nagulat naman ako
Ah wala yun hehe simpleng sagot ko na lang sa kanya

Sue's POV
Andito kami ni Ronnie ngayon sa tabing-dagat nanunuod ng paglubog ng araw. Sa ngayon gusto ko na magstay muna kami dito so naisipan kong tanungin sya ng mga bagay-bagay

Ahm Ronnie saan ka nga pala nakatira? tanong ko sa kanya
Hahaha! Sa Biñan,Laguna bakit? natatawang sagot nya sa akin pakiramdam ko nagfefeeling nanaman tong lalaking toh
Ah eh nasaan ngayon ang parents mo? sabi ko sa kanya at nagulat naman ito
Ah nasa Biñan may company kasi kami dun sabi nya sa akin
Naranasan mo na bang magmahal? tanong ko sa kanya ha teka? bakit? Ayt kung ano-ano nanaman ang nalabas sa bibig ko pero bahala na kung anong isasagot nya
Oo bakit? sabi nya sa akin
Wala lang,asan sya ngayon? teka sapol nanaman ako dun ah Sue ano ba?!!!
Kausap ko sya ngayon nagulat ako ng sinabi nya yun anak ng bibe naman oh nagbablush ba ako? no way this can't be
Ha? As in ngayon? sabi ko sa kanya
Oo at ikaw yun sabi nya omygulay Ronnie ene be!
Wag ako iba na lang corny ng banat mo ah sino nga?! sabi ko sa kanya
Oo nga seryoso ako ikaw yun :) sabi nya sabay ngiti nya sa akin
Alam kong nagjojoke ka lang :P pinipilit ko pa din na hindi ako ang mahal nya
Seryoso akong ikaw yun :) sabi nya sa akin at napakaseryoso nya talaga nung sinabi nya yun sakin
Okay hehe sabi ko na lang sa kanya
Gusto ko sanang itanong kung pwede kang ligawan sabi nya sa akin na ikinagulat ko naman may topak lang tong si Ronnie pero bukas cold na toh sakin promise
Bahala Ka haha sabi ko na lang sa kanya dahil para sa akin nagbibiro lang sya

Hanggang sa bumalik na agad kami sa bahay kung saan kami nagcheck in. Natulog na lang ako para makalimutan yung nangyari kanina.

A/N: Hello Guys! Sorry kung napakaikli ng update ha :) hihi. Happy Birthday nga pala kay Darren Espanto my baby haha! Salamat sa pagvote,pagread at pagcomment wag kayong mananawa ha salamat talaga <3 naasa ako na pumasok si Ronnie sa Dolce Amore omyg! Keep the Love guys no hate :) abangan ang next update :) naku! malapit-lapit na ang revelation

-AgentViolet

&quot;The Only One For Me&quot; (SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon