MFLIMD: 14

28 0 0
                                    

Kasalukuyang hinihintay namin ni steph sila Ivan sa isang restaurant ng may makita akong pamilyar na tao sa akin.

"Now. I finally found you!"

palihim kong sinenyasan si steph na lumabas, ng pumasok si yannie sa loob ng staff room.

"Bakit tayo lumabas?" tanong ni steph sa akin.

Hindi ko sya agad sinagot, busy ako sa pagtext kila Ivan na huwag ng tumuloy, na doon na lang muna sila sa hotel na pinag stay-an nila.

"huy? kakain tayo di ba?" tanong na naman ni steph habang papasok sa loob ng kotse.

"Isa, wax." bilang nito

"Nakita ko na sya" nakangiting sagot ko dito

"huh? sino? si yannie? saan?" kunot noong tanong nya.

"Nandyan sya sa loob."

"Dyaan? oh? eh, bakit pa tayo lumabas?" takang tanong pa rin nya

"Baka kasi maistorbo sya, nakita ko syang pumasok sa loob ng staff room, baka dyan sa nagtatrabaho."

"work? are you sure? eh, ang yaman yaman nya kaya."

Hindi ko pinansin yung sinasabi nya. Mula sa loob ng kotse ko, pinag mamasdan ko lang sya.

"That's her." bulong ni steph na medyo lumapit pa talaga sa salamin ng kotse ko.

"Dito lang tayo. Sundan na lang natin sya mamaya."

Yannie's Pov

Ang weird ng pakiramdam ko. Feeling ko may nakamasid sa akin, luminga linga ako, wala naman. I shook my head para medyo mawala yung iniisip ko.

"okay ka lang?" tanong sa akin ni Vin--may ari ng restaurant.

"Ah. Oo, Sorry." sagot ko dito, ano ba tong nangyayari sa akin?

"You look pale. Siguro dapat di ka na lang muna pumasok."

"Kaya ko naman, Vin." mahinang sagot ko dito

"No. Halika ka na, ihahatid kita." pilit nito, hindi na ko nakasagot kasi nahatak na nya ako.

Mabait sa akin si Vin, sa isang linggong pagtatrabaho ko sa restaurant, naging malapit na din ako sa kanya. May common similarities sila ni Stanley, napaka concern nila sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Sabi ko naman kasi sayo, Vin, okay ako eh." sabi ko rito ng sakay na kami ng sasakyan nya

"Okay? tingin mo ba, hahatakin kita dito kung alam kong okay ka? natitigan mo ba sarili mo sa salamin?" sagot nito habang nagmamaneho, napayuko naman ako.

"Sya pa rin ba ang dahilan nyan?" tanong nito, tumango lang ako.

"Uuwi ako after ng work ko. Kailangan ko ng harapin ang katotohanan eh." sagot ko

"Nandito na tayo." sabi nya, Oo, malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan ko sa trabaho ko, kaya hindi ako nahirapan. Bumaba sya at saka ako pinag buksan ng pinto

"Thank you, Vin. Thank you for being a friend." Sabi ko rito ng makababa ako at magkatapat na kami.

"Wala yon. Sige na, hindi na ako magtatagal, babalik na din agad ako." paalam nito sabay halik sa akin sa pisngi na ikinabigla ko

"V-Vin?" tawag ko dito. Umiling ito sabay ngiti

"He's a lucky guy, you know? Sana ako na lang sya." malungkot na sabi nito. Nabigla talaga ako kasi hindi ko alam na may iniisip pala syang ganon.

Wala sa sariling napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko din yung pagyakap nya sa akin.

Parehas lang kami nagbigla ng may biglang humatak sa akin mula dito. Hindi ako nakahuma agad sa kinatatayuan ko ng bigla nyang suntukin si Vin.

"Tangina pre. Ano bang problema mo?!" galit na tanong ni Vin dito, kaso sinapak sya ulit ni wax.

"Wax! tama na yan!" rinig kong awat ni steph. Nandito din sya? teka ano bang ginagawa nila dito? paanong? shit. Sabi ko nga di ba, hindi na mahirap sa kanila na hanapin ako.

"Wax!" sigaw na naman nito

Inawat ko na din sila, inilayo ko si Vin kay wax.

"Gago ka ah. Sino ka ba?!" tanong dito ni Vin, hinarap ko si Vin, hindi ko namamalayang may tumulong luha na pala sa mga mata ko.

Napatingin din sa akin si Vin, sabay punas ng mga luha ko gamit ang mga daliri nya.

"Yannie!" galit na tawag sa akin ni wax pero narinig kong pinagsasabihan ito ni steph.

"Sorry ah? Ako na lang ang aayos dito. Thank you sa paghatid." sabi ko dito,

"sya ba?" tanong nito, tumango lang ako. Tinitigan nya si wax

"Swerteng lalaki. Gago nga lang" dagdag pa nito, at saka pumasok na sa loob ng kotse. Hinintay ko syang makaalis ng tuluyan bago sya hinarap.

"yannie?" mahinang tawag nito sa akin. Lumingon ako dito, umiiyak ito!

"Iwan ko na muna kayo. Dito lang ako sa kotse." paalam ni steph at tuluyan ng binitawan si wax.

Tumalikod ako at naglakad papasok ng bahay, sinundan nya lang ako.

"nie?" mahinang tawag ulit nito sa akin, ng makapasok na kami ng tuluyan. Nakayakap sya sa akin mula sa likuran ko. Hindi ko na ulit napigilan ang luha ko.

"I'm really sorry nie. I know I'm such a jerk. Wala akong kwentang boyfriend. Ang gago ko kasi pinaglaruan kita, nakipaglaro ako pero ako din ang natalo. Minahal kita, yannie. God knows what I truly feel towards you. Minahal kita ng hindi ko namamalayan. Ang tanga tanga ko lang kasi hinayaan ko yung mga tao sa paligid ko na manghimasok at masira tayo. Sorry nie, sorry kung di kita nagawang kalimutan. Sorry kung wala akong ibang minahal kundi ikaw. Sorry. I'm really really sorry, sa lahat ng sakit na pinaramdam ko sayo noon." paliwanag nito. Mas lalo pang humigpit yung pagkaka yakap nya sa akin ng magkatunog ang pag iyak ko.

Bumitaw ako dito at hinarap sya, ngayon sya naman ang umiiyak. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya, gamit ang daliri ko, pinunasan ko ang mga luha nya.

"I know, pinatawad na kita, matagal na. I know everything, pinaliwanag na sa akin ni hanna, ng aksidenteng magkita kami sa states. Hindi ko lang matanggap kasi nagalit ako sa sarili ko. Sa sarili ko ako galit wax, hindi sayo. Nagbulag bulagan ako, nagbingi bingihan sa katotohanang ako ang nagkamali at hindi ikaw, nagkamali akong binitawan kita agad, na bumitaw agad ako sa relasyon na meron tayo. Tanga ko, dinamay ko pa sa kadramahan ko mga kaibigan ko. Yung mga kaibigan ko na wala namang ginawa kundi ang ikasasaya ko." Umiiyak na sabi ko. Oo, nagsinungaling ako sa lahat. Nagpretend ako na walang alam, na bumalik ako dito sa pilipinas na ang alam nila ako ang naloko at sinaktan, pero hindi. Biktima lang kami pareho.

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon