Chapter 4

23 3 2
                                    

Blair



Tulad nga ng sabi ni Maam Rose ang dami ng Customer ang pumupunta dito. Hindi mo na man kasi maitatanggi amoy pa lang Mabango na.




'Hindi namakapag tataka kung bakit sikat na itong Cafe ngayon' .




Pinag patuloy ko na ang pag ta-trabaho. Nang makita kung papasok ng cafe si Best.



' Hi bes ' masiglang bati sa akin ni bes pag kadating niya sa harapan ko.





'Hahaha... Hi din bes, halika na nga puntahan na natin si Maam Rose ng maka umpisa kana' iniwan ko muna kay Ate Lyn. Sabay na kami ni bes pumunta sa opisina ni Maam Rose.





Pag kadating namin sa harap ng opisina kumatok kami. Narinig naming sumagot si Maam Rose ng 'Pasok'.





"Uhmm... Maam Rose ito nga po pala ang sinasabing kaibigan ko" pag pakilala ko kay Clair. Nakita ko na man napingiti si Maam Rose.




'Oh... Sige maupo muna kayo ' umupo na man kami ni bes sa harap ng table ni Maam Rose.




Tiningnan ko si Bes sa tabi ko nang nakitingin rin pala ito sa akin at nakangiti pa. 'Bakit kaya ito nakangiti ? '




"Uhmm.. bes bakit ka naka ngiti ?" Pano ba na man hindi ko alam kung bakit nakangiti ito. 'Siguro may topak itong si bes'




"Hahah... wala na man bes, Masaya lang. Ang cute cute mo kasi" sabay kirot pa sa aking Cheeks.




"Ha ? "





"Wala.. hahah" malala na siguro ang topak ni bes. Ngiti ngiti wala namang dahilan.




Sasagot pa sana ako kay bes nang mag salita si Maam Rose.





"Maganda na man ang iyong mga peroformances. Hindi nga mapakaila na mag bestfriend kayo" sabay tingin Ni Maam Rose sa amin na nakangiti.





Tumango lang kami ni bes at ngumiti sa kanya. Tiningnan ni Maam Rose si bes.




"Wala na mang Problema. Pwede kanang mag simula ngayon" nagpasalamat naman kami kay Maam Rose at nakipag kamay.




Nang lumabas kami sa opisina dumiretso kami sa may Locker Area. Para kunin narin ang damit na susuotin ni bes. Pag kita pa lang ni bes narinig ko pang sabi niyang 'Wahh... bakit ang ku kyute '




Pagkatapos mag bihis. Pumunta na man agad kami sa Cafe at ipinikilala ko si Bes sa kanila.




"Ito nga pala si Clair. Ang sinasabi kong kaibigan."pagpakilala ko sa kanila. Narinig ko na man sabi nilang 'hi' , 'hello' at 'Nice to meet you'.




Mga babae kasi kaming lahat dito sa Cafe. Kaya nga ang saya at mababait pa. Itinuro ko na kay bes kung anong gagawin niya, waiter ang kanyang trabaho. Nang matapos bumalik na kami sa aming kanya kanyang Trabaho.





Mag a alas 4 na nang hapon nang may pumasok na mga kalalakihan. Akala ko ako lang yung napahinto sa pag tatrabaho nang tiningnan ko sila bes ay ganun rin pala sila.





Umupo sila sa gilid ng cafe malapit sa glass. Nakita ko na man si Ate lyn ang pumunta para kunin ang inorder nila.



Habang titig na titig ako sa kanila hindi ko namalayan tumabi pala si bes sa akin.





Dangerous CommunityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon