Fairy 1

76 4 0
                                    

          Chapter 1: Dream?

*kringgggg*

Lintek! May pasok na naman. Ayaw ko pang gumising. Gusto ko pang matulog

"Hoy anak! Bumangon kana jan! May pasok ka pa!" No choice na talaga ako kundi ang bumangon. Ang sakit kaya sa tenga ang bunganga ni Mommy parang bomba

Bago ako bumaba, ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. And tada! I'm ready to go to school. Nakalimutan ko palang magpakilala. Hi everyone, my name is Jeremiah Flame. 18 years old. Isa lang akong ordinaryong babae na tamad mag-aral pero top pa rin. Oha! Ang genius ko noh? But anyway, kailangan ko nang kumain dahil late na ako, nagmadali akong nagtungo sa dining at kumuha ng bread

"Alis na ako Mommy and Daddy. Bye" sabi ko sabay halik

"Kumain kana muna Anak!" rinig kong sigaw ni Mama. Pero hindi ko siya pinansin at tumakbo lang ng tumakbo habang kagat-kagat ko ang tinapay. Pagdating ko sa silid-aralan namin ay nandoon na ang teacher namin. Shit! Patay na!

"Sorry I'm late Ma'am" sabi ko sa kanya sabay pasok at upo sa upuan

"Late again? Ms. Flame, how many times do I have tell you that you can't be late in this class. No matter your the top student in this school, remember. You are just a student" asows! Paulit-ulit na lang yang sinasabi niya. Ang sakit sa tenga

"Sorry Ma'am"

"Okay. Pero bibigyan kita ng punishment ngayon. Ito ay ang gumawa ng 1000 words essay regarding our topics today" say what?! 1000 words?! 500 words lang ang kaya ko!

"Ma'am, 500 words na lang po" angal ko

"No! 1000 words. No but and that's my final decision" nakakairita talaga ang gurong itoh! Siya ang pinaka-ayaw ko sa balat ng lupa. At ang masaklap pa ay History Class ang klaseng ito! I hate history class the most pero malaki parin ang mga grades ko

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagdi-discussed si Ma'am. Mag re-research nalang ako tungkol sa history na ito kaysa makinig ako sa kanya. Aantokin lang ako pag nagkataon

"Class dismissed"

"Hoy bhessy! Grabe ka naman. Ano na naman ba ang ginawa mo kagabi?" tanong ni bhessy kong si Hydra Mehta

"Wala lang. Nanonood lang ng anime" sabi ko

"Na naman?! Grabe ka naman Miah! Hindi gaya sa iba jan. Maaga ngang matulog, hindi naman maaga gumising" sabi ng isa kong best friend

"Tantanan mo ako Blackile Chaunhadry" sabi ng aking bhessy. Parati nalang silang nagbabangayan. Hindi na ako magtataka kong sila ang magkatuluyan sa huli

"Totoo naman eh! Kung hindi lang tayo kapit-bahay, at kung hindi kita ginising baka hindi kapa gising ngayon" tsk. Ang ingay ng mga toh

"Oh shut up Blackile!"

"Shut up Ms. Mehta and Ms. Chaudhary and sit down" mabuti nalang dumating ang second teacher namin na si Ms. Heart Breaker. Oh diba? Bongga ng name niya. Hahah pero hindi yun ang totoo niyang name. Tawag ko lang sa kanya dahil ang rami ng boyfriend niyan at sa huli pinapaasa at pinapaiyak niya lang, in short play girl ang babaeng yan

                         ♠

Natapos na ang klase namin. Uwian na, ang kasama ko ngayon ay ang dalawa kong echoserang kaibigan na nag-babangayan na naman

"Lintek ka Blackile! Papatayin kita!" ang ingay talaga nila. Makinig na nga lang ng music

Now playing:  EXO-Promise

The Hidden DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon