Fairy 2

41 3 0
                                    


  Chapter 2: It's not a dream

Jeremiah Pov

Hahah kanina pa ako tawa ng tawa dahil sa dalawa kong echoserang kaibigan. Hahah akalain niyo Fairy daw ako. Hahah nakakaloka bweset. Ikwento ko sa inyo ang nangyari kanina

Flashback

Nagising nalang ako bigla. Hahah nakakatawa ang panaginip ko. Akalain niyo, sabi nila na ako daw ang kanilang Princesa. Hahah

"Gising kana pala Chrysanta" ah! Potek! Halos malaglag ang puso ko ng may nagsalita. Paglingon ko, si Hydra pala

"Hi Hydra" bati ko sa kanya pero natigilan ako ng makita kong may pakpak siya na kulay pink. O_O »»» O to the M to the G. OMG! Nanaginip parin ba ako. Tinignan ko ang paligid ko. Mas lalo akong nagulat ng napag alaman kong nasa loob ako ng bulaklak

"Sinong Hydra? Okay ka lang ba Chrysanta?" what? Hindi niya kilala si Hydra? Eh siya nga si Hydra eh! At bakit Chrysanta ang tawag niya sa akin? Nasaang lupalop ba ako ng mundo?!

"Sakura! Gising na ba siya?" O_O nandito rin pala si Blackile. At sino naman ang Sakura na yon?

"Kasumi! May problema!" Kasumi? Sino na naman ba yon? Bakit mga pang Japanese name ang mga pangalan nila?

"Bakit anong problema?" tanong ni Blackile at sinuri pa ako. Hala! Ano ba ang nangyayari sa mundong ito?

"Hoy Sakura at Katsumi! Gisingin niyo nadaw ang Prin-- Oh gising kana pala! Bakit ang ganda-ganda mo talaga?" Eww. Hinalikan niya ang oh-so precious kong hand

"Teka nga! Sino ba kayo? May shooting ba? May hidden camera ba dito? Bakit may pakpak kayo? At bakit iba ang pangalan mo Hydra at Blackile?" sunod-sunod kong tanong

"Okay ka lang ba Chrysanta? Wala ka namang lagnat ah" sino na naman ba ito? Pero infernes ang ganda niya. Kulay blue ang kanyang pakpak

"Sino ka?" tanong ko

"Sabihin na nga lang natin ang totoo! Ayaw kong mag sinungaling sa best friend ko!" biglaang sigaw ni Hydra

"Tama ka Miah! Ako nga si Hydra pero ang totoo kong name ay Sakura Montana. At ang totoong pangalan naman ni Blackile ay---" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si Blackile

"Ako na ang mag salita" sabi niya. Nag roll eyes lang si bhessy sa kanya kaya nagsalita na siya

"Ang totoo kong pangalan ay Kasumi Fresno. At your service Ma'am" sabi niya kaya napaawang nalang ang labi ko. May at your service pang nalalaman

"Eh sila?" tanong ko sabay turo sa apat nilang kasama. Mamaya na ako mag pakaOA, dapat ko munang malaman ang pangalan nila. At malay mo, nasa script pala ang tanong ko

"Hi my name is Momo Corral" sabi nung may pakpak na blue

"Hello my name is Ayami Mist" pagpapakilala ng may pakpak na violet

"Hi my name is Yuri Monterey" pagpapakilala nung humalik sa kamay kong may pakpak na kulay green

Naghintay ako na magsalita ang isa pero hindi siya sumagot at nag snob lang sa akin. Aba! Sapakin ko ito eh! Mang snob wagas! Sarap suntukin!

"Ako nalang ang magpakilala sa kanya. He is Fleur Froster" sabi nung Momo ba yun?

"Ahh... pero may hidden camera ba? Kung meron man CUT muna" sabi ko pero binatukan lang ako ni bhessy

The Hidden DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon