Chapter 4

12 1 0
                                    

NIKKI'S POV

Nagising ako sa tunog sa alarm ng cellphone ko. Kahit labag sa kalooban ko minulat ko ung isang mata ko para patayin ung alarm nakita ko rin na 5:30 am pa lang kaya bumalik ulit ako sa pagtulog.

Awtomatiko akong napatayo nang biglang may isang malakas na ring akong narinig. Napatingin ako sa cellphone ko na nag riring at nakita kong si charles lang pala ung tumatawag sasagutin ko na sana ung tawag nang napatingin ako sa oras sa lock screen ng cellphone ko.

"Shit! Late na ako" napamura kong sabi at dali dali ng kinuha ung tuwalya ko para maligo hindi ko na din pinansin ung tawag dahil narin sa pagmamadali ko.

Mabilisan akong naligo, nagtoothbrush at nagbihis hindi na ako nag suklay instead sinuot ko na lang ung cap ko at nilagay na lang ung suklay sa bag ko. Bumaba na ako at naupo sa sofa para suotin ung sapatos ko. Palabas na sana ako ng pinto ng maamoy ko kung ano ang ulam.

The fuck! bakit ngaun pa nagluto ng bacon si manang kung kailan late na ako at wala ng oras. Wala na akong nagawa kaya dumakot na lang ng limang piraso ng bacon. Kumuha rin ako ng lays at doritos sa may cupboard sa may taas ng stove at dumiretso na sa pintuan. Bubuksan ko na sana ung pinto ng may nag salita sa likod.

"Hindi ka na kakain nikki? Ano nanaman bang ginawa mo kagabi at late ka nanaman nagising ngaun?" Narinig kong sabi ni manang delia napaharap ako sa kanya at napakamot sa ulo.

"Hehehe, ano kasi gumawa po ako ng assignment ko kaya ganun" sabi ko kahit first day pa lang naman kahapon at hindi pa nag didiscuss ung mga teacher. "Cge manang babye na salamat sa bacon!" Mabilis na dugtong ko. Hindi ko na inaantay ung susunod na sasabihin ni manang kasi alam ko namang papagalitan nya lang ako at mabilis na dumiretso na ako palabas.

Pumara agad ako ng taxi at agad na sumakay.

"Manong Newton High po pakibilis lang po hehe" sabi ko at Nilabas ko ung cellphone ko para tignan kung anung oras na.

"Fuckshit papagalitan nanaman ako ni Ms. Agoncillo nito" pabulong na sabi ko sa sarili ko. Wala pa atang limang minuto na karating agad kami sa Newton High. Binigyan ko ng 200 si manong at sinabing keep the change na lang. Tumakbo na ako papuntang building nang makapasok na ako dumiretso agad ako sa classroom hindi ko narin kinuha ung libro ko kasi late na late na talaga ako. Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng classroom namin sumilip muna ako sa may maliit na bintana ng pintuan. At dahil medyo maliit ako kinailangan ko pang tumingkayad para makakita ako ng maayos. Nang nakasilip na ako hinanap agad ng mata ko kung nasaan si Ms. Agoncillo. Habang hinahanap ko kung nasaan si Ms. Agoncillo nagulat ako ng bigla may nag bukas nang pinto kaya natumba ako bigla paharap dahil nga nakasandal ako sa pinto habang nakatingkayad na gumawa ng isang malakas na ingay.

"The fuck! sino ang nag bukas ng pinto?!" Galit na sabi ko at lumingon sa likod ko. Nakita ko si Nathan na humahalakhak habang nakahawak pa sya sa tyan nya at halos hindi na makatayo ng maayos. Tumayo agad ako at nakita kong nakatingin ng gulat lahat ng mga tao sa classroom kasama narin si Ms. Agoncillo. Hindi ko sila pinansin at galit na humarap sa taong kanina pa tawa ng tawa sa likod ko. Susugurin ko na sana sya nang biglang napatigil ako sa isang malakas na boses ang nag salita sa likod ko.

"Ms. Dela Cruz anong kaguluhan ito?!" Umuusok sa galit na tanong ni Ms. Agoncillo. Napatigil sa pag tawa si Nathan at napatayo ng maayos ng marinig nya ang malakas na boses ni Ms. Agoncillo. Tinignan ko sya ng masama na parang pinaparating ko na maghanda na sya at ililibing ko na sya ng buhay. At humarap rin kay Ms. Agoncillo na umuusok sa galit.

"Ms. Dela Cruz, Mr. Samonte!Conference room now! At wag na wag kayong aalis doon. Susunod agad ako!" Sabi nya ng nakaturo sa daan papuntang conference room at mabilis na tumalikod upang iwanan ng gagawin ung mga kaklase ko. Galit na humarap ulit ako sa likod ko at nakita ko si nathan na nagsisimula nang maglakad papuntang conference room. Mabilis na sinundan ko sya at hinila sa sabitan ng bag. Napahinto sya paglalakad at napaatras patalikod.

"Aray! Anung problema mo?!" Galit na sabi nya at marahas na lumingon sakin. Aba at ako pa talaga ang may problema. Nabadtrip ako lalo sa sinabi nya kaya hinila ko pa sya lalo patalikod nagulat sya sa paghila ko kaya napaupo sya pasalampak sa sahig. "Aray! Bakit mo ginawa yon?!" Galit ulit na sabi nya at pilit na tinanggal ang pagkakahawak ko sa sabitan ng bag nya pinatanggal ko naman ito at marahas sya na tumayo habang pinapagpapagaan ung slacks nya.

"Anong problema ko? Bakit ko ginawa yon?" Nagtitimping sabi ko at kahit anong oras pwede na akong sumabog. "Ikaw lang naman ang problema ko kung bakit iniri ka pa ng nanay mo kung wala karin namang matutulong sa mundo kundi mangbwiset at manira ng araw ng mga tao. At kaya ko ginawa yon kasi wala lang trip ko lang sumalpak ka sa sahig" sumabog na ako sa sobrang galit.

"HAHAHAHHAHAHAHA" napakunot ako nang bigla sya humagalpak ulit nang tawa.

"Anung tinatawa tawa mo dyan?" Nagtataka at galit na tanong ko. Hindi parin sya tumitigil sa pag tawa kundi mas lalo pang lumakas ung tawa nya na halos buong building ata rinig ung tawa nya. Napatigil lang sya ng tawa nang at biglang tumayo ng maayos nang bigla ulit may nag salita sa likod namin. Fuckshit talaga tong lalake na to. Puro perwisyo ang dala.

"Ms. Dela Cruz, Mr. Samonte ano pang ginagawa nyo dito?!" Galit nanamang sabi ni Ms. Agoncillo.


A/N:
Long update :) ginanahan ako gumawa HAHAHA :)))

The unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon