Chapter 1

29 3 0
                                        

Summer na naman. Ito na yung time na free na ang lahat yung tipong wala ng klase at nagagawa nila kung ano ang gusto nila. Pero ako walang FREE sa bokubularyo ko.



Dahil andito ako ngayon sa may waiting shed kung saan nag s-stop ang mga bus. Ala sais pa ng umaga umalis na ako ng bahay. At nga yun andito ako at mag da-dalawang oras na ako. Ang init pa ng sikat ng araw. Inayos ko muna ang suot kung salamin at tumingin sa dala kung newspaper.




Ako nga pala si Selena Blair Hart. Mahilig ako mag basa. Mahilig rin ako sa mga matataas na palda yung bang pang madre. Medyo malabo rin ang mga mata ko kaya nga sumusuot ako ng nerdy glasses. At may pag ka bookworm rin ako. Pero may bestfriend na man ako si Clair Ann Suarez. At ang kasama ko lang ay ang Kuya ko wala na kaming mga magulang namatay sa accidente kaya simula nun kami na lang ni kuya ang magkasama at wala rin kming kilalang mga kamaganak balita ko kasi dati si mama daw tinakwil kasi mas pinili niya si papa, mayaman kasi sila mama tapos sila papa mahirap lng Idol ko nga sila eh kaya nila kaming buhayin kahit simple lng dahil dun naniniwala ako na balang araw mahahanap ko ang aking prince charming. di ko din na kilala ang mga lola at lolo ko at wala rin ata silang balak hanapin kami ni kuya.






Ano bang ginagawa ko dito nag hahanap lang naman ako ng trabaho. Ang sosyal nga ng apeyildo ko Hart parang mayaman. Pero sa katunayan hindi na man kami mayaman yung bang status namin naka- kain lang ng tatlong beses sa isang araw.




Ang hirap na man humanap ng trabaho hindi pala ganun kadali. At sumasabay pa ang init ng araw. Tumutulo pa ang pawis ko sa mukha. Bumalik na man ang tingin ko sa newspaper.




●Wanted: stylist - Stylist eh.. hindi nga ako marunong mag ayos ng damit buhok pa kaya. Pero hindi yung sa sosyal yung sa mga Salon lang.




●Wanted: Katulong o maid - Katulong o muchacha. Ayaw ko rin nito. Kailangan kasi Full time ka.




●Wanted: Waiter - Ito pwede na sana kaso ang layo naman nito sa amin. Sayang lang ang pera ko. Para sana makatulong samin pamasahe ko lang.




Marami pa akong nakita kaso hinde pwede yung iba naman ang layo sa amin. Tulad ng mga Driver, car washer at etc. Pero may na hagip ang mata ko.





Wanted: cashier ito cashier pwede na ito. Tiningnana ko naman kung saan. Salamat naman at malapit lapit lang sa amin. At higit sa lahat malapit lang dito kung saan ako ngayon.




Agad na man akong tumayo at pumunta sa may pedestrian lane. Tiningnan ku muna ang Traffic light para sa mga tao kung saan sila dadaan. Red pa naman ang ilaw. Ako lang isa ni isa wala akong kasama. May mga sasakyan na man dumadaaan.





Tumingin ako sa may traffic light sakto naman at nag green na. Tiningnan ko muna kung may mga sasakyan. At wala na man. Agad na man akong tumuloy.





Nag mumuni ako habang tumatawid ng may nakita akong 20 pesos. Tiningnan ko na man kung may sasakyan wala na man. Sino bang mga tao ang iiwan na lang ng pera sayang pa ito pwede pa tung pagdagdag sa pang araw-araw namin.





Yumuko ako at kinuha ang 20 pesos. Nang may na rinig akong parang screech.. ng sasakyan. Agad ko na man tiningnan kung saan nang galing.




Napako ang tingin ko sa nalalapit na dalawang sasakyan sa akin. Ang bilis nilang magpatakbo. Katapusan ko na ba ito. Napapakit ako sa sobrang takot.




' Lord ikaw na po bahala sa akin marami pa sana akong gustong tapusin sa buhay '. Nanginginig pa ako.



Hinintay ko na mag impact sa akin ang sasakyan nila pero parang wala. Sa heaven na ba ako. Ganito ba talaga ang namamatay parang wala kang may nararamdaman ng kahit na anong sakit o kirot lang man.




Dangerous CommunityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon