"Ako" at biglang may nag salita sa harap ko. Napatingala ako sa nag salita sa harap. Nagulat ako kasi sya ung babae kanina na kung tumawa wagas.
"Ano aalis ka ba mag isa mo o ako pa mag aalis sayo?" Siga na tanong nung babae sa harap ko.
"Bakit? Kaya mo ba ako?" Paghahamon ko at nag smirk.
"Tss" sabi nya at sa isang iglap nasa sahig na ako nakadapa at nakaupo na sya.
"Fuckshit! Pano mo nagawa yun?!" Sigaw na sabi ko habang patayo tangina ansakit ng pag kahulog ko.
"HAHAHAHA sabi ko sayo pre eh may nakaupo jan eh" natatawang sabi ni drake. Finuck you sign ko na lng sya at naupo na sa tabi nya. Tinignan ko ng masama ung babae. Hindi sya nakatingin sakn kasi may hinahalungkat sya sa bag nya. Hindi namn sya maganda maitim, medyo pango, medyo makapal ung labi, mahaba ung buhok nakacup na black, at may pagkaboyish ata ay mali tomboy to.
"Tomboy amputa" bulong ko. Narinig siguro nya kasi napatigil sya sa pag hahalungkat sa bag nya at napatingin sakin.
"Sinong tomboy?" Medyo mababa boses nyang tanong sakin.
"Ikaw sino pa ba?" Tss di lng pala sya tomboy bingi pa.
"Ah tomboy pala ah" sabi nya sabay biglang pitik sa ilong ko.
"Tangna ang sakit! Bakit mo ginawa yon?!" Sabi ko habang hinihimas ung ilong ko at tinignan sya nang masama.
"Sabi mo tomboy ako eh" sabi nya at bumalik na ulit sa paghahalungkat sa bag nya.
"HAHHAHA pre kung ako sayo iiwas na ako. Hindi yan ordinaryong babae. At ayaw na ayaw nyang tinatawag syang tomboy tsaka pag nakalaban mo yan humanda ka na" natatawang sabi sakn ni drake.
"Bakit sino ba sya?" Nakakunot noo kong tanong habang hinihimas ko ung pinitik nyang ilong ko.
"Sya si Nikki Dela Cruz tropa nila bryan, one of the boys pero hindi tomboy. Halos lahat kaibigan nya sa buong batch ng 4th year. Kaya nga halos lahat kaibigan nya kasi ayaw nilang maging kaaway si nikki nakakatakot kasi yan pag naging kaaway" paliwanag sakn ni drake. Napatingin namn ako sa nikki dito sa tabi ko nag ce-cellphone sya ngaun at nakaearphones habang kumakain ng cheetos.
"Shit wala na dead na buwisit!" Sabi nya nag lalaro ata ng games sa cellphone. Bigla syang napatingin sakin. "Anu tinitingin mo jan?" Sigang tanong nya sakin.
"Wala hindi ikw ung tinitignan ko ung bintana tumabi ka jan harang ka sa bintana eh" sabi ko ng mapang asar. Di ko alam kung bakit pero ang sarap nyang asarin. Nagulat na lng ako ng bigla nya akong binato ng cheetos na kinakain nya at
sabay fuck you sign sakin. Tinawanan ko na lang sya at humarap kay drake.Mayamaya biglang nang dumating ung adviser namin at since first day pa lang naman hindi pa sya nag turo diniscuss nya lng ung mga rules and regulations dito sa school pero dahil wala namn akong balak sundin lahat yun natulog na lng ako.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong may umuuga sakin. "Tan, tan, tan uy gising na break na. Uy!" Paulit ulit na sabi sakin. Minulat ko ung mata ko at nakita ko si drake na nakatayo na at parang ready ng umalis.
"Anung meron?" Tanong ko at nagkukusot pa ng mata.
"Break na tara na sa canteen. Bilisan mo gutom na ako kanina pa kita ginigising eh" sabi nya.
Ginulo ko ung buhok at tumayo na.Pumunta na kaming canteen pag dating namin dun bumili muna kami ng makakain ni drake at pumunta na sa table nila bryan. Nung nakarating na kami dun nakita ko si nikki nakaupo kasama ni charles at mark na nag tatawanan. Oo nga pala tropa sya nila bryan tss. Pagkaupo namin nag simula na kaming kumain.
"Pagtapos nito basketball tayo?" Pag aaya ni klyde isa pang tropa ni bryan.
"Cge cge. Sama ka tan?" Tanong sakin ni drake tumango na lng ako.
"O sino sino mag kakampi?" Biglang tanong ni bryan.
"Ako si tan, charles at klyde" sabi ni drake habang tinuturo kami isa isa.
"Ocge kami nila mark, nikki at jason" sabi ni bryan.
"Teka teka kasama si nikki?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo pre naglalaro yan kung alam mo lang" sabi ni jason.
Sus babae marunong maglaro ano to lokohan?"Seryoso kayo? Babae marunong maglaro?" Medyo natatawa at di makapaniwalang tanong ko.
"Oo bakit bawal ba?" Biglang singit ni nikki at naniningkit ang mata na tinignan ako.
"Oo kasi babae ka at ang mga babae hindi marunong mag basketball" sabi ko at bumaling na ulit sa pagkain ko.
"Ah ganun pala ah" sabi nya at bumalik na ulit sa pagkain.
Pagtapos namin kumain laht dumiretso na kami sa basketball court. Hinubad ko ung polo ko at nag sando na lng para hindi ako dugyot pag tapos ng laro ganun din ung ginawa ng iba. Napatingin naman ako kay nikki na nakapag palit na ngaun ng white na t-shirt na nakalagay na "just do it" tapos may nike na logo. Nilagay nya ung damit nya sa bench sa tabi ng court tapos kinuha ung bola at nag simula na mag shoot sa free throw line nung nag shoot na sya hindi ito pumasok akala ko mag sho-shoot pa sya ulit pero hindi pala lumipat sya sa tres at tumira nagulat ako ng biglang pumasok tapos lumingon sya sakin at kumindat inismidan ko na lng sya. Kinuha nya ulit ung bola at nag shoot ulit at pumasok na naman. Aba magaling to.
A/N:
Pwede na ba? Maganda ba?? Sana nagustuhan nyo HAHAHAH.
BINABASA MO ANG
The unexpected love
HumorThis story is about the boy who has no clue on what will happen on his 4th year in Newton high. Will he make friends? Will he be famous? Or will he meet the girl that will change her perspective in love? Enjoy! <3 Author: domrxxx