MFLIMD: 16

22 0 0
                                    

Ilang oras na mula ng umalis ang barkada, hindi pa daw sila uuwi sa manila, lilibutin na muna daw nila ang Baguio since nandito rin lang naman daw sila.

Parehas kaming nakahiga ngayon ni Wax, nakaunan ako sa braso nya. Hindi ako makatingin man lang sa kanya

"Bakit ang tahimik mo?" tanong nito, ramdam ko yung titig nya sa mukha ko

"hmm? eh, kasi wala naman akong sasabihin" nakangiting sagot ko dito ng hindi lumilingon man lang

Parehas na naman kami nanahimik, siguro para namnamin na din yung oras na magkasama kami na dalawa lang kami.

Oo, maling nagsinungaling ako. Maling pinangunahan ko ang panahon, natakot lang din siguro ako.

Ang gulo no? I tried to act normal as if there's nothing happened sa nakaraan. Ang selfish ko kung iisipin.

"Wax?" tawag ko dito, lumingon naman sya sa akin. Yung titig nya sa mga mata ko na nakakapag patunaw sa puso ko, yung mapupulang labi nya na dumadampi sa mga labi ko.

Hindi ko alam kung paano nangyaring na sa ibabaw ko na sya, dahan dahan nyang hinahaplos ang pisngi ko. Hinalikan nya ko sa noo ko, sa tungki ng ilong ko hanggang sa sinakop na nya ang labi ko.

"I love you." bulong nito ng sandali nyang putulin ang halik, naramdaman ko yung kamay nyang naghahanap. Napamulat ako ng maramdaman ko yung isang palad nya sa dibdib ko.

"W-wax?" kinakabahang tawag ko dito, huminto naman ito at mariing napapikit

"Shit" mura nito at saka dumilat at tumitig sa akin

"I'm sorry, hon. I shouldn't have done that" sabi nito at saka ipinagdikit ang mga noo namin

"Okay lang." sagot ko dito at saka mabilis na hinalikan

pinagpalit nya yung pwesto namin, ngayon ako naman ang na sa ibabaw nya.

"nie?" tawag ulit nito sa pangalan ko, tumingin naman ako sa kanya

"S-sino yung ano--y-yung kausap mo kanina? yung nasuntok ko?" tanong nito, natawa naman ako lalo ng kumunot ang noo nito.

"what's so funny? sino nga yun?" seryosong tanong nito. kinurot ko muna sya sa ilong at saka hinalikan ng mabilis sa labi nito

"Nakakarami ka na ah."

"Si Vin yon. Sya yung boss ko." nakangiting sagot ko dito habang sinusuklay ko ang buhok nito

"Seryoso ka? eh, paano pag di ka nya pinauwi? ang gag--, bakit di mo agad sinabi?" gulat na tanong nito, tinap ko yung bibig nya kasi magmumura sya.

"Bah! eh, ikaw tong sugod ng sugod dyan eh." sisi ko rito

"Eh, bakit ka ba kasi nya yakap?" nag ta-tampong tanong nito

"bakit? di ba pwede? ang dami ko na kayang nakayakap. I even have those boys when I was in States. May mga nakarelasyon din naman ako." sabi ko dito na lalo pang nakapag palukot sa mukha nito

"Uyy, nagseselos." asar ko dito, nag iwas sya ng tingin sa akin. Ang cute talaga mag selos ng mga lalaki, lalo na sya.

"Minaha-"

"Sige ipamukha mo pa sa akin na may minahal ka maliban sa akin." putol nito sa sinasabi ko na lalong nakapag pangiti sa akin, lumapit ako sa tainga nito at saka bumulong

"Minahal ko sila pero hindi tulad ng pagmamahal ko sayo."

Wax Pov

"Minahal ko sila pero hindi tulad ng pagmamahal ko sayo."

Nanigas ata ang buong katawan ko sa sinabi nya, ganon na lang kasi yung tuwang naramdaman ko simula pa kanina ng mag kausap kami at magkasundo. Hindi ko sya sinisi, hindi ako nagalit sa kanya dahil sa nag sinungaling sya sa amin lahat. Alam ko at naiintindihan ko sya dahil nasaktan sya sa isang kasinungalingan.

Masyado na namin nasaktan ang isa't isa para magalit at saktan pang muli ang isa't isa.

"Hindi ka na kumibo dyan!" natatawang tampal nito sa akin sa pisngi

"Wala ka bang gusto sa boss mo?" tanong ko dito bigla

"Wala" sagot nito

"Eh sya?" tanong ko ulit, hindi ko alam pero hindi ako mapalagay, feeling ko kasi any moment pwede na naman mawala sa akin si yannie, baka pag gising ko bukas wala na sya, may nakakuha na pala sa kanya.

"Meron syang gusto sa akin, that's the reason why I hugged him. Alam ko kasi nasaktan ko sya kahit di  nya yon sabihin sa akin." paliwanag nito, hinalikan nya ako and I kiss her back. Sa halik nya, parang pinaparamdam nya sa akin na huwag din akong matakot kasi wala akong kaagaw sa kanya.

"I love you, wax." sabi nya sa akin, awtomatikong napangiti ako sa kanya at mabilis syang hinalikan

"I love you too, nie. My future, my forever, my destiny. I love you, I love you, I love you."

Naramdaman ko yung malalim na pag hinga nya, nakatulog na pala sya. Inayos ko sya ng higa sa tabi ko, nakayakap pa rin yung isang braso nya sa akin. Pinagmasdan ko sya, hinahawi ko yung mga buhok nya na tumatakip sa magandang mukha nya. Hindi ko alam pero kusa akong napapangiti kapag nakikita ko syang ganito. Ang sarap nyang titigan, ang himbing himbing na ng tulog nya.

"Ang swerte ko sayo." pag kausap ko dito kahit alam kong di naman nya naririnig, hinahapos haplos ko yung makinis at malambot na pisngi nya.

"Hindi na kita ulit pakakawalan pa, nie. Ang tagal kong hinintay tong pagkakataong to na makasama kita. Ang mahalikan kita, ang mayakap kita, ang haplusin ka, ang mapangiti kita. God knows how much I love you, noon hanggang ngayon. I love you, nie."  sabi ko at saka umayos na din ng higa sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit, hinalikan ko muna sya sa noo at saka natulog.

Kung tutuusin, they are both lucky to have each other, mahal nila ang isa't isa. Hindi nila iniisip yung nakaraan pa, para saan pa nga ba? may magagawa pa ba sila kung babalikan nila iyon? sasaktan lang ulit nila ang isa't isa. Masasaktan lang yung mga taong nakapaligid pa sa kanila. Kung balikan man ang nakaraan, para na lang siguro magpaliwanag at magpatawad. Mag move on sa mga bagay at tao at pangyayari na hindi naman maganda. Erase those bad things happened in the past, cherish the good ones in your heart. Don't be fool enough para hayaan mo ulit yung pagkakataong sirain ka. "Believe with your eyes not with your ears."  or else "Believe with your ears not with your eyes." minsan kasi dyan tayo nagkakatalo, hindi lahat ng naririnig mo totoo, at hindi rin naman lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo din. "Believe what your heart says." instead.

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon