Papasok na kami ni yannie sa loob ng restaurant na pinapasukan nya ng mapatigil ako, nagtatakang tingin naman ang ipinukol nya sa akin.
"Pag hindi ka nya pinayagan, alam mo na huh?" sabi ko dito, medyo nag aalangan kasi ako. Ewan ko ba kung bakit ganito pakiramdam ko.
"Anong alam ko na?" clueless na balik tanong nya
"Of course, hon. You know what I mean." sagot ko dito, kunot na kunot naman na ang noo nito.
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
"Yann--"
"Magtatalo na lang ba kayo dyan o papasok kayo sa loob?" singit ng kung sino, parehas naman kami lumingon ni yannie dito
"I thought you guys go back na sa manila? di pa ba kayo tapos maglibot?" tanong ni yannie kay zoe
"Nagbago isip namin, sabay sabay na lang tayo, saka Oo, di pa kami tapos maglibot." bale walang sagot ni stanley "pumasok na tayo, kanina pa talaga ako gutom." reklamo nito, dahan dahan na lang akong napatango
"Oh, Hi yannie." bungad nung Vin slash boss ni yannie, lalapit at hahawakan na sana nya si yannie ng akbayan ko ito at pihitin pa lalo palapit sa akin. Tumingin lang ito sa akin ng nakakaloko
"I'm here to apologize for what happened yesterday. Pasensya na pre, di ko alam eh." Simula ko at saka nakipagkamay, tumango lang naman ito sabay tanggap.
"So, yannie. What's your plan? are you going to manila or you'll stay til' the end of the month?" seryosong tanong nito kay yannie na akbay ko pa rin.
"Ugh, Vin, I'm going with my friends na, if it is okay with you." sagot naman nito dito
"Okay lang, as long as this guy assured na hindi ka na nya paiiyakin or else, hindi na talaga kita papayagan sa susunod kapag nagawi ka ulit dito." nakangiting paliwanag nito habang nakatingin sa akin.
"One hundred one percent, I assure you that, pero hindi sa ibibigay ko siya sayo no matter what happens. Yannie is mine, forever." Nakangising sagot ko dito
"Hindi ba kayo nagugutom?" balewalang tanong ng kung sino sa likod ni vin
"You guys will stand there na lang ba forever?" singit naman ng isa
"Daniella, is that you?" singit naman ng isa pa.
"Alam nyo, sige na kain na tayo." natatawang sabi ni yannie
"Mayari pa tayo sa tatlong to." sagot ko naman na ang tinutukoy ko eh sila Zoe, steph and honey.
Yannie's Pov
"So?" natigil sa hangin yung hawak kong tinidor ng magsalita si Ivan
"So?" ulit ko sa sinabi nito, saka itinuloy ang pagkain ko.
"Ano ng plano?" tanong nito, ah. yun lang pala.
"Don't tell me, yannie, na di ka pinayagan ng boss mo? teka sino nga ba yan?" tanong ulit nito. Itinigil ko muna ulit ang pagkain ko at saka sila hinarap na talaga naman hinihintay ang isasagot ko
"eh?" bitin ko at nag kunwaring nag iisip
"Yannie" boses yon ni steven
"yes, Steven?" baling ko dito
"Huwag mo kong pilosopohin" seryosong sabi nito. At mukhang matatamaan nga ako kapag di ako nagsabi ng totoo. lol
"Oo, na kayo naman. Hindi ba uso thrill muna? hays." simangot na sabi ko sa mga ito. Inakbayan naman ako ni wax at saka kinurot ang pisngi ko. Nilingon ko ito at binigyan ng irap.
Nagsitawanan naman sila. Ngayon tatawa bwisit.
"Ang pangit mo, nie." si zoe.
"Para saan pa at naging kaibigan kita? alam mo na kung kanino nagmana." sarcastic na sagot ko dito
"Wow. Uy, thank you ah. Flattered naman ako." nang aasar na sagot naman nya sa akin
"Tapos mamaya may mapipikon na naman sa kanila" singit naman ni honey
"Che" sabay na bigkas namin ni Zoe.
"Love you, nie." baling sa akin ni zoe
"Oh, And I hate you. bitch." bulong na sagot ko dito na nginisihan nya lang. Abnormal talaga mga kaibigan ko.
"kung bakit ba kasi napabilang ako sa inyo." bulong ko na alam kong narinig din naman nila
"Eh, malamang kasi abnormal ka din." sabay sabay na sagot nila sa akin, si wax naman naka akbay pa rin sa akin at sumasabay lang sa pag tawa. Siniko ko naman sya, nag peace sign naman sya sa akin
"So, how's the food?" napatigil kami lahat at napatingin sa nagsalita.
"Great. Babalik kami ulit dito pag umakyat ulit kami" sagot ni steph.
"Nice to hear that. Enjoy the food, guys. If you need something, tawag lang kayo ng waiter." sabi nito saka bumaling sa akin
"Ah, Can I talk to you for awhile?" tanong nito sa akin, tumango naman ako. Ramdam ko yung higpit ng pagkaka akbay sa akin ni wax, tinapik ko lang ito sa hita nya at saka tumayo na.
"Babalik ko din sya, don't worry. Excuse us." nakangiting paalam nito sa barkada ko.
Naupo kami sa isang vacant table, medyo may kalayuan sa kanila.
"Bakit?" tanong ko agad ng maka upo kami.
"Hindi ka na ba talaga mapipigil?" malungkot na tanong nito, nginitian ko lang ito
"Sira. Ganda ganda na ng usapan natin kanina eh."
"Nagbabakasali baka mabago eh."
"Sorry, Vin. Final na yun eh. Malalagot din ako sa kanila kapag binago ko pa desisyon ko." sagot ko dito sabay turo sa gawi nila wax na nakatingin din sa amin.
"Swerte ng gago. Sinaktan ka nya pero na sa kanya ka pa rin."
"Hindi. Swerte ko kasi hindi nya ko sinukuan." pagtatama ko.
"So I guess it's goodbye then?" tanong nito. Umiling ako dito
"Of course not. Ano ka ba, magkikita pa tayo. Hindi pa to goodbye" nakangiting sagot ko dito
"I'm looking forward to that." nakangiti na rin sabi nito at saka tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Tumayo din ako at inabot iyon.
"Yes. And I'm looking forward too, to your love life."
"I hope so. See you again, soon."
"Yes, soon." sagot ko
"Pre, medyo matagal na eh." parehas kaming nagulat kasi lahat sila na sa harap na namin. Si wax, binawi yung kamay ko kay Vin. at saka tumabi sa akin at hapitin ako sa bewang ko.
"Sorry, mukhang di na sila mapaghihiwalay eh." si stanley na tinapik tapik pa tong si Vin sa balikat
"Ano ba pinagsasabi nyo?" natatawang singit ko sa kanila
"Mahirap na" si myrtle
"Anong mahirap? jusko. Nagpapa alam lang kami sa isa't isa." di makapaniwalang sagot ko.
"Eh, di sabi mo eh. Naninigurado lang. Tara na? di na gaano mainit, pasyal na tayo." si steph saka naglakad palabas.
"Sige na, Vin. We have to go, and thank you. See you soon" paalam ko dito, at nakangiting nakapamulsa lang syang tinanguan ako at inihatid kami hanggang labas.
"Thank you, pre." hirit ni wax saka nakipag kamay.
"Welcome, keep safe guys. Balik kayo ulit." sigaw nito sa mga kasama ko na nagsi tanguan lang.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Destiny (Hold)
Teen Fiction"First love never dies" ika nga ng mga tao. Ito yung kauna unahang pag ibig mong totoo. pero paano na lang kung ang unang pag ibig mo ay ang first heart break mo din? kayanin mo kaya? Yannie Llyana-- the girl who fell in love unexpectedly with Wax...